01/01/2026
๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ข๐, ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ | ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
โPagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus. Ito ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.โ
โ ๐๐๐ฐ๐ฎ๐ ๐ฎ:๐ฎ๐ญ
Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos, isa sa apat na dogma tungkol kay Maria. Ipinapahayag ng kapistahang ito na si Maria ay tunay na Ina ng Diyos sapagkat ang kanyang isinilang ay si Hesukristo, tunay na Diyos at tunay na tao. Kasabay nito, ginugunita rin natin ang Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa Kapayapaan. Paalala ito sa atin ng pagbati ng muling nabuhay na Panginoon sa Kanyang mga alagad:
โSumainyo ang kapayapaan.โ
โ ๐๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ:๐ญ๐ต
Ang kapayapaang ito ay hindi mula sa mundo, kundi kaloob ng Diyos, mapagkumbaba, matatag, at nagmumula sa pag-ibig. Sa
pagsisimula ng bagong taon, nawaโy hilingin natin sa pamamagitan ni Maria, Ina ng Diyos, ang tunay na kapayapaan sa ating mga puso, sa ating mga pamilya, at sa buong sanlibutan.