El Shaddai sa Kapitbahayan

El Shaddai sa Kapitbahayan Catholic religious group who worship and sharing a God words

Sa mga malapit po dito inaanyayahan po namin kayo at magkakaroon po tayo ng isang sama-sama at nagkakaisang panalangin. ...
04/12/2021

Sa mga malapit po dito inaanyayahan po namin kayo at magkakaroon po tayo ng isang sama-sama at nagkakaisang panalangin. Salamat po! Godbless po.

24/11/2021
29/05/2021

PAGBUKSAN NATIN SI JESUS..

PAHAYAG 3:20
"Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako'y papa*ok sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain."

Siguro matigas na nga ang ating puso kung hindi naantig ang ating mga damdamin sa kagandahang-loob ng Diyos at sa grabeng pagmamahal niya sa atin, tignan ninyo: nang ibigay ng Diyos ang kanyang kaisa-isang anak na si Jesus ay dito makikita natin kung gaano ang paghahangad ng Diyos na ang bawat isa sa atin ay makaalam ng katotohanan at sa pamamagitan nito ay maligtas tayong lahat. Nang si Jesus ay mamuhay dito sa lupa na hanggang sa dumating ang panahon na kailangan na niyang gampanan ang kanyang tungkulin ay nagsimula na siyang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan at ano nga ba ang kanyang tungkukin? Ang tungkulin niya ay iligtas ang tao o tayong lahat sa kapahamakang naghihintay duon sa mga taong walang puwang sa kanilang puso ang salita ng Diyos, oo nagsimula siyang mangaral at nilibot niya ang mga nayon upang ang lahat ay makarinig ng salita ng Diyos at baka sakaling ang mga makarinig nito ay magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos.
Subalit, sadyang ang mga tao noon ay matigas ang loob na imbis na maniwala ay mga nagsawalang bahala at nagpatuloy sa pagkakasala at dahil sa ganitong tugon ng mga tao noon sa kanya ay hindi pa rin huminto o tumigil ang Panginoon sa kanyang pangangaral bagkus nagpatuloy sya sa kanyang gampanin o tungkulin sapagkat sobra at grabe ang pagnanais niya na ang lahat ay maligtas at ayaw niya na ang mga tao ay mapahamkak. Dahil sa paghahangad at masidhing pagnanais ng Panginoon na ang tao o tayo ay maligtas ay hindi lamang niya inalay ang kanyang oras, panahon o pagpapagal sa pamamagitan ng pangangaral ng Mabuting Balita kundi ibinigay pa niya ang kanyang buhay bilang hain sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Ganyan tayo kamahal ng Panginoon at sobrang pagnanais niya na maligtas tayong lahat na kung saan ninais pa niya na mamatay sa krus maligtas lang ang bawat isa sa atin o ang buong sangnilikha; bakit? Sapagkat talagang ayaw ng Panginoon na tayo'y mapahamak sapagkat alam niya kung ano ang sasapitin ng mga taong malalagay sa kapahamakan. At ano nga ba ang sasapitin natin kapag tayo'y mapapahamak? Tignan natin ang sinasabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa 2Tesalonica 1:8-9 "Darating siya sa gitna ng naglalagablab na apoy at parurusahan ang lahat ng hindi kumilala sa Diyos at ang hindi sumunod sa Mabuting Balita tungkol sa ating Panginoong Jesus. Ang magiging parusa nila'y walang hanggang kapahamakan at pagkawalay sa Panginoon at sa kanyang kaluwalhatian."
