Women's Christian Fellowship

Women's Christian Fellowship To provide inspiring words of God. And sharing His love and mercy. Proverbs 31:30
Favour is de

05/11/2024
10/09/2023

2 Corinto 3:16-18

Ngunit kung lalapit ang tao sa Panginoon, maaalis ang takip sa kanyang isipan. Ngayon, ang binabanggit ditong Panginoon ay ang Banal na Espiritu, at kung ang Espiritu ng Panginoon ay nasa isang tao, malaya na siya. At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Banal na Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya.

11/08/2023

Ito ang sulat ni Apostol Pablo sa aklat ng Roma 7:21-25

Ito ang natuklasan ko tungkol sa aking sarili: Kung ibig kong gumawa ng mabuti, hinahadlangan ako ng kasamaang likas sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso, nalulugod ako sa Kautusan ng Dios, pero may napapansin akong ibang kapangyarihan na kumikilos sa aking pagkatao, na sumasalungat sa pagsunod ko sa Kautusan na alam ko. Dahil dito, naging alipin ako ng kapangyarihan ng kasalanang likas sa aking pagkatao. Kawawa naman ako! Sino ang magliligtas sa akin sa makasalanan kong pagkatao na nagdudulot sa akin ng kamatayan? Salamat sa Dios, siya ang magliligtas sa akin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Ito ang aking kalagayan: Ang kaisipan ko ay nagpapasakop sa Kautusan ng Dios, pero ang aking makasalanang pagkatao ay nagpapasakop sa kapangyarihan ng kasalanan.

Ano nga ba ang kasamaang likas sa ating pagkatao na nagpapasakop sa kapangyarihan ng kasalanan.
Ito yung mga masamang pag-uugali ng mga tao.
1. Pride / pagmamalaki, pagmamayabang o pagmamataas.
2. Inggit
3. At marami pang iba.
Ang pagsunod sa Kautusan ng Dios ay hindi lamang nakabase sa dami o laki ng iyong ministry na iyong hinawakan o sa dami ng iyong ginagawa, hindi naka base kung palagi kang present sa loob ng simbahan, hindi nakabase kung magaling kang magpreach, magaling kang magturo, magaling kang tumugtug, magaling kang umawit, magaling kang sumayaw, o magaling kang manalangin kundi ito'y nakabase sa kabutihang loob ng puso ng mga tao. Kapag ang puso ng tao ay nagpapasakop sa Kautusan ng Dios makikita sa kanya ang Dakilang pag-ibig, kagandahan at kabutihang loob ng Dios. Makikita sa atin ang fruit of the holy spirit.

Manalangin tayo:
🙏Panginoon tulungan mo kaming wag madaya sa aming mga emotion. Turuan mo kami laging magpakumbaba. Basagin mo o Dios ang puso namin na likas na masama at palitan mo ng puso mo na puno ng kabutihan upang maging karapat-dapat kami sa aming pagsunod at paglilingkod sayo bilang mga anak mo. Loobin mo Panginoon na ang buhay namin ay maging Banal mong tahan, luklukan ng iyong wagas na pagsinta, daluyan ng walang hanggang mga papuri't pagsamba maghari ka oh Dios ngayon at kailanman sa bawat simbahan, sa bawat tahanan, sa bawat pamilya, sa lahat ng mga magulang, sa lahat ng mga kabataan, sa mga sanggol, mga matatanda, sa mga lalaki at babae, sa mga tumboy at sa mga bakla, sa lahat ng mga singles, mga balo, sa lahat ng mga haligi ng tahanan, sa lahat ng mga ilaw ng tahanan at sa lahat ng mga pastors, sa lahat ng mga doctors, mga teachers, sa mga evangelist, mga apostoles, sa mga propeta, sa mga couples, sa lahat ng relationship, sa lahat ng fellowship online at face to face, sa mga nag-aaral, sa mga naghahanap pa ng trabaho, sa mga nagtatrabaho, sa mga may negosyo, sa nagpa-planong magnegosyo, sa mga nagwork abroad, sa mga opisina, sa mga eskuwelahan, sa media, sa mga hospital, sa lahat ng lugar sa buong mundo, sa lahat ng aspeto ng aming buhay, sa lahat ng tao sa mga ministries at sa lahat ng mga responsibilities sa buhay. Sa Pangalan ni Jesus at sa Banal na Espiritu ng Dios mangyari nawa. Ito ang aking panalangin na may pasasalamat.♥️Amen🙏

10/08/2023

Title: Alipin Ng Katuwiran
Theme: Ang Katuwiran ay bunga ng pagsunod sa mga aral.
Verse: Mga Taga-Roma 6:17-18
Ngunit salamat sa Diyos, kayong dating mga alipin ng kasalanan ay taos pusong sumunod sa aral na ibinigay sa inyo. Pinalaya na kayo sa kasalanan at kayo ngayon ay mga alipin na ng katuwiran.

Ano ang aral na itinuturo sa atin ng Panginoon na dapat nating sundin para makita sa atin ang katuwiran.
Galacia 5:22-23
1. Mamuhay na may pag-ibig
2. Mamuhay ng may Kagalakan
3. Mamuhay na may kapayapaan
4. Mamuhay ng may pagtitiis
5. Mamuhay ng may kabutihan
6. Mamuhay ng may kagandahang loob
7. Mamuhay ng may katapatan
8. Mamuhay ng may kahinahunan
9. Mamuhay ng may pagpipigil sa sarili.

*Kapag ang mga ito ay maipapamuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.

*Ano nga ba ang pinaka buod ng buong Kautusan?
Sagot: Ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: " Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." Galacia 4:14

Paano naman natin maipapakita na mahal natin ang ating kapwa lalo na kung nasaktan natin sila?
At alam natin sa sarili natin na tayo ang naging dahilan ng pagkatisod ng kanilang pananampalataya? Ano ang dapat nating gawin?
✓ Magpakumbaba at malumanay na humingi ng tawad sapagkat ang paghingi ng tawad ay nakakapawi ng galit.
Kawikaan 15:4 Ang malumanay na pananalita ay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao, ngunit ang masakit na salita ay nakakasugat ng puso.
*Ano ang naging sanhi ng paglayo ng mga tao sa atin bilang isang leader?
1. Lumalayo sila marahil hindi na nila nararamdaman ang pagmamahal at pagtanggap sa kanila.
2. Lumalayo sila dahil ayaw nila ng magulong pagsasama.
3. Lumalayo sila dahil naghahanap sila ng komportable at masayang pagsasama na may respeto sa isa't-isa.

Paraan ng masayang pagsasama:
Roma 12:9-10 Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa.
Galacia 4:15 Ngunit kung patuloy kayong mag-aaway-away na parang mga hayop, baka tuluyan na ninyong masira ang Buhay ng isa't-isa.

Pinakamabisang paraan para sa masayang buhay at masayang pagsasama.
✓Roma 12:14-18
14. Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain.

15. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis.

16. Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong.

17. Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat.

18. Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.

🙏I decree and declare that the power of salvation, healing, commitment, desire, humbleness, forgiveness, happiness, peace, joy and love to reign to all churches all over the world in Jesus name🙏

21/02/2023

Dear God, strengthen our faith in You so that when we face hardships, or even death approach, we can sing confidence about your LOVE. 🙏

Address

Montalban
1860

Opening Hours

Monday 4am - 9pm
Tuesday 4am - 10pm
Wednesday 4am - 10pm
Thursday 4am - 10pm
Friday 4am - 10pm
Saturday 4am - 10pm
Sunday 6am - 10pm

Telephone

+639301793218

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Women's Christian Fellowship posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Women's Christian Fellowship:

Share