Jesus Nazareno Cursillo

Jesus Nazareno Cursillo June 28 - July 01, 2012, St. Joseph House of Prayer Tanauan, Batangas

Christian Organization

04/04/2021
Pagninilay Huwebes Santo April 1, 2021 Taon ng MisyonBible Txt : Juan 13:1-15Topic: Ang Pagninilay ng Lingkod ng Diyos.I...
01/04/2021

Pagninilay Huwebes Santo April 1, 2021 Taon ng Misyon

Bible Txt : Juan 13:1-15
Topic: Ang Pagninilay ng Lingkod ng Diyos.
Intro:
"Kay sarap sarap talagang maglingkod sa Diyos." Ito ang mga katagang maririnig mo sa mga aktibo sa gawain. Kung iisipin mo parang wala silang iniisip na mga suliranin o di dumaranas ng pagsubok. Pag tinanong mo sila bakit ganyan ang kanilang sinasabi ang sagot ay " Sapagkat nadarama nila ang biyaya at pag-ibig ng Diyos sa kanilang paglilingkod."
Subalit dumarating sa buhay paglilingkod, ang tinatawag na spiritual dryness o pananamlay sa pananampalataya.
Lahat ng mga lingkod ng Diyos nakakaranas talaga ng ganito at di ito maiiwasan kasama na ito sa buhay paglilingkod.

I : Paano ba natin malalaman na tayo ay napapasa ilalim sa spiritual dryness?
Paano ba natin masusuri na tayo nga ay nagkakaganito.
1. Maaaring maranasan natin ang kawalang sigla sa paglilingkod na kung dati masaya at masigla sa mga gawain, ngunit ngayon ay nagiging malumbay o nananamlay.
• Lagi na lang lumiliban sa mga gawain ng paglilingkod.
• lagi na lang may dahilan para di makaganap sa tungkulin.
• lagi na lang walang komunikasyon sa mga kapatid o maging sa kanyang ministring kinabibilangan.

2. Maaaring maranasan ang kawalang pagsunod sa taga-pangasiwa ng kinabibilangan niyang komunidad o ministri.
• Lagi na lang negatibo ang isipan sa taga-pangangasiwa.
• lagi na lang nagrereklamo.
• lagi na lang sumasalungat sa napagpasyahan.
• lagi na lang naghahanap ng pansin sa mga nangangasiwa.

3. Maaring magdanas ng kawalan ng pananampalataya.
• Wala nang panahon na magdasal
• Wala nang panahon sa pagninilay sa Salita ng Diyos
• Wala ng panahon sa mga gawain ng pagsamba tulad ng pagdalo sa Banal na Misa o sa mga prayer meeting

Ilan lamang ito sa pamamaraan ng pagsusuri para mabatid natin na tayo ay nagdaranas ng spiritual dryness o pananamlay sa ating pananampalataya.

II : Ano ang dapat nating isipin o gawin upang madaig natin ang ganitong nararanasan?

1. Alalahanin natin na tayo'y lingkod ng Diyos.
• Balikan natin ang nakaraang buhay kung ano at sino tayo bago ang pagkatawag sa atin Diyos?
• Balikan natin ang magandang karanasan noong tayo'y tinawag ng Diyos upang sa kanya ay makapaglingkod.
2. Alalahanin natin na tayo'y pinili ng Diyos upang makibahagi sa kanyang misyon o layunin.
• Isipin natin ang mga biyaya ng Diyos na alam namn natin na di kayang bilangin mas mabibilang pa nga natin ang mga pagsubok na ating pinagdaanan.
• Itanong din natin sa ating sarili na tayo ba ay pinabayaan ng Diyos sa mga panahon na tayo ay dumaranas ng pagsubok habang tayo'y sa kanya ay naglilingkod.
3. Alalahanin natin ang ating pangako ng paglilingkod sa Diyos.
• Ano nga ba ang ating ipinangako sa Diyos kaya tayo naglilingkod?
• Nagkukulang na ba ang Diyos sa atin kaya tayo unti- unting dinadaig ng pananamlay sa pananampalataya at paglilingkod.
• Hindi na ba tayo masaya sa ating ipinangako sa Diyos?
• May iba na bang kinasi-siglahan ang ating puso kaya unti-unti nang naglalaho ang ating pangako sa Diyos.