Ito ang sasapitin natin kung ang bawat isa sa atin ay mapapahamak: walang hanggang kaparusahan at pagkawalay sa Panginoon at sa kanyang kaluwalhatian. Mga kapatid, isip-isipin natin kung gaano ang hirap ang tayo'y mapahamak ng walang hanggan o yaong walang tigil? At isip-isipin natin kung ano ang mangyayari sa atin kapag tayo'y nawalay sa Panginoon at sa kanyang kaluwalhatian? Hindi ba't nakakatakot iyan! Ito ang ayaw ng Panginoon na mangyari at maranasan natin kapag tayo'y mapapahamak, kaya ganun nalang ang kanyang pagnanais na ang lahat sa atin ay maligtas na kaya naman kahit buhay niya ang kanya nang inialay huwag lang tayong mapahamak at hindi ba't ginawa nga niya ito? Na kaya siya ay namatay sa krus ng kalbaryo ay para ipakita niya kung gaano niya tayo kamahal. Mga kapatid, bagamat natapos na nang ating Panginoon ang kanyang tungkulin o ang kanyang layunin dito sa lupa ay maaaring sabihin niya na wala na siyang pakialam sa atin o yaon bang pabayaan na niya tayo tutal nagawa na naman niya ang lahat ng paraan para tayo'y makapagsisi sa ating mga kasalanan at magbalik-loob sa kanya: ganun pa man ay hindi pa rin siya tumutigil o humihinto at bagkus patuloy pa rin tayong binibigyan ng pagkakataon upang maligtas tayong lahat.
Oo, binibigyan pa rin niya tayo ng pagkakataon para tayo ay maligtas at hindi mapahamak at yan ay sa pamamagitan ng pagkatok niya sa pintuan ng ating mga puso at umaasa pa rin ang ating Panginoon na tayo'y magbubukas ng ating pintuan o nang ating mga puso. Marahil itanong natin na paano nga ba kumakatok ang Panginoon sa ating mga puso? Kumakatok siya sa pamamagitan ng mga nangangaral ngayon ng Mabuting Balita tungkol sa ating Panginoong Jesu Cristo o ng salita ng Diyos, kumakatok ang Panginoon sa pamamagitan ng mga kalamidad tulad ng malalakas na paglindol, malalakas na bagyo, pagputok ng mga bulkan, sa mga karamdaman, kabiguan sa buhay, at ngayon ang salot na Covid-19. Mga kapatid, mahal tayo ng Diyos kaya naman lagi siyang nakatayo sa tapat ng ating puso at patuloy siyang kumakatok at nawa siya'y ating pagbuksan at hayaan natin siya na puma*ok sa ating tahanan o sa ating mga puso at sa pamamagitan nito ay makatiyak siya na tayo'y maligtas at hindi mapahamak pagdating ng takdang panahon.
Bilang panghuli, nawa sa ating lahat buksan nawa natin ang ating mga mata at maging ang ating mga tainga at pakinggan natin ang Diyos na sa maniwala tayo't sa hindi ay kumakatok siya sa ating mga puso sa anumang kaparaanan o sa anumang nangyayari sa ating buhay mabuti man o masama at ang nais lamang niya ay maligtas tayo at hindi tayo mapahamak. Nawa, pansamantala tayong manahimik at isantabi muna natin ang mga bagay na kinahuhumalingan natin, kalimutan muna natin ang kumita o magkamal ng magkamal ng salapi, isantabi muna natin pansmantala ang ating mga negosyo at paghahanap buhay, at higit sa lahat kalimutan muna natin ang ating mga sarili upang marinig natin ang katok ng ating Panginoon at kung marinig natin ito ay huwag nawa tayong mag atubuling pagbuksan siya. Mahal tayo ng Diyos at gusto niya na makasalo niya tayo hindi lamang sa pagkain pati sa kanyang kaluwalhatian na kanyang kinalalagyan at makapiling niya tayo ng palagian.
Maraming salamat at nawa ang mensaheng ito ay makapagbigay sa atin ng kaunting paalala. Salamat at ang lahat ng papuri at parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na buhay na si Yahweh El Shaddai.

