26/05/2026
Kung ang presensya mo sa iyong trabaho, sa school, o komunidad ay hindi man lang nakakagambala sa kasalanan, BAKA SUMASABAY KA NA SA AGOS.
Ang totoong kristiano, DISRUPTIVE sila sa mundo –
• Kapag ang lahat ay nagnanakaw sa oras, at ikaw ay tapat—nadi-disrupt sila.
• Kapag ang lahat ay nagpapakalat ng tsismis, at ikaw ay nagtatanggol sa pangalan ng katabi mo—binabangga mo ang kadiliman nila, at magagalit sila.
• Kapag sila ay corrupt, at ikaw ay hindi – nagugulo ang sistema nila.
• Kapag ang lahat ay sumasabay sa maduming politika, tapos ikaw ay nagpopromote ng peace— nabubulabog sila!
Pansinin ninyo ang takbo ng politika sa Pilipinas ngayon—
Puno ng political drama, kanya-kanyang narratives or kwento para tabunan na yung major issues ng bansa. Ang daming girian sa gobyerno – parinigan, sisihan. At kanya-kanyang hilahan pababa para sa pansariling interes.
KUNG KRISTIANO KA, WAG NA TAYONG SUMABAY SA AGOS NG POLITIKA. WE MUST COUNTER THE POLITICAL CULTURE.
• Bakit nakikisama ka sa away nila eh kristiano ka?
• Hindi tayo lawyer ni Bato, at hindi rin tayo pulis ng ICC.
• Hindi po tayo ambassador ni BBM o ambassador ni Sarah. TAYO PO AY AMBASSADOR NI CRISTO!
Kung ambassador tayo ni Jesus, HINDI PO BAGAY SA ATIN ANG MAKIPAG-AWAY AT MANG-INSULTO. I-raise mo yung concern mo sa mabuti, tama, at kristianong paraan. At wag kang bumaba sa kultura ng maruming politika.
• Biro mo, ang trabaho ng lawyer ay magtanggol. Tapos ikaw, hindi ka naman lawyer pero yung lawyer na yung pinagtatanggol mo.
• Hindi naman tayo judge, pero ang bilis nating mag-judged.
Lesson:
MAGING THERMOSTAT TAYO AT HINDI THERMOMETER.
• Ang thermometer – sumasabay lang sa temperatura ng kwarto—kung mainit ang paligid, iinit din siya.
• Pero ang thermostat – SIYA ANG NAGDIDIKTA AT NAGBABAGO NG TEMPERATURA.
Ang tanong: Tayo ba ay sumasabay lang sa gulo, o tayo ang nagli-lead ng kabutihan at pagbabago? BE A COUNTER CULTURE CHURCH!