25/08/2026
**AUGUST 23, 2026 | IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON**
Sa pagdiriwang ng Banal na Misa ngayong Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, muli nating pagnilayan ang Salita ng Diyos na nagtatanong sa atin; “Sino ako para sa iyo? Sa Ebanghelyo, ipinahayag ni Simon Pedro na si Hesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay, at ipinagkatiwala sa kanya ang isang mahalagang misyon sa pagtatatag ng Simbahan.
Bilang mga tagasunod ni Kristo, hindi sapat na kilala lamang natin Siya; kailangan nating ipakita ang ating pananampalataya sa ating mga salita, gawa, at paglilingkod sa kapwa. Nawa’y maging matatag tayo sa ating pananalig at patuloy na isabuhay ang mga aral ni Hesus. Sama-sama nating palalimin ang ating pananampalataya at ipagdiwang ito sa bawat Banal na Misa.
Ang dinalaw ng ating mahal na Patron ngayong linggo ay ang pamilya ni Mrs. Melconnie Herrera, na mula sa pamilya ni Ms. Lilibeth Peralta, na siya namang dinalaw ng ating Patron noong nakaraang linggo.
Ang punong tagapagdiwang ay si Rev. Fr. Ronaldo Lobo, MSC.