Salamat Po!

18/03/2021

Taga Efeso 4:31-32

Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, p**t at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Gaano nga ba kahirap magpatawad sa taong nakagawa sa atin ng mali at nakasakit ng ating damdamin? I Kung iispin, napakahirap nito . Ngunit ito ang nais ng Diyos . Kung tayo nga na makaslanan ay pinatwad ng Diyos na makapangyarihan sa lahat, pano pa kaya tayo na tao lang .
Nais ng Diyos na maging maunawain at mabait tayo sa lahat ng oras. Sa madaling salita, mamuhay sa ating mga puso ang pagibig ng Diyos. Dahil kung tayo ay may pagibig Nia at iniibig natin ang ating kapwa, mas lalo nating mauunawaan at mapapatawad ang bawat isa . Kaya, spread LOVE kapatid 😊 Spread the Love of God in each and everyone of us 😊❤

Godbless us all 😊💕💕
Happy Friday 😊

18/03/2021

Juan 13:14
Dahil akong Panginoon at G**o ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong gawin ito sa isa't isa.

Kung iisipin natin, nkakahiya at hindi tayo karapat-dapat na hugasan ni Jesus ng paa dahil sa tayo'y makasalanan. Ngunit pinapakita Niya dito kung paano ang isang tunay na lingkod. Na sa kabila ng Kaniyang kataasan at kadakilaan, patuloy padin Siyang nagpapakumbaba .
Tayo na bilang tao, maging mapagpakumbaba tayo sa lahat ng panahon. Treat everyone as ourselves . And always ask God for a pure and clean heart that will serve Him whole heartedly, and the people around us as we treat ourselves.

Godbless 😊💕

Para saan ang post na ito :El Shaddai 28th year AnniversarySaan gaganapin: Our Lady of the Abandoned Parish Muntinlupa; ...
17/08/2020

Para saan ang post na ito :
El Shaddai 28th year Anniversary

Saan gaganapin:
Our Lady of the Abandoned Parish Muntinlupa; FACEBOOK LIVE AT ZOOM

Kailan:
AUGUST 27,2020

TANDAAN: MAKIPAG UGNAYAN SA AMIN DAHIL LIMITADONG TAO LAMANG PO ANG MAAARING UMATTEND. MAY FACEBOOK LIVE DIN NA KAHIT NASA BAHAY KAYO AY MAAARI NYONG PAKINGGAN ANG MGA SALITA NG DIYOS NA AMING IBABAHAGI.

Keep safe everyone ❤❤

21/07/2020

MAS HIGIT NA MAHALAGA ANG MAKAMTAN SI CRISTO...

FILIPOS 3:7-8
"Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na maaari kong ibilang na pakinabang ay inari kong kalugihan. Oo inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtan ko lamang si Cristo."

