20/11/2025
Sa pagsunod may pagpapala,
Sa pagsuway may pagtutuwid ng Ama
Pagkat ang Kanyang kamay na umaakay
Siya ring kamay na marunong magdisiplina.
Hindi upang tayoโy pahirapan,
Kundi upang tayoโy magising at mapalaan
Pagkat ang puso nating mapanglay at pagod,
Ay nais Niyang akayin pabalik sa Kanyang dako.
Kapag tayoโy sumusunod sa Kanyang tinig,
Ang landas ay nagiging payapaโt tahimik
May liwanag sa bawat hakbang,
At may kagalakang hindi kayang nakawin ninuman.
Ngunit kung tayoโy napalayo at naligaw,
Hindi Niya tayo pababayaan kailanman
Pag-ibig Niyaโy mas malakas kaysa sa ating pagkukulang
At ang Kanyang pagtutuwid ay tanda ng Kanyang pagmamahal.
O Diyos na tapat at puno ng habag,
Ikaw ang kumakatawan sa buhay na may layag
Sa unos man o katahimikan
Ikaw ang gabay, Ikaw ang daan.
Kayaโt sa pagsunod ko, Akoโy umaasa
Sa iyong salita, akoโy nagpapakumbaba.
At kung ako man ay muling magkamali
Alam kong ang Iyong biyaya ang sa akin ay sasalo muli.
Purihin ka, O Diyos na Buhay
Pag-ibig Moโy hindi nagmamaliw, hindi nagwawakas
Sa pagsunod may pagpapala
Sa pagsuway may pagtutuwid na naglalapit sa Iyo nang higit pa.