27/06/2023
Kaibigan; Kung iniisip mo na ang paraan ng pagpunta sa langit ay sa pagiging mabait at paggawa ng mabuti nagkakamali ka, pakinggan mo nawa maigi ito upang malaman Ang tanging Daan ng katiyakan ng Langit
Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
Ephesians 2:8-9
Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,
Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas;
Upang, sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan.
Titus 3:5-7