31/10/2024
Thursday, October 31, 2024
Salmo 34:15 – “Iniingatan ng Panginoon ang mga matuwid, at pinakikinggan Niya ang kanilang mga karaingan.”
Ayaw mo na?
Tinalikuran mo na ba ang pagdarasal para sa isang problemang matagal na at parang walang solusyon? Hindi ka ba sigurado kung ano ang ginagawa ng Diyos tungkol dito? Tandaan na ang panalangin ay paghingi sa Diyos ng tulong. Gusto Niya na makasama ka at hingin mo ang Kanyang pamumuno at kapangyarihan sa iyong buhay. Lagi kang pinakikinggan ng Diyos.
Sabi Niya sa Salmo 34:6 – “Noong wala na akong pag-asa, tumawag ako sa Panginoon. Akoʼy kanyang pinakinggan at iniligtas sa lahat ng mga dinaranas kong kahirapan.”
Mahal ka Niya at binigyan ka Niya ng regalo, ang Kanyang Anak na si Hesus, na namatay at muling nabuhay upang bigyan ka ng buhay na walang hanggan. Maaari kang magtiwala sa Kanya na gagawa para sa iyong ikabubuti. Be encouraged. Be challenged. Be blessed. Be a blessing. 🙏
Scripture reading: Jeremiah 31-32; Titus 2