Ang mundong ating ginagalawan ay sadyang napakarangya kaya naman napakarami sa atin ang nahuhumaling dito dahil sa mga bagay na inaalok ng mundo ay halos dito na natutuon ang ating isip at puso ang mga oras at sandali at mga panahaon ay dito na halos natin nailalaan sa paghahangad na makamtan o makamit ang karangyaan o ang kayamanan ng mundo masyado tayong naging maibigin sa mga bagay na nasa sanlibutang ito. Ito ang mundo na inaalok sa atin ang tayo'y magpagal ng magpagal at gumawa ng gumawa na kahit ang gabi ay ginagawa nating araw mapasa atin lang kayamanan nito na sa pag aakalang ito ang makapagbibigay sa atin ng kasiyahan sa buhay.
Maaari nga na kapag nasa atin na ang lahat ng bagay sa sanlibutang ito ay mapapanatag tayo, magiging kampante tayo na anuman ang maibigan natin ay makukuha o makakamit natin, mararating natin ang lahat ng ibig nating mapuntahan, magiging mas higit tayo sa iba at maaaring tayo'y tingalain at pagpugayan ng lahat; maaring sa palagay natin ay ligtas tayo sa anumang maaaring mangyari sa ating paligid kung nasa sa atin ang lahat. Ito marahil ang kaisipang darating sa atin kung nasa kalagayan tayo na napakarangya ng ating buhay o nasa sa atin ang kayamanan ng mundo kaya marahil sa ganitong palagay ay mas iniibig natin ang mundo kaysa kay Cristo.
Kaya marahil hindi nakakapagtaka kung sa panahon natin ngayon ay mas nakakarami ang mga taong abalang-abala sa pagpapayaman sa mundong ito, abalang-abala sa pagnenegosyo, abalang-abala sa anu pa mang mapagkakakitaan, abalang-abala sa paghahanap buhay bakit? Sapagkat nais natin na magkamal ng magkamal ng salapi at yumaman ng yumaman sa mundong ito. Kung ganito rinlang ating nagiging pananaw sa buhay ay lunalagay tayo sa ang nais natin o ang gusto natin ay ang mundo kaysa kay Cristo bakit? Sapagkat wala na tayong panahon sa Diyos o sa kanya g mga gawain na ang palagay ng marami sa atin ay ano nga ba ang mapapala natin kung tayo'y dadalo sa mga gawain ng Panginoon pinalalagay natin na sayang ang oras kaya naman ay lugi tayo kaya hindi natin pinapansin ang gawain ng Pnginoon bagkus nagpapatuloy tayo sa pagggawa at abalang abala tayosa mga bagay na nasa mundong ito.
Mga kapatid, huwag nawa nating panatilihin na tayo'y maging maibigin sa mga bagay na nasa mundong ito sapagkat nakakaawa tayo kung tayo'y dito nalang matutuon ang ating isip at ang ating puso sapagkat baka hindi natin nalalaman na ang lahat ng bagay ay maglalaho at anu man ang makamit natin dito o mapasa atin man ang lahat ng kayamanan ng mundong ito ay wala rin tayong mapapala pagdating nang araw bakit? Sapagkat lahat yan ay iiwan natin at hindi natin madadala paglisan natin sa daigdig na ito. Hindi ba't ito ang sinasabi ng Panginoon sa atin sa sulat niya sa aklat ni San Mateo 16:26 ito ang sinasabi ng Panginoon "Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito'y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay?" Kaya nga mga kapatid, huwag tayong masyadong maibigin sa mga bagay na nasa mundong ito o huwag nating hayaan na dito umikot ang buhay natin sapagkat ang mundong ito at ang mga karangyaan nito ay maglalaho.
Kaya, nawa mas higit natin na mapagsikapan na makilalang ganap at makamtan natin si Cristo kaysa sa mga bagay na inaalok sa atin ng mundo; tandaan natin na hindi tayo lugi kay Cristo sapagkat ang mga bagay na narito sa mundong ito ay dito lang sa lupa at hindi pangwalang hanggan subalit kung si Cristo ang mas higit natin na paglalaanan ng oras at mga panahon at pagsisikapan na siya'y ating makilalang ganap at makamtan ay lahat ng ibibigay niya sa atin o ang lahat ng kanyang mga pangako ay pangwalang hanggan at hindi kukupas. Kaya sa ating lahat nawa mas piliin natin si Cristo kaysa sa mundo o ang mga bagay na inaalok ng sanlibutang ito; tandaan natin mga kapatid na ang buhay natin dito sa lupa at sadyang parang a*o o usok lamang ibig sabihin anumang oras ay maaari tayong maglaho tulad ng usok na maaaring anumang oras ay bawian tayo ng buhay at hindi natin madadala ang anumang mayroon tayo lahat iiwan natin at hindi natin madadala at maaaring maglagay pa ito sa atin sa tiyak na kapahamakan.
Tandaan natin, kung pipiliin natin si Cristo ay mayroon siyang pangako na muli siyang babalik at isasama niya tayo sa kanyang kinaroroonan; ito ay makikita't mababasa natin sa sulat ni San Juan 14:1-3 "Huwag kayong mabalisa, manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at maipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama ko kayo sa kinaroroonan ko." Ito ang pangako sa atin ng Panginoon kaya sa ating lahat kung nasa kalalagayan tayo na ang mundo ang gusto natin dahil abalang-abalang tayo at naging maibigin tayo sa kayamanan nito o sa karangyaan nito ay nawa iwan na natin iyan o huwag nating masyadong pag ukulan ng panahon sapagkat ang mga bagay na ibinibigay nito ay panglupa lang ibig sabihin hindi pangwalang hanggan; subalit kung si Cristo Jesus ang ating pipiliin ay nakatitiyak tayo na kakamtan natin ang kayamanang higit pa sa inaasahan natin at ang kayamanang iyan ay nakalaan sa atin duon sa kalangitan at ang kayamanang iyan ay hindi lilipas at hindi maglalaho bagkus mananatili ito sa atin at pangwalang hanaggan kaya si Cristo na ang ating piliin at hindi ang mundong ito.
Maraming salamat at nawa ang mensaheng ito ay makapagbigay sa atin ng kauntimg paalala. Salamat at ang lahat nang papuri at parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na bunay na si Yahweh El Shaddai.

Salamat Po!

24/05/2020

KAYO ANG MAGBIBIGAY SA KANILA NG MAKAKAIN..

