14/08/2026
PAANYAYA| Nag-aanyaya po ang Legion of Mary - CLSU sa lahat ng mga nais magdebosyon sa Mahal na Birheng Maria na nagbubunga ng paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
Narito po ang talatakdaan ng mga aktibidad na ginaganap ng Legion of Mary -CLSU:
1. Weekly Praesidium Meeting ng Ina ng Laging Saklolo tuwing Lunes ng gabi pagkatapos ng Banal na Misa, sa Fr. Lope Castillo Development Center, sa pangunguna ni Bro. Echo P. Franco.
2. Weekly Praesidium Meeting ng Ina ng Our Lady of Miraculous Medal tuwing Miyerkules ng gabi pagkatapos ng Banal na Misa, sa Fr. Lope Castillo Development Center, sa pangunguna ni Sis. Rhea Mae Parungao.
3. Perpetual Block Rosary & Lectio Divina tuwing Sabado, sa ganap na ika-tatlo ng hapon, sa Roseville Subdivision.
4. Perpetual Block Rosary & Lectio Divina tuwing Linggo, sa ganap na ika-tatlo ng hapon, sa PNR Site Main
5. 2,000 Hail Marys Devotion na gaganapin sa ika-22 ng Agosto, sa ganap na ika-pito ng umaga hanggang ika-tatlo ng hapon, sa Perpetual Adoration Chapel ng ating Chaplaincy.
Para sa mga may mga katanungan at interesado: Makipag-ugnayan lang po kay Bro. Echo P. Franco, Legion of Mary-CLSU Coordinator, o kaya ay magpadala ng mensahe sa page; Legion of Mary - CLSU.
Maraming Salamat po!