New Hill Burning Bush United Methodist Church

New Hill Burning Bush United Methodist Church New Hill Burning Bush United Methodist Church

26/04/2026

See you next Sunday! 🤍✨
04.26.26


Ang Pagkamatay ni Lazaro11 May isang taong nagngangalang Lazaro na nagkasakit. Nakatira siya sa Bethania kasama ang mga ...
26/03/2026

Ang Pagkamatay ni Lazaro

11 May isang taong nagngangalang Lazaro na nagkasakit. Nakatira siya sa Bethania kasama ang mga kapatid niyang sina Maria at Martha. 2 Si Maria ang nagbuhos ng pabango sa paa ng Panginoon at pagkatapos ay pinunasan iyon ng kanyang buhok. Dahil may sakit si Lazaro, 3 nagpasabi kay Jesus ang magkapatid, “Panginoon, ang minamahal ninyong kaibigan ay may sakit.”

4 Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi niya, “Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito. Nangyari iyon upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito'y maparangalan ang Anak ng Diyos.”

5 Mahal ni Jesus ang magkakapatid na Martha, Maria at Lazaro. 6 Gayunman, nagpalipas pa siya doon ng dalawang araw mula nang mabalitaang may sakit si Lazaro. 7 Pagkatapos nito, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Magbalik tayo sa Judea.”

8 Sumagot ang mga alagad, “Rabi, hindi po ba't kamakailan lamang ay pinagtangkaan kayong batuhin ng mga tao? Bakit pupunta na naman kayo doon?”

9 Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't may labindalawang oras sa maghapon? Hindi matitisod ang lumalakad kung umaga sapagkat nakikita niya ang nagbibigay-liwanag sa daigdig na ito. 10 Subalit natitisod ang lumalakad kung gabi sapagkat wala na siyang liwanag.” 11 Idinugtong pa ni Jesus, “Natutulog ang kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.”

12 “Panginoon, kung natutulog lang po siya ay gagaling siya,” sagot ng mga alagad.

13 Ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na si Lazaro, ngunit ang akala ng mga alagad ay talagang natutulog lamang ito. 14 Dahil dito'y tuwirang sinabi ni Jesus, “Patay na si Lazaro; 15 ngunit dahil sa inyo, ako'y nagagalak na wala ako roon, nang sa gayon ay sumampalataya kayo sa akin. Tayo na, puntahan natin siya.”

16 Sinabi ni Tomas, na tinatawag na Kambal, sa kanyang mga kasama, “Sumama tayo sa kanya, nang mamatay tayong kasama niya.”

Si Jesus ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay

17 Pagdating ni Jesus, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro. 18 May tatlong kilometro lamang ang layo ng Jerusalem sa Bethania, 19 at maraming Judio ang dumalaw kina Martha at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid.

20 Nang mabalitaan ni Martha na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito, ngunit si Maria nama'y naiwan sa bahay. 21 Sinabi ni Martha, “Panginoon, kung narito po kayo, hindi sana namatay ang kapatid ko. 22 Subalit alam kong kahit ngayo'y ipagkakaloob sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.”

23 “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus.

24 Sumagot si Martha, “Alam ko pong siya'y mabubuhay muli sa huling araw.”

25 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; 26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”

27 Sumagot siya, “Opo, Panginoon! Naniniwala po akong kayo ang Cristo, ang Anak ng Diyos na inaasahang darating sa sanlibutan.”

Tumangis si Jesus

28 Pagkasabi nito, umuwi si Martha. Tinawag niya si Maria at binulungan, “Naririto na ang G**o at ipinapatawag ka.”

29 Pagkarinig nito'y nagmadaling tumayo si Maria upang salubungin si Jesus. 30 Wala pa si Jesus sa nayon; naroon pa lamang siya sa lugar kung saan siya sinalubong ni Martha. 31 Nang makitang si Maria'y nagmamadaling tumayo at lumabas, sinundan siya ng mga Judiong nakikiramay sa kanila. Akala nila'y pupunta siya sa libingan upang umiyak.

32 Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito at nagsabi, “Panginoon, kung narito po lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”

33 Nahabag si Jesus at nabagbag ang kanyang kalooban nang makita niyang umiiyak si Maria, pati ang mga Judiong kasama nito. 34 “Saan ninyo siya inilibing?” tanong ni Jesus.

Sumagot sila, “Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.”

35 Tumangis si Jesus. 36 Kaya't sinabi ng mga Judio, “Tingnan ninyo, talagang mahal na mahal niya si Lazaro!” 37 Sinabi naman ng ilan, “Napagaling niya ang bulag, bakit hindi niya napigilang mamatay si Lazaro?”

