28/08/2026
𝗣𝗥𝗘𝗫 𝗕𝗮𝘁𝗰𝗵 𝟮𝟳 𝗢𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘀𝘀 | Agosto 28, 2026 💚
Pormal nang nagsimula ang ika-27 Batch ng PREX (Parish Renewal Experience) sa ating Parokya.
Ang tatlong araw na formation ay ginaganap sa Parish Hall mula Agosto 28 hanggang 30, 2026, bilang pagkakataon para sa ating mga kalahok na higit pang mapalalim ang kanilang pananampalataya at ugnayan sa Panginoon.
Binuksan ang PREX sa pamamagitan ng Banal na Misa ngayong 5:30 ng hapon, na pinangunahan ng ating Kura Paroko, Rev. Fr. Ariel U. Capuyon.
Samahan natin sa panalangin ang ating PREX Batch 27 participants habang kanilang tinatahak ang tatlong araw na paglalakbay tungo sa pagpapanibago ng pananampalataya. ❤️🔥
God bless, PREX Batch 27! 🙏🏻