13/05/2026
Jesus The Healer International Church Cupang
Sunday Worship Service
May 10, 2026
"GOD'S CALLING OF ABRAM TO A BROAD PURPOSE" / "ANG PAGTAWAG NG DIYOS KAY ABRAM SA MALAWAK NA LAYUNIN"
Insights:
Una: Ang Pagtawag ng DIYOS kay Abram
Genesis 12:1 MBBT
1 Sinabi ni Yahweh kay Abram, βLisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo.
Makikita natin mga kapatid na nag-utos ang DIYOS kay Abram.
Tanong: Bakit inutusan ng DIYOS si Abram?
Sagot: Inutusan ng DIYOS si Abram upang matupad ang kanyang layunin na siya ay pagpalain at sa pamamagitan din niya ay mapagpala ang marami.
Genesis 12:2-3 MBBT
2 Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami.
3 Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain,
at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain;
sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.β
Lets break it down mga kapatid, Listen up!
Nangako Ang DIYOS kay abram:
a. GOD will multiply descendants of Abram
b. GOD will blessed Abram
c. GOD will make Abram's name great
d. GOD will make Abram be a blessing to many.
At matutupad lamang ang lahat ng pangako ng DIYOS na ito kung susunod si Abram. AMEN!
Pangalawa: Pagsunod sa Pananampalataya
Genesis 12:4-9 MBBT
4 Sumunod nga si Abram sa utos ni Yahweh; nilisan niya ang Haran noong siya'y pitumpu't limang taon. Sumama sa kanya si Lot.
5 Isinama ni Abram ang kanyang asawang si Sarai at si Lot na pamangkin niya. Dinala niyang lahat ang kanyang mga alipin at mga kayamanang naipon nila sa Haran. Pagkatapos nito'y nagtungo sila sa Canaan. Pagdating nila roon,
6 nagtuloy si Abram sa isang banal na lugar sa Shekem, sa malaking puno ng Moreh. Noo'y naroon pa ang mga Cananeo.
7 Nagpakita kay Abram si Yahweh na nagsabi sa kanya, βIto ang lupaing ibibigay ko sa iyong lahi.β At nagtayo si Abram ng altar para kay Yahweh na nagpakita sa kanya.
8 Buhat doon, nagtuloy siya sa kaburulan sa silangan ng Bethel at huminto sa pagitan ng Bethel na nasa kanluran at ng Ai na nasa silangan. Nagtayo rin siya roon ng altar at sumamba kay Yahweh.
9 Mula roon, unti-unti silang nagpatuloy papunta sa gawing timog ng Canaan.
Hebreo 11:8 MBBT
8 Dahil sa pananampalataya, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.
Ito ang nagpapatunay na ang Pananampalataya ay may kasamang pag-kilos.
Supporting verse: Santiago 2:17-24 MBBT
17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.
18 Ngunit may nagsasabi, βMay pananampalataya ka at may gawa naman ako.β Ipakita mo sa akin kung paano maaaring magkaroon ng pananampalataya nang walang mga gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa.
19 Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, di ba? Mabuti naman! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa.
20 Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa?
21 Hindi ba't ang ating amang si Abraham ay itinuring ng Diyos na matuwid dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac?
22 Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa.
23 Natupad ang sinasabi ng kasulatan, βSi Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos bilang matuwid,β at tinawag siyang βkaibigan ng Diyos.β
24 Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.
Pangatlo: Krisis at Kahinaan ng Tao
Genesis 12:10-20 MBBT
10 Nagkaroon ng matinding taggutom sa lupain ng Canaan, kaya umalis doon sina Abram at naglakbay na patimog, patungo sa lupain ng Egipto, upang doon muna manirahan.
11 Nang malapit na sila sa hangganan, sinabi niya sa kanyang asawa, βSarai, napakaganda mo.
12 Kapag nakita ka ng mga Egipcio, sasabihin nilang asawa kita at papatayin nila ako para makuha ka.
13 Ang mabuti pa'y sabihin mong magkapatid tayo. Alang-alang sa iyo, hindi nila ako papatayin.β
14 Nang makapasok na sina Abram sa Egipto, napuna nga ng mga Egipcio na napakaganda ni Sarai.
15 Nang nakita siya ng mga pinuno roon, ibinalita nila sa Faraon kung gaano siya kaganda. Kaya't iniutos nitong kunin si Sarai at dalhin sa palasyo.
16 Dahil sa kanya, mabuti ang naging pagtanggap ng Faraon kay Abram at binigyan pa niya ito ng mga tupa, kambing, baka, a**o, kamelyo at mga alipin.
17 Dahil dito'y pinahirapan ni Yahweh ang Faraon. Siya at ang buong palasyo ay nagdanas ng katakut-takot na karamdaman. 18 Kaya't si Abram ay ipinatawag ng Faraon at tinanong, βBakit mo ito ginawa sa akin? Bakit hindi mo sinabing asawa mo siya?
19 Ang sabi mo'y kapatid mo siya, kaya naman kinuha ko siya para maging asawa. Heto na ang asawa mo. Kunin mo siya at umalis na kayo!β
20 Iniutos ng Faraon sa kanyang mga tauhan na paalisin ang mag-asawa, dala ang lahat nilang ari-arian.
Maging ang taong may malalim na pananampalataya ay nagkakasala pa rin.
Roma 3:10 MBBT
10 Ayon sa nasusulat,
βWalang matuwid, wala kahit isa.
Ngunit sa kabila ng kahinaan ng isang tao nananatiling tapat ang DIYOS.
Pagtatapos: Katapatan ng DIYOS
Sa kabila ng pagkakamali o sablay na desisyon ni abram dahil sa takot sa krisis at pagsisinungaling sa Ehipto ay pinangalagaan at iningatan parin siya ng DIYOS.
Let me clarify it to all of you mga Kapatid hindi lahat ng bagay na hinahayaan ng DIYOS ibigsabihin ay sinasang ayunan niya ito. Bagkus binibigyan niya pa tayo ng pagkakataon na baguhin ang ating mga pagkakamali at iayos ang ating mga sarili.
Amen.
Itinuro sa atin ng DIYOS sa aral na ito na ang pagsunod sa utos ng DIYOS ay kailangan ng pananampalataya na may kasamang gawa o pag-kilos. At sa kabila ng ating mga kahinaan bilang tao natutupad ang PANGAKO ng DIYOS sa ating mga buhay.
Amen!
TO GOD BE THE GLORY! πβ¨