06/03/2026
ANG ALTAR AY HINDI ENTABLADO ~ Ginagamit ang pangalan ng Panginoon ,para sa kanilang larawan.
Sobrang hayag na ang panahon ngayon, maliban sa gyera,taggutom at mga bagyo .. dumarami na ang mga taong ginagamit ang bibliya para sa kanilang hidden agenda, kundi ang magkapera,imbes na presensya.Nakakalungkot na makita na ang Bibliya na dapat ay sandata para sa kaligtasan ng kaluluwa ay ginagawa na lamang na hagdan ng marami upang makaakyat sa rurok ng katanyagan at yaman.
Ang tawag ng pagiging isang Minister ay isang banal na tungkulin na nakaugat sa pagpapakumbaba, ngunit pinalitan ito ng pagiging isang "Mini-star" na ang tanging hangad ay ang kislap ng kamera, ang dami ng followers, at ang bigat ng bulsa. Ginagamit ang pangalan ni Jesus bilang tatak o brand upang i-angat ang sariling pangalan, sa halip na itaas ang Krus na siyang tanging pag-asa ng sangkatauhan. Ang Ebanghelyo ay hindi isang produkto na ibinebenta para sa pansariling pakinabang ito ay isang libreng biyaya na dapat ay nagdadala sa tao tungo sa pagsisisi at tunay na pagbabago.
Nakakalungkot pa lalo ang katotohanang ang itinuturo nila ay malayo sa mismong itinuturo ng bibliya, may mga sistema at practices silang ginagawa na sobrang hayag na panloloko ,pero nabulag ang mga tao dahil sa kanilang pagpapagaling sa mga sakit, pinapatumba ang mga tao sa simpleng pag angat lamang ng kamay at samahan ng sigaw, pinapakain ang mga myembro ng isang hiwa ng "Cake" At natutumba na kunware. Ang isa sa masaklap,may mga ginagaya silang mga nagawa na ng Panginoong Hesus, gaya ng gagawin kunwareng alak ang tubig na nasa isang galon. At marami pang nakakabahala silang ginagawa na hindi mabuti sa kaluluwa ng tao.
Namumuhay sila ng marangya at gumaganda ang kasuutan,sa katunayan, iilan sa gaya nila ay maraming ginto sa katawan,habang ang myembro ay patuloy sa pag hihirap. May pa travel abroad,pini flex ang mga mamahaling kagamitan na binibili,gaya ng cellphone at sasakyan. Sobrang hawig ang kanilang mga ginagawa sa kung ano ang karaniwan nating nakikita sa ibang bansa na mga Pastor , na binabatikos at humantong sa pagka bagsak, dahil marami ang namulat, marami ang na alarma.
~~
Ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa palakpakan ng tao kundi sa pagsunod sa kalooban ng Ama. Kapag ang isang tao ay naging "Mini-star," ninanakaw niya ang kaluwalhatiang para lamang sa Diyos. Ang mensahe ng kaligtasan ay madalas na natatabunan ng mga salitang nakakaaliw ngunit walang kapangyarihang bumago ng buhay. Ang Bibliya ay malinaw na nagbabala laban sa mga nagtuturo para sa masamang pakinabang. Ayon sa 1 Timoteo 6:5, may mga taong may "isipang masama at wala nang katotohanan. Akala nila'y paraan ng pagpapayaman ang paglilingkod sa Dios." Ito ang malupit na katotohanan sa ating lipunan~ang paggawa ng negosyo sa loob ng bahay ng Panalangin, kung saan ang sentro ay hindi na ang sakripisyo ni Kristo, kundi ang ambisyon ng tao.
Kung kabilang ka sa ganitong mga leader ,takbo na at umalis ... Tandaan mong kahit ang demonyo kayang magpayaman,kayang gumaling ng may sakit, kaya niyang magsabi ng mga kababalaghan , kaya niyang iparamdam sayo na safe ka. Pero ang tanong.. Nasa Whole truth ka ba?