SNP - Ministry of the Altar Servers

SNP - Ministry of the Altar Servers
Official page of the Ministry of Altar Servers - Santo Niño Parish, Meycauayan City, Bulacan

Knights of the Altar is an organization who aims to serve God by being an altar server. Moreover, Knights of the Altar sets a good example of humble servant hood and response to God's call of service.

30/08/2026
Mula sa Ministry of the Altar Servers, kami ay taos-puso bumabati sa ating kapatid sa paglilingkod sa kanyang pagtatapos...
28/08/2026

Mula sa Ministry of the Altar Servers, kami ay taos-puso bumabati sa ating kapatid sa paglilingkod sa kanyang pagtatapos.

Tulad ni San Tarcisio na nanatiling tapat at matatag sa kanyang pananampalataya at paglilingkod, nawa’y maging inspirasyon mo rin siya sa bawat bagong hakbang na iyong tatahakin. Dalangin namin na patuloy kang gabayan ng Panginoon at pagpalain sa lahat ng iyong mga pangarap at mithiin.

Maligayang pagbati sa iyong pagtatapos!

“Your efforts will not be put into waste.”— Ms. Candy PangilinanSa bawat pagsisikap at paglilingkod, walang nasasayang. ...
17/08/2026

“Your efforts will not be put into waste.”
— Ms. Candy Pangilinan

Sa bawat pagsisikap at paglilingkod, walang nasasayang. Nakikita ng Panginoon ang laman ng ating puso at ang bawat kabutihang ating ginagawa.

Maraming salamat, Ms. Candy, sa mensaheng nagbibigay-inspirasyon sa ating mga tagapaglingkod.



“To serve is not a task, it is a privilege.”— Fr. Rex PolintanAng paglilingkod ay hindi lamang isang tungkulin, kundi is...
17/08/2026

“To serve is not a task, it is a privilege.”
— Fr. Rex Polintan

Ang paglilingkod ay hindi lamang isang tungkulin, kundi isang pribilehiyo at biyayang ipinagkakatiwala sa atin ng Diyos.

Maraming salamat, Fr. Rex, sa makabuluhang paalala na ang bawat pagkakataong makapaglingkod ay dapat pahalagahan at ialay sa Panginoon.



PART 3 | 2ND SPEAKERSa ikalawang panayam, pinangunahan ni Ms. Candy Pangilinan ang isang makabuluhang Inspirational Talk...
17/08/2026

PART 3 | 2ND SPEAKER

Sa ikalawang panayam, pinangunahan ni Ms. Candy Pangilinan ang isang makabuluhang Inspirational Talk para sa ating mga tagapaglingkod sa dambana.

Sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi, pinaalalahanan niya tayo na sa kabila ng mga hamon at pagsubok, patuloy tayong magtiwala sa Diyos, pahalagahan ang ating sarili, at gamitin ang ating mga kakayahan upang maging inspirasyon at pagpapala sa iba.

📸 SocCom Sto Niño Parish - Sangtinig



PART 2 | 1ST SPEAKERNagsimula ang unang panayam sa pangunguna ni Rev. Fr. Rex Andrian E. Polintan. Sa kanyang makabuluha...
17/08/2026

PART 2 | 1ST SPEAKER

Nagsimula ang unang panayam sa pangunguna ni Rev. Fr. Rex Andrian E. Polintan. Sa kanyang makabuluhang talakayan, ibinahagi niya ang mga tungkulin at gampanin ng mga tagapaglingkod, gayundin ang mga alituntunin sa paglilingkod at hygiene na mahalaga sa isang tagapaglingkod.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng disiplina, pagiging maayos, kalinisan, at wastong asal bilang bahagi ng pagiging isang mabuting tagapaglingkod sa altar.

Isang makabuluhang paalala na ang paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa ginagawa natin sa altar, kundi pati na rin sa paraan ng ating pagdadala ng sarili bilang lingkod ni Kristo.

📸 SocCom Sto Niño Parish - Sangtinig



PART 1 | GENERAL ASSEMBLY 2026Nagsimula ang programa sa Opening Remarks na pinangunahan ng ating Kura Paroko, Rev. Msgr....
17/08/2026

PART 1 | GENERAL ASSEMBLY 2026

Nagsimula ang programa sa Opening Remarks na pinangunahan ng ating Kura Paroko, Rev. Msgr. Andres S. Valera, at ng Pangulo ng ating samahan, Sean Gabriel O. Altoveros.

Sinundan ito ng masiglang Animation mula sa Parish Commission on Youth, na naghatid ng saya at enerhiya sa lahat ng dumalo.

Binigyang-pugay rin ang mga natatanging lingkod sa pamamagitan ng Special Awards, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at patuloy na paglilingkod sa ating ministry.

📸 SocCom Sto Niño Parish - Sangtinig



Address

Brgy Camalig
Meycauayan
3020

Telephone

+639268240490

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SNP - Ministry of the Altar Servers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share