Santo Niño Chapel-Bagbaguiing

Santo Niño Chapel-Bagbaguiing Mateo 19:14

Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata.

Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”

IKA-20 NA LINGGO SA KARANIWNAG PANAHON | August 16"Instant na tayo. Pero ang pagliligtas ng Diyos, kailangan pinatutunay...
23/08/2026

IKA-20 NA LINGGO SA KARANIWNAG PANAHON | August 16

"Instant na tayo. Pero ang pagliligtas ng Diyos, kailangan pinatutunayan natin na tayo ay tunay na kumikilala sa pagmamahal, kapangyarihan, at kabutihan ng Diyos, 'di ba? Hindi automatic, kailangan patunayan. Paano mo nalalaman? Paano natin nalalaman at pati ang Diyos, how does He know na totoo nga? Sabi nga, "𝐀𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐞𝐧𝐝𝐮𝐫𝐞𝐬."

- Mula sa homiliya ni Rev. Fr. Cesar Vergara

Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon"Sana mga kapatid, sa ating Ebanghelyo talagang ipinakita ng ating Panginoon 'yung...
09/08/2026

Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon

"Sana mga kapatid, sa ating Ebanghelyo talagang ipinakita ng ating Panginoon 'yung Kanyang pagmamahal at pag-alaga sa ating lahat. Sana tayong lahat ay huwag po tayong bibitiw sa pananampalataya sa ating mahal na Panginoon. Kasi po lahat po tayo mahal ng ating Panginoon. Lahat po tayo ay talagang inaaruga Niya, minamahal po Niya, at binibigyan Niya ng pag-asa sa bawat yugto ng ating mga buhay." - Mula sa pagninilay ni Bro. Nando Carbonel

IKA-18 LINGGO SA KARANIWANG PANAHONPinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal."Lahat ng ating mga gagawin, basta idu...
02/08/2026

IKA-18 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal.

"Lahat ng ating mga gagawin, basta idulog po natin sa ating Panginoon, walang imposible. Kaya nga po 'yung pangarap niyo, walang imposible. Talagang darating at darating po 'yan." - Mula sa pagninilay ni Bro. Nando.

Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon"Kahit na tinatalikdan natin siya, tinutulungan niya tayo at binibigyan ng pagkaka...
19/07/2026

Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon

"Kahit na tinatalikdan natin siya, tinutulungan niya tayo at binibigyan ng pagkakataon na magbalik-loob sa Diyos. 'Yung kanyang kamay, inuunat niya para kunin natin ang kanyang tulong. Huwag sana nating tanggihan ang tulong ng Diyos sapagkat baka pagsisihan natin ito sa kabilang buhay at maparusahan tayo ng sunog na walang hanggan.
Mga kapatid, ganyan kabaliw ang Diyos sa pagmamahal sa atin. Tapat ang Diyos. Kahit na kulang tayo, kahit na mahina tayo, kahit hindi tayo naging tapat sa kanya, tinutulungan pa rin niya tayo para magbalik-loob sa kanya. " - Mula sa homiliya ni Fr. Paul Bicomong

"Nagbunga ng masagana, binhi sa matabang lupa"Pagninilay: Ang binhi na galing sa Diyos ay talagang isang biyaya dahil an...
12/07/2026

"Nagbunga ng masagana, binhi sa matabang lupa"

Pagninilay: Ang binhi na galing sa Diyos ay talagang isang biyaya dahil ang binhi na 'yon ay 'yung ating Panginoon. Walang binhi na nagbibigay ng kakulanganan. Ang binhi na galing sa ating Panginoon ay sobra-sobra 'yung ibinibigay niya sa bawat isa po sa atin. - Bro. Nando Carbonel

Ika-14 na Linggo sa Karaniwnag Panahon"Ang pamatok ay 'yung ating Panginoon." Lahat ng ginagawa po natin, kasama natin a...
05/07/2026

Ika-14 na Linggo sa Karaniwnag Panahon

"Ang pamatok ay 'yung ating Panginoon." Lahat ng ginagawa po natin, kasama natin ang Diyos. Kaya nga po huwag po tayong mawalan ng pag-asa. Habang tayo nagbubuhay, may pag-asang ibibigay ng ating Panginoon sa bawat isa po sa atin.

Larawang kuha mula sa Banal na Pagdiriwang ngayong unang linggo ng Hulyo, sa pangunguna ni Bro. Nando Carbonel

Salubungin natin! Ang ating bagong talagang Layko Ministro Bro. Nando Carbonel🫶 Maligayang pagdating sa Sitio. Bagbaguii...
05/07/2026

Salubungin natin! Ang ating bagong talagang Layko Ministro Bro. Nando Carbonel🫶 Maligayang pagdating sa Sitio. Bagbaguiing.

Kahit maulan ay magpupuri sa iyo🙏 Simba po tayo!Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
05/07/2026

Kahit maulan ay magpupuri sa iyo🙏 Simba po tayo!
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon

𝘿𝘼𝙆𝙄𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙋𝙄𝙎𝙏𝘼𝙃𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙉𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝙎𝘼𝙉𝙏𝘼𝙏𝙇𝙊 𝙎𝘼 𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝘿𝙄𝙔𝙊𝙎 | May 31, 2026"Itong misteryo na ito na iisang Diyos sa Tatlong ...
01/06/2026

𝘿𝘼𝙆𝙄𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙋𝙄𝙎𝙏𝘼𝙃𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙉𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝙎𝘼𝙉𝙏𝘼𝙏𝙇𝙊 𝙎𝘼 𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝘿𝙄𝙔𝙊𝙎 | May 31, 2026

"Itong misteryo na ito na iisang Diyos sa Tatlong Persona. Mahirap na maunawaan pero ipinapakita po ng Banal na Santatlo ang walang hanggang pag-ibig at pagkakaisa ng Diyos. Ang Ama po ang ang lumikha. Si Hesus ay siyang nagligtas sa ating mga pagkakakasala, siya ang tumubos ng ating mga kasalanan. At ang Espiritu Santo ang siyang gumagabay po sa atin sa bawat yugto ng ating buhay." - Pagninilay ni Bro. Mark Ronnel Tungpalan

Mga larawang kuha mula sa Banal na Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo sa Isang Diyos sa pangunguna ni Bro. Mark Tungpalan

Flores De Maria | May 30, 2026Pagbati kay Bb. Mizzy Onia Sanciangco bilang kinatawan ng Sitio Bagbaguiing sa naganap na ...
30/05/2026

Flores De Maria | May 30, 2026

Pagbati kay Bb. Mizzy Onia Sanciangco bilang kinatawan ng Sitio Bagbaguiing sa naganap na Flores De Maria 2026 na may titulong "Luklukan ng Karunungan"

Address

Sitio Bagbaguiing
Muñoz East

Telephone

+639557092711

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santo Niño Chapel-Bagbaguiing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share