MATEO 14:15-21
"Nang dapit hapon na'y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, "Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain." Hindi na sila kailangang umalis pa," sabi ni Jesus. "Kayo ang magbibigay sa kanila ng makakain." Sumagot sila, "Lilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin." Dalhin ninyo rito," sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-pira*o niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila'y nakapuno ng labindalawang bakol ng pira-pira*ong tinapay. May 5,000 lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata."

Naalala ko lang ang isang tagpong ito sa Mabuting Balita tungkol sa pagpapakain ni Jesus sa 5,000 libong katao at higit pa, na gusto kong ilagay ang tagpong ito o ang kaganapang ito ngayong panahon ng pandemya dulot ng Covid-19 na kung saan ang krisis na ito ay hindi isang bayan o lugar lamang ang nagdaranas na hindi ito katulad ng mga kalamidad tulad ng bagyo o mga paglindol na sa iisang lugar lang ang nagdaranas subalit ang pandemyang ito ay halos buong bansa ang apektado. Kung nagkakaroon ng mga kalamidad sa ating bansa o sa ibang dako ay makikita natin na limitadong tao lang ang nagpapaabot ng mga tulong subalit dito sa krisis na ito na Covid-19 na kinakaharap ngayon ng ating bansa ay marahil siguro kailangan na lahat ay kumilos upang magpaabot na rin ng tulong, at ngayon ay nakikita naman natin na lahat ay gumagalaw at tumutulong maging sa mayaman, mga negosyante, at mga taong masasabi natin na may kaunting kakayahan ay nagagawa ring tumulong.
Sa nangyaring ito na pandemya na ating kinakaharap, ay gusto kong kunin ang atensyon ng mga taong ginagamit ng Diyos o yaong mga taong nagpapahayag ng salita ng Diyos na nawa makita natin ang gustong ipakita sa atin Panginoon ang tungkol sa pagpapakain niya sa limang libo katao o higit pa na tandaan natin na hindi lamang pang espirituwal o ang salita ng Diyos ang ipapakain natin sa mga tao lalo na duon sa mga may mga ubasan o may pinangangalagaang mga tupa kundi ibigay din natin ang kanilang pangangailangang pang pisikal lalo na ngayon na nasa panahon tayo ng pandemya. Ibig sabihin nito, nawa sa ating mga mangangaral o nagpapahayag ng salita ng Diyos na kung paanong si Jesus ay may kakayahang gumawa ng paraan para mapakain ang mga tao ay naniniwala ako na tayong mga nagpapahayag din ng salita ng Diyos ay may kakayahan din na gawin ang bagay na ito lalo na ngayng nasa panahon tayo ng pandemya. Tandaan natin mga kapwa ko mangangaral, na hindi lamang tungkulin natin na pakaiinin ng salita ng Diyos ang ating mga tupa kundi tungkulin din naman natin na pakiinin sila ng pagkaing pangpisikal lalo't sa panahong ito ng pandemya.
Ito ang ibig ipakita sa atin ng Panginoon sa tagpong ito na kung saan pinakain niya ang limang libong katao, na kailangan din nating tignan o damayan ang ating mga tupa na ating pinangangalagaan na kung sila'y nagugutom ay pakainin din natin sila hindi lamang ng salita ng Diyos kundi maging nang pagkaing pang pisikal at ito naman talaga ang nais ng Diyos lalo't nasa panahon tayo ng krisis tulad ngayon na nagdaranas ang lahat ng kahirapan at gutom. Nawa, tayong lahat at maging tayong mga ginagamit ng ating Panginoon upang magpahayag ng salita ng Diyos ay tingkulin din natin na iunat natin ang ating mga kamay upang abutin natin ng tulong ang mga kapatid natin na nangangailangan.
Maraming salamat po at nawa ang mensaheng ito ay makapagbigay sa atin ng kaunting paalala. Salamat at ang lahat ng papuri at parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na buhay na si Yahweh El Shaddai.

Salamat Po!

20/03/2020

GALIT ANG DIYOS..
( Covid-19 )

ISAIAS 26:20
"Puma*ok kayo sa inyong bahay, bayan kong hinirang, isara ninyo ang mga pinto, magtago kayo hanggang humupa ang galit ni Yahweh."