Muling Binuhay si Lazaro

38 Muling nabagbag ang kalooban ni Jesus pagdating sa libingan. Ang pinaglibingan kay Lazaro ay isang yungib na natatakpan ng malaking bato. 39 “Alisin ninyo ang bato,” utos ni Jesus.

Ngunit si Martha na kapatid ng namatay ay sumagot, “Panginoon, nangangamoy na po siya ngayon; apat na araw na siyang patay.”

40 Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?” 41 Kaya't inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat dininig mo ako, 42 at alam kong lagi mo akong dinirinig. Ngunit sinasabi ko ito dahil sa mga taong naririto, upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.” 43 Pagkasabi nito ay sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!” 44 Lumabas nga si Lazaro na nababalot ng telang panlibing ang mga kamay at paa; may nakabalot ding tela sa mukha niya. Inutos ni Jesus sa kanila, “Kalagan ninyo siya at nang makalakad siya.”

Ang Balak Laban kay Jesus

45 Marami sa mga Judiong dumalaw kina Maria ang nakakita sa ginawa ni Jesus, at sumampalataya sila sa kanya. 46 Ngunit may ilan sa kanila na pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa ni Jesus. 47 Kaya't tinipon ng mga punong pari at mga Pariseo ang mga kagawad ng Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio. Kanilang sinabi, “Ano ang gagawin natin? Gumagawa ng maraming himala ang taong ito. 48 Kung siya'y pababayaan nating magpatuloy sa kanyang mga ginagawa, maniniwala sa kanya ang lahat. Paparito ang mga Romano at wawasakin ang ating Templo at ang ating bansa.”

49 Ngunit ang isa sa kanila, si Caifas na siyang Pinakapunong Pari nang taóng iyon, ay nagsabing, “Wala kayong alam! 50 Hindi ba ninyo naiisip na mas mabuti sa inyo na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, kaysa mapahamak ang buong bansa?” 51 Hindi mula sa kanyang sarili ang sinabi niyang ito. Bilang Pinakapunong Pari nang taóng iyon, nagpahayag siya ng propesiya na dapat mamatay si Jesus alang-alang sa bansa 52 at hindi lamang para sa bansa kundi upang tipunin ang mga anak ng Diyos na nasa iba't ibang dako. 53 Mula noon, pinagplanuhan na nila kung paano maipapapatay si Jesus.

Kayo po ay lubos naming inaanyayahan sa ating panambahan lalong higit ang aming mga kapatiran sa Barangay Caingin tuwing araw ng Linggo, 9:15 ng umaga.
Halina't sama-sama tayong magpuri at magpasalamat sa biyaya ng Panginoon at mga pagsubok na Kanyang pinahihintulutan sa bawat araw ng ating buhay na ating napagtagumpayan.

ANG BINHI NG PANANAMPALA-TAYAMateo 17:20“Sumagot siya, “Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung ...
26/03/2026

ANG BINHI NG PANANAMPALA-TAYA
Mateo 17:20
“Sumagot siya, “Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo'y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at ito'y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa.“

BAWAT MALIIT AY MAHALAGA
Zacarias 4:10
"Nag-aalala sila ngayon dahil sa mabagal na pagkayari ng templo. Ngunit matutuwa sila kapag nakita nilang ito'y pinapamahalaan na ni Zerubabel.” Sinabi sa akin ng anghel, “Ang pitong sinag na iyan ay paningin ng Diyos at lalaganap ito sa buong mundo.”

ILAPIT SA DIYOS ANG PAGLAGO
1 Corinto 3:6
"Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig,subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago.

NAPALALAGO ANG PANANAMPALATAYA
Roma 10:17
"Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo

HARAPIN ANG PAGSUBOK
Santiago 1:3
"Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong
pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.

IBAHAGI ANG IYONG PANANAMPALATAYA
Mateo 5:16
"Gayundin naman, dapat ninyong oaliwanagin ang inyong ilaw sa harap no mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at, papurihan ang inyong Ama na nasa langit.

Kayo ay malugod naming inaanyayahan na dumalo sa NHBBUMC Sunday School tuwing Linggo, 8:15 ng umaga. Ito ay bukas sa lahat lalong higit sa pamayanan ng Barangay Caingin.

Panalangin at Pagpapala.

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos,ng bagong damdamin."Mga Awit 51:10 Malugod namin kayong inaanyay...
26/03/2026

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos,
ng bagong damdamin."
Mga Awit 51:10

Malugod namin kayong inaanyayahan sa gawaing ito(KaFellowship) tuwing Sabado , 7pm. Ito ay bukas sa lahat ng mga kalalakihan at mga kabataang lalaki na nasa wastong gulang, lalong higit sa mga kalalakihan sa pamayanan ng Barangay Caingin.

