Parokya ng San Francisco ng Assisi-Meycauayan

Parokya ng San Francisco ng Assisi-Meycauayan Ang opisyal na page ng Parokya ng San Francisco ng Assisi sa Meycauayan.

25/08/2026

Ika-25 ng Agosto
Paggunita kay SAN LUIS DE FRANCIA, Kasaping Hari at Patron ng Tercera Orden Franciscana

Anak siya ni Haring Luis VIII ng Francia at ng Kastilang si Reyna Blanca. Naging hari siya sa gulang na 12 nang mamatay ang kanyang ama at pansamantalang humalili si Reyna Blanca bilang rehente. Ipinakasal siya kay Margarita ng Provenza sa gulang na 20. Tinagurian si Luis na “Rex Christianissimus” o ang Pinakakristiyanong Hari dahil sa maka-Diyos niyang pamumuno. Dahil sa sulat niya sa kanyang panganay at tagapagmanang si Felipe, kung saan hinikayat niya ito na panatilihin ang katapatan sa Roma at huwag makipagdigmaan sa mga kapwa Kristiyano, itinuturing din si Luis na huwaran ng pagiging mabuting ama at lider. Pinamunuan niya ang Krusada sa Jerusalem upang bawiin ito mula sa mga di-binyagan. Siya ang nakatuklas at nag-uwi sa koronang tinik ng Panginoon sa Paris at ipinagpatayo ng simbahan na kilala ngayon bilang Sainte-Chapelle.

Tagapangalaga: Pamilya nina Gng. Marilou Sangalang-Sales at ng yumaong Santiago Sales Jr.

[Larawan ni Nykko Santos]

Parokya ng San Francisco ng Assisi-Meycauayan




🌹 ROSAS KAY MARIA 🌹Isang bulaklak,isang panalangin,isang pusong nagmamahal.Isang munting handogsa kanyang kaarawan.Inaan...
25/08/2026

🌹 ROSAS KAY MARIA 🌹

Isang bulaklak,
isang panalangin,
isang pusong nagmamahal.
Isang munting handog
sa kanyang kaarawan.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa “Rosas Kay Maria” bilang bahagi ng ating paghahanda at pagdiriwang ng Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria (Niña María) sa Setyembre 8, 2026.

Sa halagang ₱100 bawat rosas, maaari ninyo itong ialay kay Maria bilang tanda ng inyong:
🌹 Panalangin
🌹 Pasasalamat
🌹 Kahilingan
🌹 Pag-ibig at debosyon

Ang bawat rosas ay iaalay pagkatapos ng Banal na Misa (mula September 5 hanggang 8, alas-siete ng umaga) bilang isang panalangin para sa inyong mga personal na intensyon at mga mahal sa buhay.

Sa pamamagitan ng munting alay na ito, sama-sama nating maipakita ang ating pagmamahal kay Maria at ang ating pakikiisa sa pagdiriwang ng kanyang kapanganakan.

Ang malilikom mula sa Rosas Kay Maria ay makatutulong sa mga gastusin at gawain para sa Feast of Niña María, gayundin para sa pagpapaayos ng bubong ng simbahan at pondo ng Marian groups.

Para sa mga nais mag-alay, maaaring makipag-ugnayan sa Hermandad de la Virgen delos Ángeles o sa mga kinatawan o miyembro ng Marian Groups.

Maraming salamat po sa inyong bukas-pusong pakikiisa at suporta.

Nawa'y tanggapin ni Maria ang bawat rosas bilang alay ng ating puso at dalangin.

Viva Niña Maria de Meycauayan!
Viva la Virgen Maria!







CAKE RAFFLE PARA KAY NIÑA MARÍA 🎂🌹Tara na at makiisa sa ating Cake Raffle bilang bahagi ng masayang pagdiriwang ng Kapis...
25/08/2026

CAKE RAFFLE PARA KAY NIÑA MARÍA 🎂🌹

Tara na at makiisa sa ating Cake Raffle bilang bahagi ng masayang pagdiriwang ng Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria (Niña María) ngayong Setyembre 8, 2026!

Sa bawat tiket na inyong bibilhin, bukod sa pagkakataong manalo ng masasarap na cake ay makakatulong din kayo sa ating mga gawaing pangsimbahan at sa paghahanda para sa makabuluhang pagdiriwang na ito.

🎟️ Ticket Price: ₱10.00
🎫 Per Bundle: ₱100.00

🎂 5 Major Cake Prizes
🎁 10 Consolation Prizes
🍰 5 Bento Cakes para sa mga solicitor ng limang (5) Major Prize Winners

Kumuha na ng inyong mga tiket at makiisa sa gawaing ito! 🎟️

Ang bawat suporta—maliit man o malaki—ay malaking ambag upang maging mas matagumpay, masaya, at makabuluhan ang ating pagdiriwang para kay Niña María.

Bahagi ng pondong malilikom ay ilalaan para sa mga gastusin at gawain kaugnay ng Kapistahan ni Niña María, habang ang ilang bahagi nito ay ilalaan para sa pagpapagawa ng bubong ng ating simbahan at sa pondo ng Marian Groups.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta, pakikiisa, at pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria. Nawa’y ang munting ambag ng bawat isa ay maging bahagi ng isang mas makabuluhang pagdiriwang ng kanyang kapanganakan. 🌹

Makiisa. Suportahan. Manalo. Magpasalamat. ❤️

Viva Niña María!
Viva la Virgen María!







𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃! Ipinapaabot po namin ang aming taos-pusong paghingi ng paumanhin sa hindi pag-live stream ng Banal n...
23/08/2026

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃!

Ipinapaabot po namin ang aming taos-pusong paghingi ng paumanhin sa hindi pag-live stream ng Banal na Misa ngayun ika- 9 ng Umaga dahil sa technical issue na nararanasan sa Facebook.

Maraming Salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. Nawa’y pagpalain po tayong lahat ng Panginoon.





23/08/2026

LIVE: BANAL NA MISA SA IKA-DALAWANGPUT ISANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON | | AGOSTO 23, 2026 (9:00 N.U.)

Ang Banal na Misa ay pangungunahan ni RDO. P. Edmundo Santos Kura Paroko ng ating Parokya

=============================
Disclaimer:
We do not own the music featured in this video. All rights belong to its rightful owners. No copyright infringement intended.
I-like at i-follow ang ating mga social media accounts:
page: Parokya ng San Francisco ng Assisi-Meycauayan
YouTube Channel: Parokya ng San Francisco ng Assisi-Meycauayan
TikTok:
Instagram:





PAGBATI MULA SA PAROKYA NG SAN FRANCISCO NG ASSISI SA IKA-7 TAONG CANONICAL INSTALLATION ANNIVERSARY NI BISHOP DENNISIpi...
21/08/2026

PAGBATI MULA SA PAROKYA NG SAN FRANCISCO NG ASSISI SA IKA-7 TAONG CANONICAL INSTALLATION ANNIVERSARY NI BISHOP DENNIS

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Simbahan sa Diyosesis ng Malolos ang ika-pitong anibersaryo ng Canonical Installation ni Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D., ang ating ikalimang Obispo.

Ang buong pamayanan ng Parokya ng San Francisco ng Assisi ay nakikiisa sa pagdiriwang na ito. Sa loob ng pitong taon ng pamumuno bilang pastol, naging gabay siya sa pagpapalago ng ating pananampalataya, pag-asa, at paglilingkod.

Ating alalahanin sa ating mga panalangin ang kanyang patuloy na paglilingkod, nawa ay pagkalooban pa siya ng P**ng Maykapal ng karunungan, lakas, at sapat na biyaya sa pagtupad ng kanyang tungkulin.





20/08/2026

Ika-19 ng Agosto
Paggunita kay SAN LUIS DE TOLOSA, Kasaping Prinsipe at Obispo ng Primera Orden Franciscana

Anak siya ng Haring Carlos II ng Nápoles at ng Reyna Maria ng Ungria na mga kamag-anak ng Haring San Luis ng Francia at ng Reyna Isabel ng Ungria. Nang mamatay ang kanyang kuya dahil sa peste, si Luis ang naging tagapagmana sa trono ng kanyang ama ngunit mas pinili niyang sumapi sa mga Franciscano. Sa edad na 22 anyos, ginawa siyang Obispo ng Tolosa sa Francia, na pinamunuan niya nang may kabutihan sa loob ng anim na buwan hanggang sa siya ay mamatay.

Tagapangalaga: Pamilya nina Gng. Marilou Sangalang-Sales at ng yumaong Santiago Sales Jr.

[Larawan ni Nykko Santos]

Parokya ng San Francisco ng Assisi-Meycauayan




DALAW SAN FRANCISCOCANCELLED / KINANSELAMagandang Araw po sa lahat,Pax et Bonum Pansamantala pong *IPAGPAPALIBAN ANG DAL...
19/08/2026

DALAW SAN FRANCISCO
CANCELLED / KINANSELA

Magandang Araw po sa lahat,

Pax et Bonum

Pansamantala pong *IPAGPAPALIBAN ANG DALAW PATRON NA NAKATAKDA NGAYONG BUWAN* dahil na rin sa tuloy tuloy na pagulan, pagbaha, at pagkakansela ng mga pa*ok. Gayunpaman ito ay iminungkahing ilipat sa buwan ng Setyembre. Ang ibang detalye ay ilalahad sa mga susunod na araw.