Ilan lamang ito sa maaaring isipin o gagawin upang magtagumpay tayo sa ganitong sitwasyon sa buhay bilang lingkod ng Diyos.

III: Pagnaunawaan natin ang pagiging lingkod ng Diyos tiyak na magtatagumpay tayo sa lahat ng hamon sa buhay.
Tandaan natin ang isang lingkod ng Diyos ay nag-aalay ng buhay para sa Diyos at sa kanyang sambahayan.
Ang pag- aalay ng sarili sa Diyos ay di namn nangangahulugan lamang sa pagbubuwis ng buhay, bagkus ito ay maaari ding mangahulugan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos at sa tapat na paglilingkod.
Kung iniaalay mo ang iyong sarili sa Diyos magiging masaya, masigla at mabunga ang ministry na inyong kinabibilangan sa paglilingkod.

By: Padz Ed Janolan
MBSAP/ YECCC

June 28 - July 01, 2012, St. Joseph House of Prayer Tanauan, Batangas

Christian Organization

30/03/2021

Pagninilay ngayong Holy Tuesday
March 30, 2021

Bible Text: Juan 13:21 - 38
Intro.

Minsan naririnig natin ang mga salitang:
Walang totoong kaibigan.
Walang perpektong samahan.
Walang nagtatagal na samahan.
May nabasa ako sa Facebook na " Pinaka maling nagawa ko? Nagkuwento ako sa taong akala ko mapagkakatiwalaan ko."
Mga salitang puno ng panghihinayang, pagsisisi, panunumbat, pagkagalit o pagkasuklam sa isang kaibigan na nagkanulo o naghudas sa kanya.
Ganito rin ang pakiramdam ko habang pinagninilayan ko ang ebanghelo sa araw na ito.

I- Sa aking pagninilay may mga salitang pumukaw sa aking isipan.
Ito ang mga sumusunod:
Pagkakanulo, Pagmamahalan at pag- aalay ng sarili.

1. Pagkakanulo.
Ano nga ba ang dahilan at may mga taong mapagkanulo o nagtatraidor o naghuhudas?
Para sa akin isa sa mga nakikita kong dahilan ay ang mga sumusunod:
• Kulang sa pansin
Ito yong mga taong hindi na bibigyan ng pansin.
Hindi napagbibigyan ng kanilang kahilingan.
Mga Taong nagaakala na siya ay di kabilang o hindi mahalaga sa isang samahan.
At dahil sa ganitong kaisipan sila ay nagiging traidor o hudas sa kanilang kaibigan o kasamahan.
• May makasariling hangarin
Ito yong mga taong laging may lihim na agenda na para sa kapakinabangan niya.
Ito yong mga laging ibinibida o ipinagmamalaki ang kanyang sarili o maging ang kanyang mga nagagawa, upang ipaabot na may malaking utang na loob ang lahat sa kanya.
Ito yong mga mapagmataas at laging ipinagpapalagay na tama ang kanyang mga saloobin upang masabi na sila ay magaling.
Ugali na ng taong ito ang di kumilala sa pamunuan na kanyang kinaaanibang samahan.
Mahilig siyang magdisisyon na hindi isinasangguni sa may otoridad ng samahan.
Mahilig gumawa ng isyo para makalito at magkahiwa-hiwalay ang mga kasamahan at laging naghahanap ng simpatya sa iba.
Sa ganitong paguugali maaari siyang maging hudas o traidor na tao.
• May lihim na inggit at galit sa kanyang kapwa.
Ito yong mga taong huwad kung magpuri o magparangal sa kanyang kapwa.
Ito yong mahilig na gumawa ng mga planong makakasira sa samahan o sa karangalan ng kanyang kapwa.
Dahil sa ganitong paguugali madali siyang maging hudas o traidor sa buhay mo.
Kaya walang magandang dulot sa ating buhay ang ganitong mga nabanggit na nagiging dahilan pa para maging hudas o tridor tayo sa ating kapwa.