Halina't tayo'y humigop ng mainit na kape at magkwentuhan sa kung paano kumilos ang Panginoon sa ating buhay at pamilya.

UNITY FOR CHRISTPhilippians 2:2-3Complete my joy by being of the same mind, having the same love, being in full accord a...
26/03/2026

UNITY FOR CHRIST

Philippians 2:2-3
Complete my joy by being of the same mind, having the same love, being in full accord and of one mind. Do nothing from selfish ambition or conceit, but in humility count others more significant than yourselves.

Salamat Panginoon sa buhay ni Bro. Francis Glen Dalida sa pangunguna para sa Midweek Cell Group ng mga kabataan.

Inaanyayahan po namin kayo na makasama sa gawain ng mga kabataan. Ito po ay bukas sa para sa lahat lalong higit sa mga kabataan ng Barangay Caingin tuwing araw ng Miyerkules, 7:00 pm.

Panalangin at higit na pagpapala 😇

FROM FEAR TO FAITH"So do not fear, for l am with you; do not be dismayed, for l am your God.I will strengthen you and he...
26/03/2026

FROM FEAR TO FAITH

"So do not fear, for l am with you; do not be dismayed, for l am your God.
I will strengthen you and help you;
I will uphold you with my righteous right hand."
Isaiah 41:10

Salamat Panginoon sa buhay ni Bro. Justine A. Milan sa pangunguna para sa Midweek Cell Group ng mga kabataan.

Inaanyayahan po namin kayo na makasama sa gawain ng mga kabataan. Ito po ay bukas sa para sa lahat lalong higit sa mga kabataan ng Barangay Caingin tuwing araw ng Miyerkules, 7:00 pm.

Panalangin at higit na pagpapala 😇

Pinagaling ni Jesus ang Isang BulagJuan 9:1-419 Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking bulag mula pa nan...
26/03/2026

Pinagaling ni Jesus ang Isang Bulag
Juan 9:1-41

9 Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking bulag mula pa nang ipanganak. 2 Tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Rabi, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang?”

3 Sumagot si Jesus, “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya. 4 Kailangang gawin natin[a] ang mga ipinapagawa ng nagsugo sa akin[b] habang may araw pa; darating ang gabi, kung kailan wala nang makakapagtrabaho. 5 Habang ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.”

6 Pagkasabi nito, dumura si Jesus sa lupa at gumawa ng putik. Pagkatapos, ipinahid niya ito sa mata ng bulag. 7 Sinabi ni Jesus sa bulag, “Pumunta ka sa imbakan ng tubig sa Siloe at maghilamos ka roon.” (Ang kahulugan ng salitang Siloe ay Sinugo.) Pumunta nga ang bulag, naghilamos doon, at pagbalik niya ay nakakakita na.

8 Sinabi ng mga kapitbahay niya at ng mga nakakita sa kanya noong siya'y namamalimos pa, “Hindi ba iyan ang lalaking dating nakaupo at namamalimos?”

9 Sumagot ang ilan, “Iyan nga!” Sabi naman ng iba, “Hindi! Kamukha lang.” Kaya't nagsalita ang dating bulag, “Ako nga po iyon.”

10 “Paano kang nakakita?” tanong nila.

11 Sumagot siya, “Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik at ipinahid iyon sa aking mata. Pagkatapos, sinabi niya sa akin, ‘Pumunta ka sa Siloe at maghilamos.’ Pumunta nga ako doon at naghilamos, at nakakita na ako!”

12 “Nasaan siya?” tanong nila sa kanya. “Hindi ko alam,” sagot niya.

Nagsiyasat ang mga Pariseo tungkol sa Pagpapagaling

13 Dinala ng mga tao sa mga Pariseo ang dating bulag. 14 Araw ng Pamamahinga nang gumawa si Jesus ng putik at nang pinagaling niya ang bulag. 15 Tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. Kaya't sinabi niya sa kanila, “Pinahiran niya ng putik ang aking mga mata, ako'y naghilamos at ngayo'y nakakakita na ako.”

16 Ang sabi ng ilang Pariseo, “Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan?” At hindi sila magkaisa.

17 Kaya't tinanong nilang muli ang dating bulag, “At ikaw, ano naman ang masasabi mo tungkol sa kanya, dahil pinagaling niya ang iyong mga mata?”

“Isa siyang propeta!” sagot niya.

