25/01/2026
𝗜𝘁’𝘀 𝗼𝘂𝗿 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗗𝗮𝘆!
The all-around master, from dancing to singing, where creativity meets leadership. That’s our Kuya, our Tatay, our best friend, our counselor, and of course, our No. 1 Coordinator. Behind a productive, organized, and disciplined ministry lies our Coordinator’s hardships and sacrifices, all offered for the greater good.
Kaya sama-sama tayong bumati , 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡, 𝗞𝗨𝗬𝗔 𝗝𝗢𝗛𝗡𝗠𝗔𝗥 𝗚𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗡!
On behalf of the Ministry of Altar Servers of St. Sebastian the Martyr Parish – Muñoz, we are honored, we are blessed, and we are deeply thankful for you. Lahat po ng inyong mga sakripisyo para sa amin ay taos-puso naming pinapasalamatan, sapagkat sa inyo po nakikita ang tagumpay ng isang patuloy na lumalago at nagkakaisang ministry. Nawa’y biyayaan pa po kayo ng Panginoon ng higit na determinasyon at dedikasyon upang magpatuloy sa pagpapalago ng inyong sinimulan.
Bilang pamilya ninyo sa ministry na ito, sa kalungkutan man o kasiyahan, lubos po kaming nagpapasalamat na nariyan kayo upang ihubog kami at gawing karapat-dapat sa paglilingkod sa dambana ng Panginoon. Sa tuwa man o sa iyakan, hindi ninyo kami iniwan, bagkus ay patuloy kayong nanatili at lumaban, kahit sa mga panahong kayo mismo ay nahihirapan. Ang inyong walang sawang pagsisikap at malasakit para sa ministry na ito ay lubos naming pinahahalagahan.
Kaya enjoy your day, Kuya JM!
Ka-isa ng mga Lingkod Dambana ni San Sebastian Martir, muli naming binabati ng Happy Birthday ang aming minamahal na Coordinator!