12/08/2024
Sinabi ng Sugo ﷺ:
“O Abu Hurairah! Maging maka-Diyos ka (umiwas sa mga pagdududa upang di malagay sa paggawa ng Haram) at ikaw ay mapapabilang sa pinaka lingkod ni Allah sa mga tao.
Masiyahan ka sa kung ano ang biyayang inilaan sa iyo ni Allah at ikaw ay magiging kabilang sa pinakamayayamang tao.
At mahalin mo para sa mga mananampalataya kung ano ang gusto mo para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.
At kamuhian mo para sa kanila kung ano ang kinasusuklaman mo para sa iyong sarili at sa iyong pamilya, at ikaw ay magiging isang mananampalataya.
Maging mabait sa sinumang malapit sa iyo, at ikaw ay magiging isang Muslim.
Mag-ingat sa labis na pagtawa dahil ang labis na pagtawa ay sanhi ng pagkasira ng puso.” Isinalaysay ni Abu Hurairah
"يا أبا هريرةَ ! كُنْ وَرِعًا تَكُنْ من أَعْبَدِ الناسِ، وارْضَ بما قسم اللهُ لكَ تَكُن من أَغْنَى الناسِ ، وأَحِبَّ للمسلمينَ والمؤمنينَ ما تُحِبُّ لنفسِكَ وأهلِ بيتِكَ ، واكْرَهْ لهم ما تَكْرَهُ لنفسِكَ وأهلِ بيتِكَ تَكُنْ مؤمنًا ، وجاوِرْ مَن جاوَرْتَ بإحسانٍ تَكُنْ مُسْلِمًا ، وإياكَ وكثرةَ الضَّحِكِ ؛ فإنَّ كَثْرَةَ الضَّحِكِ فسادُ القلبِ."
الراوي : أبو هريرة | المحدث : الألباني | المصدر : صحيح الجامع، الصفحة أو الرقم: 7833 | خلاصة حكم المحدث : صحيح
-----------------------------------------
*Ang labis na pagtawa at pagpaparami nito ay nagdudulot sa tao ng kapabayaan sa paghahanda para sa kamatayan at sa mga kakila-kilabot na mga kaganapan sa Kabilang Buhay na kung saan doon siya patutungo.
*At ang ibig sabihin naman ng “Pagkamatay ng puso” ay ang pagkabakante nito sa pag-alaala kay Allah, at ang magbibigay-liwanag naman sa kanya ay ang pag-ibig, pagluwalhati, takot, at pag-asa kay Allah.
Abu Sohayb