08/05/2022
Pagpupugay sa lahat ng mga Ina at tumatayong Ina!πππ
Sila ung minsan nating pinaiyak, ay hindi pala minsan kundi madalas, sa anong dahilan? Sa dami, di ko na matandaan.
Sila na ung kahit paborito niyang pagkain ang nakahain sa mesa, na kahit isusubo niya na lang sa atin pa ilalaan.
Sila na nagturo ng mabuting asal sa atin, na sa tuwing nakikita o naririnig tayong nawawalan ng mabuting asal, tandaan na sila ay nasasaktan din.
Sila na laging takot, laging may takot sa puso pagkat kanyang laging inaalala ang kalusugan at kaligtasan natin.
Ung di makatulog hangga't wala ka tahanan at sa iyong pagdating, sisilipin kung nahimbing na iyong higaan.
Sa lahat ng aspeto kanilang uunahin ating kapakanan, di bale nang siya ang huli basta ika'y di mapag iwanan.
Sila na alam sa kanilang mga puso na di sila perpekto subalit sa pagiging magulang natin, sasang-ayon ba kayo? Na sila'y bukod tangi sa ating mga puso?
Hindi lang siyam na buwan nila tayong dinala sa kanilang sinapupunan, kundi hanggang sa ngaun karga karga pa rin nila tayo di man sa kanilang kandugan kundi sa puso at isipan.
Sina Mamang, Mama, Nanay, Inang, Mommy, Mudra at sa ano pa mang tawag natin sa kanila, ay paulit ulit na gagawin ang mga ito ng walang kapaguran. Pagka't kanilang pagmamahal sa atin ay walang sukatan.
Kaya sa ating lahat, lalo na sa mga anak na tulad ko, atin silang pasalamatan . Sa araw na ito atin silang parangalan sa kanilang natatanging serbisyo na 'di pangkaraniwan.