Ang mga nangyayari ngayon sa ating bansa at maging sa buong mundo tulad ng mga sakuna at mga trahedya gaya ng malalakas na paglindol sa iba't ibang panig ng mundo at mga salot na lumalaganap tulad Coronavirus o Covid-19 na ngayon ay pumapatay ng maraming buhay na kinatatakutan ngayon ng buong mundo ay masasabi natin na ito'y nagpapakitang galit ang Diyos; kung sabagay sino nga ba ang may kapangyarihan na gumawa ng mga bagay na ito? Hindi ba't ang Diyos na rin na siyang may kapangyarihan sa lahat ng bagay at ano nga ba ang maaaring dahilan kung bakit hinahayaan ng Diyos ang mga bagay na ito? Ito ay dahil na rin sa ating mga kasalanan. Ito ay makikita nating sinasabi sa aklat ng Isaias 26:21 ito ang sinasabi "Sapagkat darating si Yahweh mula sa kalangitan, upang parusahan ang mga tao sa daigdig dahil sa kanilang mga kasalanan. Sa sandaling ito'y mahahayag ang mga lihim na pagpaslang at mabubunyag pati ang kanilang libingan."
Kaya sa ating lahat, ngayong ang buong mundo ay binabalot ng matinding takot ng Coronavirus na ito at patuloy na pumapatay ng maraming buhay ay isang bagay lang po ang dapat nating gawin ngayon ang tayo'y puma*ok sa ating mga bahay at isara natin ang pinto at duon ay sama-sama po tayong manalangin, magpakumbaba, manikluhod sa ating Diyos at tayo'y humingi ng kapatawaran sa ating mga kasalanan; at sa ganitong paraan nawa ay maibsan ang galit ng Diyos at pawiin na niya ang salot na Coronavirus. Mga kapatid, ngayong ang lahat o ang buong mundo ay hinihikayat na manatili sa mga tahanan o sa kanilang mga bahay para maiwasan ang paglaganap ng Covid-19 ay nawa huwag lang tayong puma*ok o manatili sa ating mga tahanan kundi isara natin ang mga pinto na para bang ibig sabihin na isantabi muna natin ang anumang mga bagay na mapapakinabang natin kalimutan muna natin ang ating mga sarili isara natin ang pinto ng ating mga bahay at duon ay magpakumbaba tayo, manalangin tayo, hanapin natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating pagninilay, at humingi tayo ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at pagnagkagayon ay hintayin nating humupa o mawala ang galit ng Diyos at hanggang pawiin na niya ang Covid-19.( 2Cronica 7:13-14 )
Maraming salamat po at nawa ang mensaheng ito ay makapagbigay sa atin ng kaunting paalala. Salamat at ang lahat ng papuri at parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na buhay na si Yahweh El Shaddai.

Salamat Po!

19/03/2020

Mga minamahal naming kapatod, amin po kayong inaanyayahan sa pagdarasal ng rosaryo sa ika-9 ngayong gabi, kung kayo rin po ay mayroong kandila nung overnight ho na ginamit. pakisindi po ito sa labas ng bahay habang tayo ay nagrorosaryo. Atin po itong gawin at ipanalangin ang pagkapuksa ng Covid-19 sa bansa at sa kaligtasan ng bawat isa sa atin.

Sabay sabay nating ipanalangin ang mundo.

17/03/2020

SAMANTALAHIN NATIN ANG PAGKAKATAON MAY DAHILAN ANG DIYOS. ( Covid-19 )

AMOS 8:11-12
"Darating din ang araw na paiiralin ko sa lupain ang taggutom. Magugutom sila ngunit di sa pagkain, mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig. Ang kauuhawan nila'y ang aking mga salita. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito. Mula sa hilaga papuntang timog at mula sa silangan pakanluran, hahanapin nila ang salita ni Yahweh, subalit di nila masusumpungan."

