16/01/2026
OMPH GOES TO BULACAN THIS TIME!
Magandang araw, mga Kaparokya!
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating Lenten Pilgrimage na gaganapin sa ika-21 ng Marso, 2026 (Sabado). Sama-sama po nating pagnilayan ang Mahal na Araw sa pagbisita sa mga makasaysayang simbahan sa lalawigan ng Bulacan.
Mga Simbahang Bibisitahin:
Our Lady of Mt. Carmel Parish (Barasoain Church, Malolos City)
Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica (Malolos Cathedral)
Saint John the Baptist Parish (Calumpit, Bulacan)
Saint Augustine Parish (Baliuag, Bulacan)
Saint James the Apostle Parish (Plaridel, Bulacan)
National Shrine of the Divine Mercy (Marilao, Bulacan)
Saint Francis of Assisi Parish (Meycauayan City)
San Pascual Baylón Parish (Obando, Bulacan)
📌 Para sa iba pang detalye at pagpapalista, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa:
PPC Officers
BPC Presidents sa inyong barangay
Parish Office o magpadala ng mensahe sa page na ito.
🧾Magkano ang babayaran?
Php 1,200 lamang po. May kasama na pong cotton Tshirt.
📝 Paalala:
Kung sino po ang unang makapagpalista at makapagbayad, sila po ang mauupo sa unahang bahagi ng sasakyan. First come, first served po.
Maraming salamat po at nawa’y maging makahulugan ang ating sama-samang paglalakbay ng pananampalataya.