2. Pagmamahalan.
Ito ang dahilan kung bakit nagiging matatag sa prinsipyo at hangarin ang bawat isa.
Ito ang dahilan kung bakit nananatili tayong nagmamalasakit at nagtutulungan sa isa't isa.
Ito ang dahilan kung bakit tayo ay nananatili sa Diyos at sa gawain ng Diyos.
Bakit nga ba dapat tayong magmahalan?
1. Ito ang pagkakakilanlan natin bilang mga katolikong kristiyano na sumusunod sa utos ng Diyos ang magmahalan.
2. Ito yong mga taong nakakaunawa sa kalooban ng Diyos kaya nagmamahalan ang bawat isa.
3. Ito ang daan ng mga kristiano o nang lahat ng tao na magtagumpay sa kanilang mga dakilang hangarin sa buhay at makasunod sa yapak ng Panginoon.
Dahil sa pagmamahalang ito walang puwang sa kanilang puso ang kasakiman.

3. Pag-aalay ng sarili sa Diyos.
Ang pag-aalay ng sarili ay hindi namn nangangahulugan lamang sa pagbubuwis ng buhay.
Para sa akin ang pag-aalay ng sarili para sa Diyos ay yaong:
1. Naglilingkod tayo sa Diyos at sa Bayan ng walang anumang hinihinging kapalit.
2. Hindi sumusuko o lumiliban sa tawag ng paglilingkod alang -alang sa Diyos at sa kanyang kapwa.
3. Hindi natatakot na magpahayag ng katotohanan para sa ikatututo ng tao tungo sa kanilang pagunlad sa magandang aspeto ng buhay lalo na sa ikakaunlad ng kanilang pananampalataya.
4. Laging inilalapit ang sarili sa Diyos na siyang nagpapatibay sa ating relasyon sa Diyos.

Mga kapatid, dalangin ko sa Diyos na ang pagninilay na ito ay makatulong upang mahubog ang ating pagkatao sa ating pakikipagkapwa at pamumuhay bilang isang kristianong katoliko.
Kaya hinahamon tayo ng Diyos na mag-ibigan upang makilala na tayo ay tunay na taga-sunod ni Kristo Hesus.

By: Kap.Padzie Jañolan.
Decuria ni San Andres

Pagninilay sa Ikatlong Simbang Gabi o Misa De Gallo Dec. 18, 2020HIGIT NA MAGANDA ANG PLANO NG DIYOS KAYSA SA ATING PLAN...
18/12/2020

Pagninilay sa Ikatlong Simbang Gabi o Misa De Gallo Dec. 18, 2020
HIGIT NA MAGANDA ANG PLANO NG DIYOS KAYSA SA ATING PLANO, MAGTIWALA LANG AT UNAWAIN ANG KALOOBAN NIYA. NATULAD SA GINAWA NI ST.JOSEPH.

