Sto. Niño de Molino Parish

Sto. Niño de Molino Parish The Official page of the Sto. Niño de Molino Parish

HOME-MILY | Ika-21 Linggo sa Karaniwang PanahonAgosto 23, 2026 | LinggoMateo 16, 13-20“Go Back to Prayer. All of us have...
24/08/2026

HOME-MILY | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Agosto 23, 2026 | Linggo

Mateo 16, 13-20
“Go Back to Prayer.
All of us have power. Kapag hindi tayo nagdasal, that power, even big or small, that power given to us, maybe we will abuse it. So, don't abandon prayer. The one who prays is guided by what the will of God is.”

Rev. Fr. Conrado N. Amon
Kura Paroko

Ika-21 Linggo sa Karaniwang PanahonMABUTING BALITAMateo 16, 13-20Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoNoon...
23/08/2026

Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PISTANG EZEKIEL 2026 | BANAL NA MISATingnan | Mga larawang kuha sa Banal na Misa na pinangunahan ng Kura Paroko, Rdo. Pa...
23/08/2026

PISTANG EZEKIEL 2026 | BANAL NA MISA

Tingnan | Mga larawang kuha sa Banal na Misa na pinangunahan ng Kura Paroko, Rdo. Padre Conrad Amon, bilang parangal kay San Ezekiel Moreno, patron ng mga may sakit na kanser. Ginanap din ang pagbabasbas ng mga imahen ng mga santo mula sa iba’t ibang kapilya.

“San Ezekiel, nag-aakay sa atin sa pakikinig at sama-samang paglalakbay.”

23/08/2026

𝟐𝟏𝐒𝐓 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐈𝐍 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐑𝐘 𝐓𝐈𝐌𝐄
𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗜𝗡𝗚:
Isaiah 22:19-23
𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗢𝗥𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗦𝗔𝗟𝗠:
"Lord,your love is eternal do not forsakethe work of your hands”
𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗜𝗡𝗚:
Romans 11: 33-36
𝗚𝗢𝗦𝗣𝗘𝗟:
Matthew 16:13-20

PISTANG EZEKIEL 2026 | MISA MAYORTingnan | Mga larawang kuha sa pagdiriwang ng Banal na Misa Mayor, sa pangunguna ng ati...
23/08/2026

PISTANG EZEKIEL 2026 | MISA MAYOR

Tingnan | Mga larawang kuha sa pagdiriwang ng Banal na Misa Mayor, sa pangunguna ng ating minamahal na Obispo ng Imus, Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., bilang parangal kay San Ezekiel Moreno, mahal na patron ng Sto. Niño de Molino at patron ng mga may sakit na kanser.

“San Ezekiel, nag-aakay sa atin sa pakikinig at sama-samang paglalakbay.”

23/08/2026

𝐈𝐊𝐀-𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐌𝐏𝐔'𝐓 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍

𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐬𝐚:
Isaias 22, 19-23

𝐒𝐚𝐥𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐠𝐮𝐧𝐚𝐧:
"Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap."

𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐬𝐚:
Roma 11, 33-36

𝐄𝐛𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐥𝐲𝐨:
Mateo 16, 13-20

21/08/2026

BANAL NA MISA || DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN EZEKIEL MORENO, OBISPO
Patron ng Parokya ng Sto. Nino de Molino

AGOSTO 19, 2026 | 4:00 PM


Araw ng Pagdedebosyon kay San Ezekiel Moreno, patron ng mga maysakit na kanser at patron ng ating parokya.TINGNAN | Mga ...
20/08/2026

Araw ng Pagdedebosyon kay San Ezekiel Moreno, patron ng mga maysakit na kanser at patron ng ating parokya.

TINGNAN | Mga larawang kuha mula sa Pagnonobena kay San Ezekiel na sinundan ng Banal na Misa at pagpuputong ng Relikya ni San Ezekiel Moreno.

Ating ipanalangin ang lahat ng nagdurusa sa kanser at iba pang may malubhang karamdaman. Nawa sa tulong ni San Ezekiel, pagkalooban sila ng ating Diyos ng lakas, pag-asa, at kagalingan.

Halina sa Parokya ng Sto. Niño de Molino at mamintuho sa ating patron tuwing Huwebes.

5:30pm - Nobena
6:00pm - Banal na Misa
Mayroong Pagpapatong sa Ulo ng Relikya Pagkatapos ng Misa
*Mapapanood nang live sa ating page

20/08/2026

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐄𝐃𝐄𝐁𝐎𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐄𝐙𝐄𝐊𝐈𝐄𝐋 𝐌𝐎𝐑𝐄𝐍𝐎

20/08/2026

𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 || DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN EZEKIEL MORENO, OBISPO
Patron ng Parokya ng Sto. Nino de Molino

AGOSTO 19, 2026 | 9:00 AM


Address

Avenida Rizal Street , Bahayang Pag-Asa Subdivision, Molino V, Bacoor City, Cavite
Molino

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño de Molino Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share