Sacred Heart of Jesus Parish - Bantug

Sacred Heart of Jesus Parish - Bantug Erected as a parish on April 27, 2006 by His Excellency Most. Rev. Mylo Hubert C. Vergara, DD, Bishop of Diocese of San Jose, Nueva Ecija.

The Parish is under the care of the Missionaries of the Sacred Heart.

𝙎𝙖 𝙖𝙗𝙤 𝙩𝙖𝙮𝙤’𝙮 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙣𝙖𝙖𝙣, 𝙣𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜 𝙖𝙩 𝙖𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨 𝙩𝙖𝙮𝙤’𝙮 𝙞𝙣𝙖𝙖𝙣𝙮𝙖𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙗𝙖𝙡𝙞𝙠-𝙡𝙤𝙤𝙗. ...
17/02/2026

𝙎𝙖 𝙖𝙗𝙤 𝙩𝙖𝙮𝙤’𝙮 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙣𝙖𝙖𝙣, 𝙣𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜 𝙖𝙩 𝙖𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨 𝙩𝙖𝙮𝙤’𝙮 𝙞𝙣𝙖𝙖𝙣𝙮𝙖𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙗𝙖𝙡𝙞𝙠-𝙡𝙤𝙤𝙗.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo, Pebrero 18, 2026, at sama-samang simulan ang Panahon ng Kuwaresma.

𝙉𝙖𝙧𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙠𝙚𝙙𝙮𝙪𝙡 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙞𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙧𝙤𝙠𝙮𝙖:

𝙐𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙞𝙨𝙖:
𝙄𝙠𝙖-𝟔 𝙣𝙜 𝙐𝙢𝙖𝙜𝙖

𝙄𝙠𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙞𝙨𝙖:
𝙄𝙠𝙖-𝟓 𝙣𝙜 𝙃𝙖𝙥𝙤𝙣

16/02/2026

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝐃𝐈𝐎𝐂𝐄𝐒𝐀𝐍 𝐋𝐄𝐍𝐓𝐄𝐍 𝐑𝐄𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa Diocesan Lenten Recollection na gaganapin sa darating na Pebrero 21, 2026 (Sabado) sa CLSU Gymnasium, Lungsod Agham ng Muñoz.

Sa araw na ito ay magkakaroon ng Banal na Oras, at ang kaparian ng ating Diyosesis ay magpapakumpisal, upang tayo’y magkaroon ng pagkakataong magbalik-loob at makipagkasundo sa Diyos.

Ang ating Tagapanayam ay ang ating minamahal na Obispo, Lubhang Kagalang-galang Samuel N. Agcaracar, SVD, DD, na maghahandog ng pagninilay at paggabay upang higit nating mapalalim ang ating pananampalataya sa banal na panahon ng Kuwaresma.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo at makibahagi sa banal na pagsasanay—isang pagkakataon upang magnilay, manalangin, at ihanda ang ating mga puso kay Kristo.

San Jose, ipanalangin mo kami!


06/02/2026

Isang bahagi mula sa mensahe ni Most Rev. Samuel Naceno Agcaracar, Ika-limang Obispo ng ating Diyosesis.

"Sana tuluyan ninyo akong samahan sa pamamagitan ng inyong mga Panalangin. Nawa ang selebrasyong ito, araw na puno ng kagalakan, ay maging hudyat ng mas matibay na samahan at paglalakbay nating lahat bilang isang Simbahang nagkakaisa, nagbabahaginan at nagmimisyon.

Dios ti agngina kadakayo amin Apo."

05/02/2026
01/02/2026
𝐆𝐀𝐖𝐈𝐍 𝐌𝐎 𝐊𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐘𝐀 𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐚𝐥𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 ni 𝐋𝐮𝐛𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠-𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚...
31/01/2026

𝐆𝐀𝐖𝐈𝐍 𝐌𝐎 𝐊𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐘𝐀

𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐚𝐥𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 ni 𝐋𝐮𝐛𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠-𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐦𝐮𝐞𝐥 𝐍𝐚𝐜𝐞𝐧𝐨 𝐀𝐠𝐜𝐚𝐫𝐚𝐜𝐚𝐫, 𝐒𝐕𝐃, 𝐃.𝐃., ang ika-5 Obispo ng Diyosesis ng San Jose.

Maari ninyong mapanood ang pagdiriwang LIVE sa page : Diocese of San Jose Nueva Ecija.

Ang pagtatalaga at pagluklok ay pangungunahan ng Apostolic Nuncio to the Philippines, Most Rev. Charles John Brown, D.D., bilang Installing Prelate, at ang Homiliya ay ibabahagi ni Most Rev. Socrates Villegas, D.D. ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan.

📅 𝗣𝗲𝗯𝗿𝗲𝗿𝗼 𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝟵:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮

Sa diwa ng motto ng ating mahal na obispo, “Fac Nos Omnes Unum In Eo,” nawa’y patuloy tayong tipunin ng Panginoon bilang iisang katawan kay Kristo—nagkakaisa sa pananampalataya, naglilingkod nang may pag-ibig, at sabay-sabay na tumutugon sa Kanyang tawag ng pagmimisyon.

Buong kagalakan at pasasalamat sa Diyos, ipinagdiriwang ng Sambayanan ng Diyos ang Ordinasyon sa Pagka-Obispo ni Lub. Kg...
17/01/2026

Buong kagalakan at pasasalamat sa Diyos, ipinagdiriwang ng Sambayanan ng Diyos ang Ordinasyon sa Pagka-Obispo ni Lub. Kgg. Samuel Naceno Agcaracar, SVD, D.D., bilang isang dakilang biyaya at kaloob para sa Simbahan.

Ang kanyang ordinasyon ay tanda ng patuloy na pagkilos ng Espiritu Santo sa Simbahan—tumatawag ng mga pastol na maglilingkod nang may katapatan, kababaang-loob, at ganap na pagtitiwala sa kalooban ng Diyos. Nawa’y ang kanyang ministeryo bilang obispo ay maging daluyan ng pag-asa, pagkakaisa, at malasakit ng Mabuting Pastol para sa bayan ng Diyos, lalo't higit sa ating Diyosesis.

Habang tayo'y nananabik, tayo'y patuloy na manalangin para sa bagong yugto ng kanyang misyon, lalo na habang siya ay naghahanda para sa kanyang instalasyon bilang Obispo ng San Jose.

16/01/2026

Buong kagalakan at pasasalamat sa Diyos, inaanyayahan ang sambayanan na makibahagi sa Ordinasyon sa Pagkabiskopo ni
Lubhang Kagalang-galang Samuel Naceno Agcaracar, SVD, D.D.,
Bishop-Elect ng Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija.

📅 Enero 17, 2026 | 9:00 n.u.
📍 Holy Spirit Chapel, Divine Word Seminary, Tagaytay City

Para sa mga hindi makadadalo nang personal, ang banal na pagdiriwang ay mapapanood sa live streaming sa pages ng Diocese of San Jose Nueva Ecija at SVD Tagaytay.

Saksi tayo sa isang mahalagang sandali ng biyaya at paglilingkod para sa Simbahan—isang ganap na pagtugon sa tawag ng Diyos para sa Kanyang bayan. Sama-sama nating ipagdasal ang ating susunod na obispo sa kanyang ministeryo bilang pastol na may pusong handog sa paglilingkod, pananampalataya, at pag-asa.

Mabunying pagbati, Bishop Sam!

Address

Purok Bukang Liwayway, Brgy. Bantug, Science City Of Muñoz, Nueva Ecija
Muñoz
3119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sacred Heart of Jesus Parish - Bantug posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share