" Marami rin akong mga planong magaganda na nais kong maganap sa mga gawaing aking kinabibilangan, katunayan nakasulat pa sa aking notebook Ang mga planong gusto Kong maganap upang di ko ito malimutan.
Dumating na ang sandali na ito'y aking tatalakayin sa mga kasamahan ko sa gawain, ngunit laking gulat ko mayroon na palang planong pinagusapan na dapat naming isagawa.
Nakaramdam ako ng panghihinayang, Kasi nag-effort pa ako di namn pala mapapakinabangan kaya gustong Kong magtampo o maghinanakit sa aking mga kasama, dahil di nila binigyang pansin ang mga magaganda ko ring plano para sa grupo.
Nagdisisyon ako na aalis na lang kasi nasaktan talaga yong pride ko. (may pride din naman Kasi ako 😂)
Ngunit tinawag ako ng aming leader at ipinakita niya yong planong dapat naming gawin.
Nang mabasa ko ang nasabing plano Doon ko nakita na mas maganda ang plano at lahat talaga kami ay makikinabang din dahil hindi mahirap at madaling sundin at nabasa ko rin na ako pala ang magmomonitor sa nasabing plano.
Sinabi sa akin ng leader na may tiwala siya na mauunawaan ko ang kanyang plano at mamomonitor ko ito ng maayos.
Napahiya ako sa aking sarili sa pag-aakalang mas maganda ang planong ginawa ko.
Tinanggap ko ng buong puso ang plano Ng aming leader dahil ito'y naunawaan ko.
Naalala ko tuloy si SAINT JOSEPH na higit na nagtitiwala sa plano Ng Diyos kaysa sa kanyang plano na hiwalayan ng lihim si SANTA MARIA, dahil mabatid niyang nagdadalang Tao siya bagamat di pa sila naikakasal.
Dahil sa siya ay sumusunod sa kalooban Ng Diyos at ito'y kanyang nauunawaan pinakasalan niya si SANTA MARIA.
Salamat sa Diyos at Hindi ako natuksong sumuko sa paglilingkod sa panahon na nakakaramdam ako ng pag iisa, pagkapahiya sa sarili at mga hamon sa buhay.
Salamat sa Diyos na Siyang pinagkukunan ko Ng lakas upang tuloy tuloy sa paglilingkod habang nabubuhay. Amen.

DECOLORES
16/12/2020

DECOLORES

Gospel Lukas 21:1-4ORD WK 34 (A)Year of Dialoge.Pagninilay: LINGKOD NA NAGTITIWALA NG LUBOS KAY KRISTONG HARI.Marami sa ...
24/11/2020

Gospel Lukas 21:1-4
ORD WK 34 (A)
Year of Dialoge.
Pagninilay: LINGKOD NA NAGTITIWALA NG LUBOS KAY KRISTONG HARI.

Marami sa ating mga kristyano na nahaharap sa mga ibat ibang suliranin sa buhay lalo na sa nakalipas na mga araw dumanas tayo ng sunud sunod na kalamidad bagyo, lindol, sunog, baha at nandyan pa ang Covid19.
Dahil sa ganitong kaganapan sa ating panahon lubha nagdurusa Ang iba nating mga kababayan at kapwa kristiyano.
Kaya ang karamihan ay umaasa nalang sa mga NGO at GO para matulungan sila sa kanilang pangangailangan.
Ang iba namn ay kumakapit na lamang sa mga pangako ng mga nasa gobyerno para tulungan sila.
Ang iba nagagalit,nagrereklamo,at naghihimutok ang budhi dahil sa Di sila na tulungan o nabigyan ng ayuda.
Pero ang nakakalungkot wala man lang ang umasa at nagtiwala sa tulong ng Panginoon, higit ata silang nagtiwala at umasa, sa tulong ng iba dahil sa paniniwalang ito ang reyalidad ng buhay.
At sa mga kapwa nating hikahos sa buhay maririnig natin Ang mga katagang "Umasa Tayo sa mga GO, NGO, at mga Foundation dahil sila ang makakatulong sa atin."
Tama nga namn Ang kanilang kataga pero nakalimutan ata nila na sa pagkakaisa at pagtutulong-tulong maaari silang makaahaon o kaya makaisip ng mas mainam na paraan upang matulungan Ang bawat isa bago dumating ang mga pilantropo o ang mga inaasahan nilang tutulong.
Sa Ebanghelyo na ating tinunghayan, binibigyan tayo ng isang huwarang lingkod sa katauhan ng babaing biyuda na nabanggit sa ebanghelyo.
Ano nga kaya ang katangian ng babaing biyuda sa ebanghelyo? Na dapat nating tularan anuman ang ating estado sa buhay?
Sa aking pagninilay ito ang naging katangian ng babaing balo.
1. Mapagtiwala sa Diyos.
2. Sumusunod sa kalooban ng Diyos.
3. May panahon na sumamba at magpasalamat.
4. Itinataas niya sa Diyos ang kanyang mga suliranin.
5. May pisitibong pananaw sa kanyang buhay.

Ang Limang katangiang ito Ang nakita ko sa babaing balo na dapat nating tularan.
1. Sa panahon ng karimlan sa ating buhay dapat tayong MAGTIWALA SA DIYOS, sapagkat batid ng Diyos ang lahat ng kaganapan sa daigdig na ito at higit na dakila Ang Diyos sa mga hamon na dumarating sa ating buhay.
2. Ang ating simbahan ay walang sawang gumagabay sa ating mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagtuturo ng Salita ng Diyos upang sa ganitong pamamaraan mabatid natin ang kanyang kalooban at tayong lahat ay SUMUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS. Kahit sa kabila na tayo ay nagdaranas ng mga tiisin sa buhay, gawin nating gabay ang Salita ng Diyos para makasunod tayo sa kanyang kalooban.
3. Sakabila na tayo nahaharap sa mga suliranin huwag nating hayaan na ito'y maging hadlang para di tayo magkaroon ng PANAHON NA MAKAPAGSAMBA AT MAKAPAGPASALAMAT SA DIYOS. Sapagkat Kung ating susuriin higit na maraming biyaya ang dumarating sa ating buhay kaysa mga suliranin. Ganyan kabuti Ang Diyos,lalo na kung siya ang ating uunahin sa lahat ng bagay.
4. Sa panahon na nabibigatan tayo sa ating mga pasanin sa buhay dapat tayong sumangguni sa Diyos bago sa tao. ITAAS NATIN SA DIYOS ANG ATING MGA SULIRANIN, sapagkat higit na may magagawa ang Diyos kaysa sa atin ika nga kung may maganda tayong plano higit na mas maganda ang plano ng Diyos sa ating buhay.
5. Ang sa Diyos nagtitiwala ay lumalakad ng may katiyakan at kapayapaan. Siya ay nagtatagumapay dahil POSITIBO ANG KANYANG PANANAW SA BUHAY.
Kaya nga kung tayoy nagpapasakop sa paghahari ni Kristo Hesus tiyak na may direksyon ang ating pamumuno sa sarili nating buhay.

Ang ganitong halimbawang ibinibigay sa atin ng Diyos ay makapagtatamo o makapagbibigay sa atin ng umaapaw na biyaya mula sa Diyos na ating Ama sa langit.

Sa Ngalan ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.

MALIGAYANG KAARAWAN SIMBAHANG KATOLIKA! (MAY 31)Alam mo ba? Bukas May 31.Ang Simbahang Katolika ay 1987 years old na.---...
30/05/2020

MALIGAYANG KAARAWAN SIMBAHANG KATOLIKA! (MAY 31)

Alam mo ba? Bukas May 31.
Ang Simbahang Katolika ay 1987 years old na.
-----
Kasaysayan:

Pentecost, Kapanganakan ng Simbahan.

Tinayo ni Kristo ang kaniyang Simbahan sa Jerusalem, noong araw ng Pentecost taong 33AD.

Ang mga Apostol, si Maria at iba pang mga disipulo, naritong, nagdadasal sa Cenacle, nang sila ay mapuspos ng Banal na Espiritu na tila dilang apoy. Nakapagsimula silang magsalita ng iba't ibang lingwahe. Ang lahat nang nakarinig ay namangha at nagtanungan:

Sa pagkamangha at pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba taga-Galilea silang lahat?
Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika?" Ayaw silang paniwalaan kaya ganito ang pumasok sa kanilang isip:
Ngunit may ilang nagsabi nang pakutya, “Lasing lang ang mga iyan!”
(cf. Mga Gawa 2:1-13)

Kaya't tumayo si Pedro, kasama ng labing-isang apostol, at nagsalita nang malakas, “Mga taga-Judea, at kayong lahat na mga panauhin sa Jerusalem, pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko.
Hindi lasing ang mga taong ito, gaya ng palagay ninyo. Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel"
Sinundan pa niyang:
“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya.

“Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!”

Ang mga tao ay nagulantang at tila nasugatan ang kanilang mga puso sa sinabi ni Pedro kaya't nagtanong sila sa kanila: "Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?"

Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo.

Kaya't ang mga tumanggap sa sinabi niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na iyon.

(cf. Mga Gawa 2:14-41)

Simula nito, ang mga disipulo ay nagsimulang sumampalataya sa turo ng mga Apostol, sa pagkapira-piraso ng tinapay (EUKARISTIYA) , at sa pananalangin.
----

02/05/2020

Oratio Emperata para sa Covid 19
Mula sa Our Mother of Perpetual Help Parish
Springvill Hiegth Brg. Gawaran Molino 7 Bacoor City Cavite Church sa pangunguna ni Rev.Fr. Carlito Laureta.
Kasama rin ating kapatid na si Padz Janolan ng Missionaries Brothers of Saint Anthony De Padua.
At ang ating mga kapatid sa Jesus Nazareno Cursillo Team na si Bro Joselito at Bro. Jomary

04/06/2019

Good Morning

Class  #89 May 23 to 26 2019Rector Bro. Jhe f. Cruz
27/05/2019

Class #89 May 23 to 26 2019
Rector Bro. Jhe f. Cruz

11/03/2019

Pagninilay sa unang linggo ng kuwaresama:
Bible Txt: Lucas 4:1-12
Intro:
Kung minsan humahanap tayo ng lugar na maaaring mapagisa tayo na walang iistorbo, minsan naghahanap tayo ng malamig na lugar upang makapagrelax ng kaunti at kung minsan ay naghahanap tayo ng isang lugar na maganda para makapagbakasyon.
Na ang dahilan ay upang;
1.makaiwas muna sa magulong lugar.
2.makapagrelax at makapaglibang muna sandali.
3.makalayo muna sa mga kinahaharap na problema.
Ito ang mga dahilan kung bakit naghahanap tayo ng lugar na maaari tayong makalimot muna sa mga iisipin sa buhay araw araw.
Pero kung minsan wala ring nangyayari o pagbabago sa kabila ng lahat , dahil ito pa rin ang problema ang pagkabagot at kasalukuyang buhay na iniiwasan natin.
Bakit nangyayari ito sa atin?
Sapagkat minsan wala sa plano natin ang magkaroon ng panahon para sa Diyos upang makapagnilay sa ating buhay pananampalataya.
Di natin nararamdaman ang presensiya ng Diyos dahil hindi natin binubuksan ang ating damdamin o kalooban para sa kanya kaya tayo nagkakaroon ng kahungkagan sa buhay.
Kung bubuksan lamang natin ang ating kalooban sa presensiya ng Diyos, naniniwala ako na dadalhin tayo ng Espiritu Sanato sa isang lugar na maaari tayong makapagmuni-muni sa mga pangyayari sa ating buhay.
Sa Ebanghelyo si Hesus ay dinala ng Espiritu Santo sa ilang, at sa loob ng apatnapung araw ay nag ayuno at tinukso ng demonyo.
Alam natin na sa araw araw nating buhay laging nandyan ang demonyo upang tayo'y tuksuhin at nang saganon ay mapalayo sa Diyos at sa sarili na lamang umasa't magtiwala.
Bilang Kristiyano ano ba ang dapat nating gawin upang maging mapayapa at matatag ang ating buhay sa mundo ng karimlan?
Sa kuwaresmang ito binibigyan tayo ng pamamaraan ng simbahan at isa sa pamamaraang ito ay ang "PAG-AAYUNO".
Ayon sa Santo Papa, nawa raw ay maiiwas natin ang sarili mula sa mga bagay na hindi mahalaga sa espirito at lumago tayo sa anumang paraan sa kaluluwa upang maidulot tayong mahalin ang Diyos at ang tao. Kumbaga, higit pa sa pag-iwas sa pagkain ng marami at karne ang kailangan nating gawin. Sa panahon ng Kuwaresma, binibigyan tayo ng oras hindi lamang upang magpahinga sa mga palagian nating ginagawa (trabaho, laro, lakwatsa), kung hindi para ilapit muli ang sarili o magbalik-loob sa Diyos, kung tayo ay napariwara sa Kanya."
(Sulat ng Santo Papa noong Panahon ng Kwaresma, taong 2009. http://www.vatican.va/holy_father/benedict_xvi/messages/lent/documents/hf_ben-xvi_mes_20081211_lent-2009_en.html)

