Adonai's Love Community-Our Lady of Peรฑafrancia Minor Basilica

Adonai's Love Community-Our Lady of Peรฑafrancia Minor Basilica โ€ข๐’œ๐’น๐‘œ๐“ƒ๐’ถ๐’พ'๐“ˆ ๐ฟ๐‘œ๐“‹๐‘’ ๐’ž๐’ฝ๐’ถ๐“‡๐’พ๐“ˆ๐“‚๐’ถ๐“‰๐’พ๐’ธ ๐’ž๐‘œ๐“‚๐“‚๐“Š๐“ƒ๐’พ๐“‰๐“Žโ€ข

๐˜ˆ ๐˜™๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ด ๐˜–๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ป๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜”๐˜๐˜•๐˜–๐˜™ ๐˜‰๐˜ˆ๐˜š๐˜๐˜“๐˜๐˜Š๐˜ˆ ๐˜ˆ๐˜•๐˜‹ ๐˜•๐˜ˆ๐˜›๐˜๐˜–๐˜•๐˜ˆ๐˜“ ๐˜š๐˜๐˜™๐˜๐˜•๐˜Œ ๐˜–๐˜ ๐˜–๐˜œ๐˜™ ๐˜“๐˜ˆ๐˜‹๐˜  ๐˜–๐˜ ๐˜—๐˜Œร‘๐˜ˆ๐˜๐˜™๐˜ˆ๐˜•๐˜Š๐˜๐˜ˆ

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐งJuan 1, 45-51Kapistahan ni Apostol San BartolomeNoong panahong iyon, h...
23/08/2026

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง
Juan 1, 45-51
Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, โ€œNatagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.โ€ โ€œMay magmumula bang mabuti sa Nazaret?โ€ Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, โ€œHalikaโ€™t tingnan mo.โ€

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, โ€œMasdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siyaโ€™y hindi magdaraya!โ€ Tinanong siya ni Natanael, โ€œPaano ninyo ako nakilala?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œBago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.โ€ โ€œRabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!โ€ wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, โ€œnanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!โ€ At sinabi niya sa lahat, โ€œTandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จMateo 16, 13-20Ika-21 Linggo sa Karaniwang PanahonNoong panahong iyon...
22/08/2026

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ
Mateo 16, 13-20
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, โ€œSino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?โ€ At sumagot sila, โ€œAng sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.โ€ โ€œKayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?โ€ tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, โ€œKayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.โ€ Sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œMapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang itoโ€™y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.โ€ At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌLucas 1, 26-38Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng MariaNang ...
21/08/2026

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ
Lucas 1, 26-38
Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangalaโ€™y Maria. Siyaโ€™y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. โ€œMatuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos,โ€ wika niya. โ€œSumasaiyo ang Panginoon.โ€ Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kayaโ€™t sinabi sa kanya ng anghel, โ€œHuwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siyaโ€™y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.โ€

โ€œPaanong mangyayari ito, gayong akoโ€™y dalaga?โ€ tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, โ€œBababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kayaโ€™t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siyaโ€™y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayoโ€™y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao โ€“ sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.โ€

Sumagot si Maria, โ€œAkoโ€™y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.โ€ At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จMateo 22, 34-40Paggunita kay San Pio X, papaNoong panahong iyon, nagtipun...
20/08/2026

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ
Mateo 22, 34-40
Paggunita kay San Pio X, papa

Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: โ€œGuro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œIbigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: โ€œIbigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

20/08/2026

ONE MONTH TO GO BEFORE THE FLUVIAL | September 19, 2026

One month from now, the Naga River will once again become a waterway of prayer as thousands of devotees gather for the Fluvial Procession of Our Lady of Peรฑafrancia and El Divino Rostro.

For generations, these waters have borne the devotion of Bicolanos and pilgrims who accompany Inรข on her journey home to the Basilica. From the early Dahong to the all-steel pagoda introduced in 1988, the form of the procession may have evolved, but the steadfast faith of the Pueblo Amante de Marรญa endures.

As we prepare to accompany Inรข once more, let us also remember to care for the path along which she passes. The Naga River is not merely the setting of a cherished tradition; it is part of the sacred heritage entrusted to us. May every devotee help preserve its waters, keeping them clean and worthy of the procession they have borne for generations. In caring for the river, our devotion to Inรข finds a tangible expressionโ€”not only in prayer and pilgrimage, but also in our shared responsibility to care for our common home.

Viva la Virgen!
Viva el Divino Rostro!

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จMateo 22, 1-14Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng SimbahanNoong...
19/08/2026

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ
Mateo 22, 1-14
Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan

Noong panahong iyon, muling nagsalita sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan si Hesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, โ€œAng paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, โ€˜Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!โ€™ Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isaโ€™y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa. Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari. Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lungsod. Sinabi niya sa kanyang mga alipin, โ€˜Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Kayaโ€™t pumunta kayo sa mga lansangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.โ€™ Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masasamaโ€™t mabubuti, anupat napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

โ€œPumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. โ€˜Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?โ€™ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kayaโ€™t sinabi ng hari sa mga katulong, โ€˜Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Dooโ€™y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.โ€™ Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จMateo 20, 1-16aPaggunita kay San Ezekiel Moreno, obispoNoong panahong...
18/08/2026

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ
Mateo 20, 1-16a
Paggunita kay San Ezekiel Moreno, obispo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: โ€œAng paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, silaโ€™y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, โ€˜Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.โ€™ At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayun din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siyaโ€™y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, โ€˜Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?โ€™ โ€œWala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!โ€™ sagot nila. At sinabi niya, โ€˜Kung gayun, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.โ€™

โ€œPagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, โ€˜Tawagin mo na ang mga manggagawa at silaโ€™y upahan, magmula sa huli hanggang sa buong nagtrabaho.โ€™ Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isaโ€™y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, โ€˜Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?โ€™ At sinabi niya sa isa sa kanila, โ€˜Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi baโ€™t nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?โ€™ Kayaโ€™t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จMateo 19, 23-30Martes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang PanahonNoong pan...
17/08/2026

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ
Mateo 19, 23-30
Martes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โ€œSinasabi ko sa inyo: napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos! At sinasabi ko rin sa inyo: madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.โ€ Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kayaโ€™t naitanong nila. โ€œKung gayun, sino po ang maliligtas?โ€ Tinitigan sila ni Hesus at sinabi, โ€œHindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.โ€

At nagsalita si Pedro, โ€œTingnan po ninyo: iniwan namin ang lahat at kamiโ€™y sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin?โ€ Sinabi sa kanila ni Hesus, โ€œTandaan ninyo ito: kapag nakaluklok na ang Anak ng Tao sa kanyang maringal na trono sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay luluklok din sa labindalawang trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel. At ang sinumang magtiis na iwan ang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap ng makasandaang ibayo, at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming una na magiging huli, at maraming huli na magiging una.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™
17/08/2026

๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

Address

Naga City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Adonai's Love Community-Our Lady of Peรฑafrancia Minor Basilica posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share