21/12/2025
1 Corinto 16:13
Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay, at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.
As we celebrate this Christmas Fellowship, pinaaalala sa atin na ang season na ito ay hindi lang tungkol sa mga regalo at dekorasyon, kundi tungkol kay Jesus — ang pinakamahalagang biyaya sa lahat. Today, we must choose to live a life of CALM, kahit sa gitna ng magulo at maingay na mundo.
CONFRONTING CORRUPTION – let us remove everything that corrupts us
ANCHORED IN FAITH — patuloy na nagtitiwala sa Diyos, lalo na kapag hindi malinaw ang daan.
LEADING WITH LOVE — pinipiling magmahal, umunawa, at magpakita ng kabutihan, gaya ng itinuro ni Cristo.
MOVING TOWARD UNITY — mas pinipili ang pagkakaisa kaysa sa pagkakahati-hati.
Sa season na ito, tinatawag tayong bantayan ang ating puso, manatiling matatag sa pananampalataya, maging matapang sa hamon ng buhay, at kumuha ng lakas mula sa Diyos. Sa bawat tawa, kwentuhan, at panalangin , nawa’y si Cristo ang laging sentro. 🙏✨
GODBLESSS NAGA IEMELIF MISSION AND MAY WE ALL HAVE A CALM CHRISTMAS!