04/08/2026
ππππππππππ πππ-πππ ππ πππππππππππ ππ ππππππππππππ ππ πππππππ π
πππππππ πππππππππππππ!
ππ
π: πππππ πππππππππ ππππππππ ππ πππππ πππππ πππππππππ
Ngayong Agosto 3, ating ginugunita ang ika-124 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Iglesia Filipina Independiente (IFI). Isang simbahang isinilang mula sa mithiin ng sambayanang Pilipino na magkaroon ng isang simbahang tunay na malaya, makabayan, at naglilingkod sa sariling bayan.β€οΈβπ΅π
Noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, ang simbahan at pamahalaan ay mahigpit na magkaugnay. Ang kapangyarihan ng mga orden ng prayle sa buhay panrelihiyon at panlipunan ay naging isa sa mga naging sanhi ng mga panawagan para sa reporma at, kalaunan, ng himagsikang Pilipino. Matapos ang pagbabago ng kolonyal na pamahalaan noong 1898, nanatili ang hangarin ng maraming Pilipino na magkaroon ng isang simbahang pinamumunuan ng mga Pilipino. Isang simbahang malaya sa kolonyal na pamamahala ngunit nananatiling tapat sa pananampalatayang Kristiyano at sa Ebanghelyo ni Hesukristo.
Sa ganitong diwa, noong Agosto 3, 1902, sa isang makasaysayang pagpupulong ng Union Obrera Democratica (UOD), ang kauna-unahang pambansang pederasyon ng mga samahan ng manggagawa sa Pilipinas, sa pamumuno ni Don Isabelo de los Reyes, Sr., ipinahayag ang pagtatatag ng Iglesia Filipina Independiente. Ang proklamasyong ito ay hindi lamang bunga ng damdaming makabayan, kundi ng panawagang magkaroon ng isang simbahang nagsusulong ng dignidad ng tao, katarungan, at paglilingkod sa sambayanan. Tinanggap ni Gregorio Aglipay ang tungkuling maging unang Obispo Maximo, at sa kanyang pamumuno ay naitatag ang pundasyon ng isang simbahang Pilipino na nakaugat sa pananampalataya at may malasakit sa lipunan.
Sa loob ng 124 na taon, nananatiling mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang Iglesia Filipina Independiente. Patuloy nitong ipinahahayag ang mabuting balita habang isinusulong ang kalayaan, karapatang pantao, katarungang panlipunan, kapayapaan, at pangangalaga sa dignidad ng bawat tao. Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, ipinapaalala ng IFI na ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang ipinapahayag sa mga salita, kundi isinasabuhay sa paglilingkod at pakikiisa sa sambayanan.
Sa paggunita sa makasaysayang araw na ito, nawa'y manatiling buhay sa ating puso ang pamana nina Don Isabelo de los Reyes, Sr., Obispo Maximo Gregorio Aglipay, at ng mga manggagawang nagtipon sa ilalim ng Union Obrera Democratica. Isang pamana ng pananampalatayang nagpapalaya at naglilingkod.
Maligayang ika-124 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Iglesia Filipina Independiente!
Mabuhay ang Iglesia Filipina Independiente! Mabuhay ang Sambayanang Pilipino! Pro Deo et Patria! πβπ΅π