24/08/2026
KAPISTAHAN NI SANTA MONICA
Buong galak at taos-puso naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ni Santa Monica na gaganapin sa Brgy. Sta. Monica, Moncada, Tarlac. Ang mga Banal na Misa ay pangungunahan ng ating Kura Paroko, Reb. Padre Rowel L. De Guzman.
Iskedyul ng mga Banal na Misa:
TRIDUUM MASSES
August 24–25, 2026 || 5:00 PM
August 26, 2026 || 4:00 PM
FEAST DAY MASS
August 27, 2026 || 9:00 AM
Nawa’y sa pagdiriwang na ito ay higit pang mapatatag ang ating pananampalataya, mapalalim ang ating pagkakaisa bilang sambayanang Kristiyano, at magsilbing inspirasyon sa atin ang halimbawa ng kabanalan, pagtitiyaga, at matibay na pananampalataya ni Santa Monica.
Kita-kita tayo, mga Ka-parokya!