14/02/2024
๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ญ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ
๐๐ด๐ฉ ๐๐ฆ๐ฅ๐ฏ๐ฆ๐ด๐ฅ๐ข๐บ (๐๐ช๐ฐ๐ญ๐ฆ๐ต)
๐จ๐ก๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐
Joel 2, 12-18
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel
Sinasabi ngayon ng Panginoon:
โMataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin,
kayoโy mag-ayuno, managis at magdalamhati.
Magsisi kayo nang taos sa puso, hindi pakitang-tao lamang.โ
Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos.
Siyaโy may magandang-loob at puspos ng awa,
mapagpahinuhod at tapat sa kanyang pangako;
laging handang magpatawad at hindi magpaparusa.
Maaaring lingapin kayo ng Panginoon at bigyan ng masaganang ani.
Kung magkagayon, mahahandugan natin siya ng haing butil at alak.
Ang trumpeta ay hipan ninyo, sa ibabaw ng Bundok ng Sion;
iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat,
tawagin ninyo ang mga tao para sa isang banal na pagtitipon.
Tipunin ninyo ang lahat, matatandaโt bata,
pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.
Mga saserdote, kayoโy tumayo sa pagitan ng pasukan at ng dambana,
manangis kayoโt manalangin nang ganito:
โMahabag ka sa iyong bayan, O Panginoon.
Huwag mong tulutang kamiโy hamakiโt pagtawanan ng ibang mga bansa at tanungin,
โNasaan ang inyong Diyos?โโ
Pagkaraan, ipinamalas ng Panginoon na siyaโy nagmamalasakit sa kanyang bayan.
Ang Salita ng Diyos.
๐ฆ๐๐๐ ๐ข๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐จ๐ก๐๐ก
Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17
P**n, iyong kaawaan
kaming sa โyoโy nagsisuway.
Akoโy kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan koโy iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!
P**n, iyong kaawaan
kaming sa โyoโy nagsisuway.
Ang pagsalansang ko ay kinikilala,
laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang nagawa koโy di mo nagustuhan.
P**n, iyong kaawaan
kaming sa โyoโy nagsisuway.
Isang pusong tapat sa akiโy likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapaโy hโwag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.
P**n, iyong kaawaan
kaming sa โyoโy nagsisuway.
Ang galak na dulot ng โyong pagliligtas,
ibalik at ako ay gawin mong tapat.
Turuan mo akong makapagsalita,
at pupurihin ka sa gitna ng madla.
P**n, iyong kaawaan
kaming sa โyoโy nagsisuway.
๐๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐
2 Corinto 5, 20 โ 6, 2
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, akoโy sugo ni Kristo; parang ang Diyos na rin ang namamanhik sa inyo sa pamamagitan ko: makipagkasundo kayo sa Diyos. Hindi nagkasala si Kristo, ngunit dahil sa atin, siyaโy ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos sa pamamagitan niya.
Yamang kamiโy mga katulong sa gawain ng Diyos, ipinamamanhik namin sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ibinibigay sa atin ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya:
โSa kaukulang panahon ay pinakinggan kita,
Sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.โ
Tingnan ninyo! Ngayon na ang panahong nararapat! Ngayon ang araw ng pagliligtas!
Ang Salita ng Diyos.
๐๐ช๐๐ง ๐ฃ๐๐ ๐๐จ๐ก๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐จ๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐
Salmo 94, 8ab
Kapag ngayoโy napakinggan
ang tinig ng P**ng mahal,
huwag na ninyong hadlangan
ang pagsasakatuparan
ng mithi nโyaโt kalooban.
๐๐ผ๐ฝ๐๐๐๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ผ
Mateo 6, 1-6. 16-18
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โPag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit.
โKaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.
โAt kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.
โKapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na silaโy nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang nakaaalam nito. Siya, na nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim, ang gaganti sa iyo.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก
Miyerkules ng Abo
Patnubay sa Misa
Sa pagsisimula natin ng Panahon ng Kuwaresma, alalahanin natin ang ating mga pagkukulang, ang karahasan ng tukso, at ang pangangailangan natin ng tulong ng Diyos.
Baguhin Mo ang aming puso, O Panginoon!
Nawaโy ang Simbahan ay walang takot na manawagan sa lahat para sa pagbabalik-loob at mag-akay sa kanila sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, manalangin tayo!
Nawaโy lahat ng ating mga pinuno sa bayan at sa simbahan ay magdulot ng inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang kababaang-loob, kalinisan, at katapatan, manalangin tayo!
Nawaโy lahat ng mga magulang, g**o, at katekista ay makapag-punla sa kabataan ng katapatan sa tungkulin ayon sa motibong matuwid at marangal at hindi para mapuri ng balana, manalangin tayo!
Nawaโy lahat ng nang-aapi sa kapwa sa pamamagitan ng kanilang kapusukan, kasakiman, at kalupitan ay magtigil na sa kanilang masasamang gawi at matutong gumalang at magmahal sa kanilang kapwa, manalangin tayo!
Nawaโy lahat tayoโy magsimula sa Kuwaresmang ito tigib ng kababaang-loob, pagsisisi sa ating mga kasalanan, at kapasiyahang magbagong-buhay, manalangin tayo!
Panginoong Diyos, sa Iyoโy dumudulog kaming nagsisisi sa aming mga kasalanan at tapat na naghahangad ng pagbabago sa puso at isipan. Nawa ang aming buhay ay tuwinang maging pagbibigay-puri sa Iyo. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen!