13/07/2026
โHindi boring maging kabataan ng Parokya.โ Katagang laging sinasabi ng mga kabataang naglilingkod sa isang parokya. Ngunit paano nga ba mapapatunayan ng mga kabataan ni San Jose ang mga salitang ito?
Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang simulan ng kabataan ni San Jose ang kanilang preparasyon para sa isang panimpalak na kanilang sinalihan sa Vicarial Youth Day ng Bikarya ng Meycauayan. Dito nilaan ng mga kabataan ang kanilang huling buwan ng bakasyon.
Sa loob ng isang araw, may kailangang gawin nilang tatlong bagay: una, tumulong sa simbahan para sa simba-aralan, pangalawa, mag-practice ng kanilang sayaw, at pangatlo, gumawa ng props. Araw-araw nilang ginagawa ang lahat ng ito, kasabay ng pagbuga ng init ng panahon ay ang pagbuga ng mga talento ng bawat kabataan dito.
May mga taong akala natin kilala natin ang buong pagkatao, pero may tinatago palang talento, at dahil sa gawaing ito, kilala ang mga kabataan sa kani-kanilang talento.
May mga kabataang magaling pa lang sumayaw katulad nina Regh, Tan, Zack, Mckinly, Johan, Adrian, Phia, Marcie, Calix, Karla, Betina, at Tine.
May mga kabataan naman na magaling na lumikha ng ibaโt ibang bagay mula sa mga karton, plastic, papel, tarpaulin, at iba tulad nina Janna, Cherry, Catcat, Ching, Julie, Yassi, Alec, Chanty, Clark, Rio, Marco, Tine, Phia, Marcie, Mckinly, Marian at Marice.
May mga kabataang magaling manahi tulad nina Phia, Marcie, Tine at Marice.
May kabataan ring magaling na maghanap ng mga resources para makatulong, katulad nina Lyane at Macky.
May mga magagaling na mag-make-up tulad nina Janna, Cherry, at Marian.
May magaling magpinta tulad nina Carmela, Regh, Sophia, at Mark.
May magagaling magturo tulad nina Kuya Ced, Ate LA, Regh, Mark, at Tan.
Mga kabataan na handang ibigay ang kanilang talento at kakayahan para ipagmalaki ang kanilang parokya.
Isang malaking tagumpay sa kanila ang mabuo ang magandang pagsasama. Higit pa sa medalya at tropeo ang kanilang nakamit sa pagpapakita ng kanilang talento at pagkakaisa.
Hindi boring maging kabataan ni San Jose kung buong puso ay iaalay sa Diyos.