08/05/2026
Sa Gawain ng Maria Ina ng Kapayapaan Kasiglahan Chapter, May 7, 2026, ginamit ng Panginoon si Bro. Henz Dignosanto bilang daluyan ng Kanyang Salita. Hinango niya ang mensahe mula sa John 14:15–21, at ito’y naging gabay at paalala sa lahat: na kahit magulo ang damdamin, nananatili ang utos, ang presensya, at ang ating identidad kay Kristo.
3 Puntos ang iniwan na paalala ni Bro. Henry mula sa tema na "Huwag kalimutan ang sinabi Ng Diyos kapag magulo na ang nararamdaman mo"
1. Remember His Command — Love is Still the Standard (v.15)
"If you love me, you will keep my commandments."
Kapag magulo na ang emotions—nasaktan ka, nagalit ka, natakot ka—unang nawawala ang pagsunod.
Pero paalala ni Hesus: hindi nagbabago ang tama kahit nagbabago ang nararamdaman mo.
👉 Kahit shaken ka, sumunod ka pa rin.
“Pero bakit nga ba hirap tayong sumunod kapag shaken? Kasi feeling natin mag-isa tayo…”
2. Remember His Presence — You Are Not Alone (v.16–18)
"I will not leave you orphaned…"
Kapag natatakot ka, parang wala si Lord.
Pero ang totoo: hindi Siya umalis—ikaw lang ang nawalan ng awareness.
👉 May Advocate.
👉 May Spirit.
👉 May presensya.
Hindi ka iniwan kahit ikaw ay nalilito.
“At kapag naalala mong hindi ka nag-iisa, may isang katotohanan pang mas malalim…”
3. Remember Your Identity — You Are in Him (v.20–21)
"You in me, and I in you."
Kapag shaken ka, nakakalimutan mo kung sino ka sa Diyos.
Hindi ka lang follower.
Hindi ka lang believer.
👉 Ikaw ay nakakabit kay Kristo.
At kahit magulo ka, hindi napuputol ang koneksyon na iyon.
Kapag shaken ka, madaling makalimot—
- makalimot sa utos,
- makalimot sa presensya,
- makalimot kung sino ka.
Pero ang paalala ni Hesus:
👉 Sumunod ka pa rin.
👉 Hindi ka nag-iisa.
👉 At hindi ka hiwalay sa Kanya.
Dahil kahit ikaw ay nanghihina, ang pangako Niya ay nananatili.
At sa huli, pasalamatan natin ang Panginoon sa tagumpay ng Kanyang gawain. Hindi ito tagumpay ng tao, kundi tagumpay ng Diyos na patuloy na gumagawa sa buhay ng bawat isa.
To God be the Glory!
Mapagpala nawa kayo ng Salita ng Diyos🙏
📷📝Sis. Gagai