I: Kaya dapat sa panahong ito ng kuwarema magkaroon tayo kaukulang panahon upang mag- ayuno.
Sa ating pag- aayuno maaari nating gawin ang mga sumusunod:
1. Pagnilayan natin ang Salita ng Diyos at tingnan natin ang ating sarili kung ang Salita ng Diyos ay kumikilos at nagbibigay buhay sa atin.
Kumbaga tayo ay nabubuhay sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagssabuhay nito sa araw araw nating pamumuhay.
Dahil sabi ni Hesus, "Hindi lamang sa Tinapay nabubuhay ang Tao kundi sa Salita ng Diyos".
2. Tingnan natin ang ating sarili sa kasalukuyang buhay ng malaman natin kung ang tinatahak o nilalandas natin ay ayon pa rin sa kalooban ng Diyos.
Kasi kung minsan sa ating buhay ay naghahangad tayo ng malabis na kapangyarihan na nagbubunga ng kataasan o kayabangan na kung minsan pakiramdam natin higit tayong nakakataas sa kaninuman at kulang nalang na maging parang diyos din tayo sa paningin ng iba.
Naghahangad tayo ng malabis na kalayaan na nagbubunga sa kapariwaraan na kung saan ay sobrang ikinalulungkot ng Diyos.
Minsan sa kahirapn ng buhay wala na tayong pakialam sa ibang nagtitiis din sa kahirapan nagiging madamot tayo sa pagmamalasakit sa kapwa naghihirap.
Ang mga katulad nito ay dapat nating pagsisihan at hilingin sa Diyos sa ating pag aayuno na magkaroon tayo ng disiplina at tuwid na diriksyon sa ating buhay.
3. Ilapit ang sarili sa Diyos upang sa kanya ay makapagsamba sa Espiritu at katotohanan.
Matuto tayong iwaksi ang sarili upang kilalanin ang Diyos na Siyang awtor ng ating buhay.
Upang sa kanya ay tunay na makapagsamba , makapagpasalamat at makapaglingkod ng tunay.
Kung nakikilala natin ang Diyos naniniwala akong pupuspusin tayo ng kanyang Espiritu Santo, upang makapamuhay na naaayon sa kanyang kalooban.
Dahil sa ang Diyos ay ating pinaghahari sa ating buhay, makapaglilingkod tayo sa Kanya ng walang anumang pagaalinlangan o pagkakait ng sarili.
Bagkus sa lahat ng panahon at pagkakataon makakatugon tayo sa tawag ng paglilingkod o misyon sa simbahan, sa pamilya, sa bayan at sa gawain Hesus Nazareno Team.

Kung magagawa natin ang mga ito, maniwala ka na ikaw ay lalayuan ng demonyo dahil ikaw ay nasa ilalim ng gracia ng Diyos sa makatuwid matatakot sayo ang demonyo at alam niyang wala nang epekto ang kanyang mga tukso dahil kasama mo si Yahweh ang ating Diyos Ama, AnaK at Espiritu Santo.

AMEN at AMEN.

Sa Diyos ang kapurihan at kaluwalhatian. Amen.

😇😇😇🙏

Paschal Vigil, evil, washes guilt away, restores lost innocence, mourners joy, casts out hatred, Lent 2009

Address

Rizal
Muntinlupa City
1776

Telephone

09499492201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus Nazareno Cursillo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share