Idalangin natin sa ating patron Amang Francisco ng Assisi at kay Inang Sta. Clara ng Assisi ang pagbuti ng panahon.

Maraming Salamat po.
Manatiling ligtas po ang lahat.





DALAW SAN FRANCISCO 2026Magandang Araw po sa lahat. Pax et bonumSa Ika-19 ng Agosto, Miyerkules. *Kung walang suspensyon...
18/08/2026

DALAW SAN FRANCISCO 2026

Magandang Araw po sa lahat.

Pax et bonum

Sa Ika-19 ng Agosto, Miyerkules. *Kung walang suspensyon ng klase* Ang Imahen po ng ating Patron ay mangagaling sa *ating Parokya* patungong *Sophia School*.

Mga Samahang Aagapay
1. Knights of Columbus
2. Solo Parents
3. Calvario SPPC
4. Catholic Women's League

Oras ng pagtitipon sa Parokya
7:30 ng Umaga

Oras ng Paglakad ng Prusisyon Patungong Sophia School
8:00 ng Umaga

Banal na Misa sa Paaralan
9:00 ng Umaga

Sa mga sasama po mula sa Fiesta Committee mag puti po tayo.
Salamat po





MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW | AGOSTO 18UNANG PAGBASAEzekiel 28, 1-10Pagbasa mula sa aklat ni propeta EzekielSinabi sa akin ...
18/08/2026

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW |
AGOSTO 18

UNANG PAGBASA
Ezekiel 28, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel
Sinabi sa akin ng Panginoon: “Tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro na ito ang ipinasasabi ko sa kanila: Sa iyong kapalaluan ay sinabi mong isa kang diyos. Nakaluklok kang parang diyos sa gitna ng karagatan bagamat ang totoo’y hindi ka diyos kundi tao lamang. Pinipilit mong abutin ang isipan ng isang diyos. Akala mo’y matalino ka pa kay Daniel. Akala mo’y alam mo ang lahat ng bagay kahit pa anong lihim. Sa dunong mo’t kaalaman ay nagkamal ka at nakapagbunton ng pilak at ginto. Sa iyo ngang nalalaman sa larangan ng kalakal, patuloy na lumaki ang iyong kayamanan. Dahil dito, naging palalo ka. Kaya naman ito ang ipinasasabi ng Diyos na Panginoon: Pagkat pilit mong ipinapantay sa Diyos ang sarili, ipalulusob kita sa pinakamalupit na kaaway sa daigdig. Wawasakin nila ang lahat ng ari-arian mo na pawang kinamtan sa tusong pamamaraan. Ihuhulog ka niya sa lalim na walang hanggan, papatayi’t ihahagis sa pusod ng dagat. Sa harap kaya ng mga papatay sa iyo ay masabi mo pang ikaw ay diyos? Noon mo malalamang ikaw pala ay tao lamang at may kamatayan. Parang a*o kang papatayin ng mga dayuhan. Akong Panginoon ang may sabi nito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Deuteronomio 32, 26-27ab. 27kd-28. 30. 35kd-36ab

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Ipinasya ko nang sila’y lipulin
at pawiin sa alaala ng madla.
Ngunit di ko tutulutan ang kanilang kaaway
ay maghambog at sabihing:

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

“Kami ang lumupig sa kanila,
at hindi ang Diyos nila.
Mahina ang pang-unawa ng Israel
at sila’y maituturing na bansang mangmang.”

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Paanong ang sanlibo ay matutugis ng isang tao
at mapipigilan ng dalawa ang sampunlibo?
Sila’y pinabayaan ng Diyos na P**n,
itinakwil na sila ng kanilang dakilang Diyos.

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Darating ang araw ng aking paniningil at paghihiganti,
hanggang sa sila’y humapay at mabuwal
pagkat ang wakas nila ay malapit na.
Ililigtas ng P**n ang kanyang bayan
siya’y mahahabag sa mga maglilingkod sa Kanya.

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

ALELUYA
2 Corinto 8, 9

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 19, 23-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos! At sinasabi ko rin sa inyo: madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.” Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kaya’t naitanong nila. “Kung gayun, sino po ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”

At nagsalita si Pedro, “Tingnan po ninyo: iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin?” Sinabi sa kanila ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: kapag nakaluklok na ang Anak ng Tao sa kanyang maringal na trono sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay luluklok din sa labindalawang trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel. At ang sinumang magtiis na iwan ang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap ng makasandaang ibayo, at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming una na magiging huli, at maraming huli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinagmulan: awitatpapuri.com

Address

Poblacion
Meycauayan
3020

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ng San Francisco ng Assisi-Meycauayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share