24/01/2026
PANALANGIN KAY MAHAL NA POONG HESUS NAZARENO
Panginoong Hesus Nazareno, Ikaw ang aming gabay at tanglaw sa bawat hakbang na aming tatahakin. Patnubayan Mo kami sa mga pagsubok ng buhay, at iligtas Mo kami sa bawat sakuna at panganib.
Mahal na Poong Hesus Nazareno, sa Iyong dakilang pagmamahal at awa, amin pong tinatawag ang Iyong pangalan upang ipahayag ang aming pangangailangan. Tanggapin Mo po ang aming mga dasal At ilapit Mo kami sa Iyong banal na presensya.
Mapagmahal na Hesus Nazareno, tinatanggap namin ang Iyong kalooban at buong pusong ipinagkakatiwala sa Iyo ang aming mga pangarap at pangaral. Aming Panginoong Hesus Nazareno, amin pong itanghal ang aming pagmamahal.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo,
Amen.
SAMAHANG GABAY NG POONG HESUS NAZARENO
Bisita ng Saluysoy, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan