10/10/2025
PRAYER MEETING AO 10-10-25
ANG PANALANGIN NG PANANAMPALATAYA
Hebreo 4:16
Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
Ang taong may pananampalataya ay may goal, pagkat ito ang kalooban ng Diyos.
Mga katangian ng mga mananampalatayang may goal:
1. Laging namamagitan sa Diyos, at hindi tinatamaran ang panalangin.
1 Timoteo 2:1
Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
2. Ang sambahayan ay laging pinapanalangin.
Josue 24:15
At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.
3. Siya ay nagbubulay araw at gabi.
Juan 12:26
Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.
4. Sinisikap sa panalangin, pinapangyari ang pagpapakabanal at pinakababanal ng salita ng Diyos.
Hebreo12:14
Pagsikapan ninyong mamuhay na may kapayapaan sa lahat ng tao; sikapin din ninyong mamuhay na may kabanalan, sapagkat kung wala nito'y walang sinumang makakakita sa Panginoon.
Praise God!
Send a message to learn more