23/03/2026
“COME OUT AND WORSHIP!”
Mga kapatid, kagaya ng pagtawag ng Diyos Kay Moses sa (Exodus 3:1-12)Ito rin ay paalala at pagtawag sa atin na "lumabas at mag-worship" Ito ay isang paanyaya na iwanan ang ating mga takot, pag-aalala, at mga hadlang upang makasunod sa Kanya nang buo. Sa 2 Corinto 6:17, sinabi ng Diyos, "Kaya't lumabas kayo sa kanila, at maghiwalay kayo, at huwag kayong humawak sa mga bagay na marumi, at tatanggapin ko kayo."
Ang pag-worship sa Diyos ay hindi lamang tungkol sa pag-awit o pagdasal, kundi tungkol sa pag-suko ng ating buong buhay sa Kanya. Sa Roma 12:1, sinabi ni Apostol Pablo, "Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alang-alang sa mga kaawaan ng Diyos, na inyong ihandog ang inyong mga katawan bilang isang hain na buhay, banal, at kalugod-lugod sa Diyos, na ito ang inyong makatwirang pagsamba."
Kaya, mga kapatid, lumabas tayo sa ating mga comfort zones at mag-worship sa Diyos nang buo. Sa pag-sunod sa Kanya, makakaranas tayo ng Kanyang kapangyarihan, pag-ibig, at kalubusan.
Ang pag worship sa Diyos ay hindi lamang isang gawa, kundi isang buhay na pag-sunod sa Kanya. Lumabas tayo at mag-worship nang buo!"
Message: Ptr, Loreto Mabanan
Topic: “COME OUT AND WORSHIP” (Exodus 3:1-12)