Mendiola St., Alabang, Muntinlupa City;
Parroquia de Nuestro Padre Jesús Nazareno de Alabang, Diocese of Metro Manila; International Conference of Philippine Independent Catholic Churches of Jesus Christ (ICPICCJC), Anglican Church in North America (ACNA) Katatapos pa lamang ng Himagsikan ng 1896 kaya’t sariwang sariwa pa sa puso ng mga Pilipino ang kakakamit pa lamang na Kalayaan mula sa mga nagh
aharing Kastila. Nuong 1902 ay itinatag ng lider ng Unyong Manggagawa na si Don Isabelo delos Reyes ang Iglesia Filipina Independiente (Malayang Simbahang Pilipino) at nahirang na unang Obispo Maximo (Kataas-taasang Obispo) ang Vicario Heneral ni Aguinaldo ng Himagsikan na si Monsignor Gregorio Aglipay, kung saan nagmula ang tawag na “Aglipayano” sa mga kasapi ng bagong simbahan. Sa pangunguna naman ng mga makabayang mamamayan ng Alabang na naghahangad magkaroon ng isang pamayanang Kristiyanong Maka-Diyos at Maka-Bayan (“Pro Deo et Patria”) ay napagsikapan nilang magtayo ng isang kapilyang yari sa kawayan at pawid sa kinatatayuan ng kasalukuyang simbahan. Ang kapilyang ito, na yari na sa bato at kahoy, ay naukit sa kasaysayan, sa isa sa mga larawang kuha ng potograpong Hapon na si Koichi Takiyama nuong 1938, habang itinatayo ng mga makabayan ang Bantayog ng Tatlong Bayani (Rizal, Bonifacio at Jacinto) na nakaharap sa nuo’y Plasa ng Alabang. Bagama’t mayroon na silang kapilya, ang mga Aglipayano ng Alabang ay wala pang Kura Paroko. Isang “Padre Gregorio Cueto” ang natatandaan nilang bumibisita at nagmimisa sa kanilang kapilya. Nguni’t tuwing Simbang Gabi lamang. Noong taong 1944 ay dumating sa Alabang ang isang paring taga-Maynila na unang nag-misyon sa Pasig, Kabesera noon ng Lalawigan ng Rizal. Siya si +Rev. Simeon de Jesus na itinalaga ng Council of Bishops ng Iglesia Filipina Independiente upang magsilbi bilang unang Kura Paroko sa Simbahang Aglipayano sa Alabang. Sa ilalim ng IFI, natanggap niya ang Apostolic Succession noong dekada 50s. Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay lumago at sumigla ang pamayanang Aglipayano sa Alabang. Noong dekada 60s, nagsilbi si +Fr. de Jesus Aglipayan Chaplain sa New Bilibid Prisons (NBP) nang dalawang dekada. Hinirang siya na Obispo at Secretary General ng Simbahan sa ilalim ng Independent Church of Filipino Christians (ICFC) Aglipay Memorial Church. Nagbalik siya sa kanyang Lumikha noong taong 1992. At hinalinhan ng kanyang anak na si +Fr. Bayani Landrito de Jesus at naglingkod nang humigit-kumulang na 50ng taon sa Simbahan. Bumalik siya sa kanyang Lumikha noong Hulyo 9, 2024. Noong Oktubre 9, 2021 ni Fr. Dante Landrito de Jesus na siya ngayong Kura Paroko ng Simbahang Aglipayano sa Alabang. Noong Pebrero 19, 2022, inordenahan bilang Assistant Parish Priest niya ang kanyang anak na si Fr. Jose Maria Abletía de Jesus sa ilalim ng ICFC-AMC. Noong Hunyo 11, 2024, sa Kapistahan ni San Bernabe, ginanap ang makasaysayang Banal na Muling Ordenasyon nina Fr. Dante at Fr. José Mariá sa ilalim ng Iisang, Banal, Katolika at Apostolikang Simbahan sa Central Cathedral of the Holy Child Jesus (ICPICCJC), Marikina City, na kamakailan lamang ay nagkaroon ng Concordat signing sa pagitan nina Supreme Metropolitan Archbishop Armando (dela Cruz) VI ng ICPICCJC, at Archbishop Foley Beach ng Anglican Churches in North America (ACNA). Ang Kura Paroko ngayon ng Parroquia de Nuestro Padre Jesús Nazareno de Alabang, Aglipayan Church Alabang, Diyosesis ng Metro Manila, ay si Fr. José Mariá at ang katulong niyang Kura ay si Fr. Dante. Pro Deo, Ecclesia et Patria!