Bagamat ang mundo ngayon ay nababalot ng matinding takot dahil sa kumakalat ngayon na Covid-19 at kung titignan natin ay halos ang buong mundo ay apektado ng Virus na ito na kahit ang malalaking bansa ay naaalarma at sinisidlan ng matinding takot kaya naman ay nagkakaisa ang buong mundo sa mga paraang nararapat para pigilan ang patuloy na pagkalat nito; at sa mga paraang pinaiiral ay nariyan ang marami sa atin ay hindi natutuwa sapagkat dito ay nakasalalay o nakataya ang kanilang ikabubuhay sapagkat pansamantalang ipinatitigil ang paghahanap buhay na talaga namang inaalmahan ng marami na kung minsan ay hindi na nila naiisip ang nakaambang panganib dulot ng Virus na ito at ang inaalala nila ay paano ang kanilang ikabubuhay kaya naman marami sa atin ngayon ang magkahalong galit at takot sa mga paraang ginagawa ng mga namumuno sa ating pamahalaan.
Dahil sa Covid-19 ay hindi lamang ang pangkabuhayan, negosyo, mga trabaho ang naapektuhan nito kundi pati ang mga bagay na pang espirituwal sapagkat halos ang buong mundo ay pansamantalang ipinasara ang mga simbahan at maging ang ilang mga Religiuos Organisasyon ay pansamantalang ipinagpapaliban ang kanilang mga gawain upang sa pamamagitan nito ay maprotektahan din naman ang kanilang mga kasapi o mga tagasunod; mga kapatid, sa nangyayaring ito sa ating mundo o ang mga hindi magagandang idinudulot ng Covid-19 ay sadyang nakakaalarma at hindi maaaring hindi sidlan ng matinding takot ang sinuman o maging ang buong mundo sapagkat mayroong banta sa ating mga buhay at kung itoy magpapatuloy ay hindi natin alam kung ano ang matinding pinsala ang maidudulot nito hindi lamang sa ekonomiya ng bawat bansa at ganun din sa pamumuhay ng bawat pamilya at maging sa mga bagay na pang espirituwal na maaaring maging dahilan ito ng panlalamig ng marami sa atin sa kanilang buhay pananampalataya.
Tandaan natin mga kapatid, ang nangyayaring ito ay hindi nawawaglit sa ating Panginoon at alam niya ang mga bagay na ito sapagkat sa maniwala tayo't sa hindi ay pinahihintulutan niya ang bagay na ito sapagkat sinasabi sa isang bahagi ng kasulatan sa aklat ng Panaghoy 3:37 "Walang anumang bagay na nangyayari, nang hindi sa kapahintulutan ni Yahweh." Ibig sabihin ang Covid-19 na ito na nagdudulot ng matinding takot sa buong mundo ay pinahihintulutan ng ating Diyos na bagamat pinapayagan niya ito ay naniniwala ako na mayroong siyang dahilan o sa likod nito ay maaaring may magandang bagay na gustong ipakita sa atin ang Panginoon at yan ay kung atin lang tatanggapin ng maluwag sa ating mga puso o yaong bang pasasalamatan natin siya oo pasasalamatan natin ang Diyos na bagamat nakakatakot o nakakaalarma ang Covid-19 na ito bakit? Sapagkat sinasabi sa unang sulat ni San Pablo sa mga 1Tesalonica 5:18 ito ang sinasabi "Ipagpasalamat ninyo sa pangalan ni Cristo Jesus ang lahat ng pangyayari, sapagkat yaon ang ibig ng Diyos." Kaya nga, anuman ang mga nangyayari sa ating paligid sa ating mga buhay mabuti man o masama ay huwag nating kaligtaan ang magpasalamat sa kanya.
Sa ating lahat na bagamat tayo'y sinisidlan ng matinding takot sa mga nangyayari ngayon ay maging bukas din nawa ang ating kaisipan at ang ating puso hindi lamang sa mga masasamang nangyayari ngayon tulad ng salot na Coronavirus kundi sa mabubuting bagay din na maaaring idulot ng salot na ito; at huwag nating sayangin ang mga pagkakataong ibinibigay ng ating panginoon sa mga sandali na lumilipas bagkus samantalahin natin ito. Tignan ninyo, Una, tungkol sa pamilya: hindi ba natin nakikita ang napakagandang pagkakataon na dapat ay samantalahin natin na ang ating mga pamilya ay nagkakasama ngayon at nagkakaisang kumain, nagkakausap, at nakikita natin ang ating mga anak nang mas mahabang oras at panahon na dati ay wala madalas ang mga anak at nasa mga eskuwela at ang mga magulang naman ay nasa mga hanap-buhay o abalang-abala sa mga negosyo hindi ba't sa isang banda ay napagakanda rin ang idinulot ng salot na ito na kung saan ngayon ay magkakasama ang buong pamilya? Maaaring ito ang nais ng Diyos kumbaga gumagawa siya ng paraan na maipakita rin sa atin na napakahalaga sa kanya ang pamilya.
