03/06/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐โ๐ฌ
Ni Mia Sanchez
Mahirap ilarawan sa salita ang pagkakaroon ng cancer.
Para akong nakikipagbakbakan araw- araw. Laban sa negative effects ng chemo sessions sa katawan ko. Laban sa takot na dulot ng operasyon. Laban sa mga hot flushes at joint pains na epekto ng cancer maintenance meds.
Ngayon, kailangan ko harapin ang sakit na dala ng rehab at pagpapagaling ng aking kaliwang braso.
Sa pagyakap ko sa cancer, nagkaroon ako ng pag-asa na ako ay gagaling at muling makakabalik sa aking mga gawain sa simbahan at sa community.
Masakit man pinagdadaanan ko, alam kong makakatulong ito bilang paghahanda sa susunod kong laban: ang radiation therapy.
Mabigat, makirot, kung minsan ay may nakakaluhang sakit ang mga ito, pero lahat ng ito ay daan tungo sa aking kagalingan.
Sa paanong paraan mo magagawang maging faithful kay God, sa kabila ng mga pagsubok mo sa buhay? Sa pagsisimba, pagdarasal, sa pakikinig sa mga aral at homiliya ng mga kaparian, talks at teachings ng Wednesday Feast Alabang.
Maraming paraan, kapatid. Kailangan mo lang mag-umpisang lumapit at kumapit sa Kanya. Ang Diyos na tunay na source ng 4Pโs.
Pagtanggap. Pasensya. Pagsusumikap. Pananampalataya.
Ito ay mga biyaya ng Diyos sa akin, dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban araw-araw, at umaasam ng lubos ng kagalingan.
Ipanalangin mo din kapatid, na bigyan ka ng Diyos ng mga biyayang ito.
" ๐ต๐ ๐๐๐ฆ๐๐ข๐ ๐๐ โ๐๐๐, ๐๐๐ก๐๐๐๐ก ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐, ๐๐๐๐กโ๐๐ข๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฆ๐๐" - ๐
๐๐๐๐๐ 12:12