31/12/2024
"Mas lumalaki ang ating halaga pag tayo ay nasa tamang lugar."
- President Russel Francisco
"Isama natin sa ating goals ngayong 2025 ang pag pasok sa Templo ng Diyos!"
- President Jose Apostol Busante Jr.
"Naway ang ating mga ginagawa at gagawin lalo na ngayong 2025 ay makakatulong sa atin marating ang dapat natin puntahan."
- President John Czyril Soliven
(December 29, 2024 Morong Branch Sacrament Meeting - Last Sunday of the year sacrament talks)
Ang Morong Branch Presidency po ay bumabati sa inyo ng Maligaya at Masaganang Bagong Taon! Naway paglalimin pa po natin ang ating pananampalataya, pagkilala, relasyon, at patotoo sa ating Mapagmahal na Ama sa Langit at sa ating Tagapagligtas na si Jesus Cristo. Sa pamamagitan ng mas pagsunod sa Kanyang mga kautusan, pagsisimba tuwing Linggo at pagsasaliksik sa Kanyang mga banal na kasulatan. Parati po namin kayo iniisip at pinagdarasal. Mahal po namin kayo. At gusto po namin patotohanan na mahal at lagi po tayong inaalala ng ating Ama sa Langit. Maraming salamat po sa inyong mga kapwa naming Disipulo ni Jesus Cristo!