29/04/2026
Inaanyayahan po ang lahat ng kabataan mula Grade 1 hanggang High School na makibahagi sa darating na Flores de Mayo 2026 (Katekesis).
Ang layunin ng gawaing ito ay upang palalimin ang debosyon ng kabataan sa Mahal na Birhen Maria sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay ng bulaklak, at pakikibahagi sa mga gawaing espiritwal ngayon buwan ng Mayo.
Detalye ng Registration:
Kailan: April 30 - May 2, 2026, 3PM-5PM
Saan: Saint Vincent de Paul Sub-Chapel
Sino: Grade 1 hanggang High School Students
Sa mga nais sumali, magpalista at makipag-ugnayan lamang sa mga katekista ng simbahan.