Kami ay mga dating aktibong miyembro ng First International Sacrifice Valley Kilusang Katoliko; isang samahan na itinatag ng Diyos Espiritu Santo sa pamamagitan at pamumuno ni Sta. Sa pag-aaral at paniniwala ang samahan ay pinapatnubayan ng Diyos Espiritu Santo na nais magpatawag sa Kanyang Bagong Pangalan na “Ingkong” ( Filipino word which means an old hermit; forefather / Revelation 3:12-13). Ka
sabay nito ay ibinaba Niya ang “Bagong Herusalem”, sa pamamagitan ng pagtatatak (Holy Seal) ng krus sa noo (Efeso 1:13, 2 Cor. 1:22, Isaias 65:15) ng mga mananampalataya at pagkakaloob sa kanila ng mga Espiritu ng mga Anghel at Banal sa kalangitan (Angelita,Angelito, Hijas de Maria, Serafines, Querubins, Legionaries and Saints – ito ang ikatlong pakikipagtipan ng Diyos sa tao / Jeremias 31:31-33). Kami ay kilala sa katawagang “APO” (Apostle). Ang lahat ng ito ay nagkaroon ng kaganapan sa pamamagitan ni Sta. Virginia na pinaniniwalaang reinkarnasyon ng Mahal na Inang Birheng Maria. Sa aming paglalakbay at pag-aaral sa kaganapan ng Espiritu Santo mula ng aming matanggap ang biyaya (Holy seal) ng Mahal na Ingkong hanggang sa kasalukuyang panahon, aming napatunayan na ang Mahal na Ina, ay ang Ikatlong Persona ng Diyos sa kabuuan ng Santisima Trinidad – ang Diyos Espiritu Santo. Kung kaya’t kaming Kanyang mga pinagpala at hinirang bilang mga “APO” (Apostle of Mary) ay tungkuling ihayag at ipalaganap ang Kanyang kaganapan at Bagong Pangalan, ang Mahal na Ingkong na walang iba kundi ang Mahal na Ina – ang Diyos Espiritu Santo.