Pangalawa, tungkol naman sa ating espirituwal na pamumuhay na dapat malaman nating lahat na mas higit na mahalaga sa Diyos ang ating kaluluwa kaysa katawang lupa na dapat ay binibigyan natin ng pansin; tignan ninyo dito sa ating ibinabahagi ko sa inyo na sinasabi sa aklat ng Amos 8:11-12 na darating daw ang araw na paiiralin ng Diyos ang taggutom at hindi sa pagkain at mauuhaw daw tayo ngunit hindi sa tubig kundi sa kanyang mga salita at pagdating daw ng panahon ay hahanapin daw natin ito at hindi masusumpungan. Ano ang ibig sabihin nito mga kapatid? Tandaan natin, hanggat naririyan pa ang salita ng Diyos nasa mga simbahan, nasa mga lansangan, at nasa lahat ng dako na kung saan ay ipinangangaral ay bigyan na natin ng panahon at oras upang pakinggan na natin o dumalo tayo sa mga gawain na kung saan duon ipinapahayag ang mga salita ng Diyos bakit? Sapagkat darating daw ang panahon na mawawala ito at kung hanapin natin ay hindi na natin masusumpungan. Hindi ba't parang nangyayari na! Tignan ninyo, dahil sa salot na Coronavirus ay nagsara ang mga simbahan, dahil sa Coronavirus ay kanselado o pinahinto muna ang mga gawain nang lahat ng Religiuos Organisasyon hindi ba't parang pansamantalang nawala? Hindi dahil sa natakot o sa anumang kadahilanan na maaaring paraan ng Diyos na kung saan na totoo ang kanyang mga salita na darating ang araw na mawawala ang salita ni Yahweh.
Kaya mga kapatid, sa mga nangyayaring ito tulad ng salot na ito ang Coronavirus ay gamitin natin ang mga pagkakataon o mga panahon na habang tayong lahat ay nasa ating mga tahanan ay makinig na tayo sa kanyang nga salita saan man ipinapahayag ang salita ng Diyos at maaaring buksan natin ang Biblia at makapagbasa tayo at nang sa gayon ay magkaroon naman tayo ng pagpapahalaga sa salita ng Diyos; huwag nating sayangin ang mga pagkakataong ito pahalagahan na natin sa ating mga puso o itanim natin sa ating mga isipan ang kanyang mga salita at nang sa gayon mawala man ito o magsara man ang mga simbahan o huminto man ang lahat ng mga nagpapahayag ng salita ng Diyos ay ito naman ay nasa atin ng mga puso na siyang iingatan naman nang ating Panginoon.
Tandaan natin nga kapatid, mahal tayo ng Diyos at bagamat nagdaranas tayo ngayon ng matinding takot at pag-aalala ay huwag tayong matitinag sapagkat sa likod niyan ay mayroong mga dahilan ang Diyos kung bakit niya pinahihintulutan ang mga bagay na ito; huwag tayong padaig sa takot at bagkus tiganan natin ang magandang bagay na gagawin ng Diyos sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa at sa buong mundo. Patuloy tayong magtiwala sa kanyang kapangyarihan at naniniwala ako na hindi magtatagal at malalampasan nating lahat ang salot na ito at makapamumuhay tayong muli ng may kapayapaan at walang anumang kinatatakutan at higit sa lahat ibigay natin ito sa kamay nang Diyos sapagkat siya naman ang kumukup-kop sa atin ( Pedro 5:7 ).
Maraming salamat po at nawa ang mensaheng ito at makapagbigay sa atin ng kaunting paalala. Salamat at ang lahat ng papuri at parangal ay ibinabalik ko sa ating Diyos na buhay na si Yahweh El Shaddai.

Salamat Po!

Address

Muntinlupa City
1770

Opening Hours

4pm - 9pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when El Shaddai sa Kapitbahayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share