18 Ayaw maniwala ng mga Judio na siya'y talagang dating bulag na ngayo'y nakakakita na kaya't ipinatawag nila ang kanyang mga magulang. 19 “Anak nga ba ninyo ito? Talaga bang siya'y ipinanganak na bulag? Ano'ng nangyari at nakakakita na siya ngayon?” tanong nila.

20 Sumagot ang kanyang mga magulang, “Alam naming anak namin siya at alam din naming siya'y ipinanganak na bulag. 21 Ngunit hindi po namin alam kung ano ang nangyari at nakakakita na siya ngayon, o kung sino ang nagpagaling sa kanya. Siya na po ang tanungin ninyo. Nasa hustong gulang na siya. Makakapagsalita na siya para sa kanyang sarili.”

22 Ganito ang sinabi ng kanyang mga magulang dahil sa kanilang takot sa mga pinuno ng mga Judio. Sapagkat pinagkaisahan na ng mga Judio na ang sinumang magpahayag na si Jesus ang Cristo ay ititiwalag sa sinagoga. 23 Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng kanyang mga magulang, “Siya'y nasa hustong gulang na, siya ang tanungin ninyo.”

24 Muli nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, “Sa ngalan ng Diyos, magsabi ka ng totoo. Alam naming ang taong iyon ay makasalanan.”

25 Sumagot siya, “Hindi ko po alam kung siya'y makasalanan, o hindi. Isang bagay po ang alam ko; ako'y dating bulag, subalit ngayo'y nakakakita na.”

26 “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niya pinagaling ang iyong mga mata?” tanong nila.

27 Sumagot siya, “Sinabi ko na po sa inyo, at ayaw naman ninyo akong paniwalaan. Bakit gusto ninyong marinig muli? Nais ba ninyong maging alagad din niya?”

28 At siya'y kanilang nilait, “Ikaw ang alagad niya! Kami'y mga alagad ni Moises. 29 Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!”

30 Sumagot ang lalaki, “Iyan nga po ang nakapagtataka! Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling, gayunma'y pinagaling niya ang aking mga mata. 31 Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit pinapakinggan niya ang mga sumasamba sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. 32 Mula pa nang likhain ang mundo ay wala pa tayong nabalitaang nakapagpagaling ng mata ng taong ipinanganak na bulag. 33 Wala pong magagawa ang taong iyon kung siya'y hindi mula sa Diyos!”

34 Sumagot sila, “Ipinanganak kang lubos na makasalanan at ngayo'y nais mo pa kaming turuan!” At siya'y kanilang itiniwalag.

Mga Bulag sa Espiritu

35 Nabalitaan ni Jesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kaya't nang matagpuan niya ito ay kanyang tinanong, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?”

36 Sumagot ang lalaki, “Sino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin upang ako'y sumampalataya sa kanya.”

37 “Siya'y nakita mo na. Siya ang kausap mo ngayon,” wika ni Jesus.

38 “Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus.

39 Sinabi ni Jesus, “Naparito ako sa mundong ito upang humatol, at nang sa gayo'y makakita ang mga bulag at mabulag naman ang mga nakakakita.”

40 Narinig ito ng ilang Pariseong naroon at siya'y kanilang tinanong, “Ibig mo bang sabihi'y mga bulag din kami?”

41 Sumagot si Jesus, “Kung kayo nga'y bulag, hindi sana kayo hahatulang maysala. Ngunit dahil sinasabi ninyong nakakakita kayo, nananatili kayong maysala.”

Kayo po ay lubos naming inaanyayahan sa ating panambahan lalong higit ang aming mga kapatiran sa Barangay Caingin tuwing araw ng Linggo, 9:15 ng umaga.

Halina't sama-sama tayong magpuri at magpasalamat sa biyaya ng Panginoon at mga pagsubok na Kanyang pinahihintulutan sa bawat araw ng ating buhay na ating napagtagumpayan.

MGA LARAWAN NG BUHAY: MGA SIMBOLONG ARAL NGDIYOS SA PANAHON NGAYON ANG ILAW SA KADILIMANJuan 8:12"Muling nagsalita si Je...
26/03/2026

MGA LARAWAN NG BUHAY: MGA SIMBOLONG ARAL NG
DIYOS SA PANAHON NGAYON ANG ILAW SA KADILIMAN
Juan 8:12

"Muling nagsalita si Jesus sa mga tao
Sinabi niya, "Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.

Si Hesus ang Ilaw ng Sanlibutan
• Siya ang nagbibigay direksiyon sa buhay
• Siya ang nagpapakita ng katotohanan
• Siya ang nagbibigáy pag-asa sa gitna ng kadiliman

ILAW: MGA ARAL MULA SA DILIM NG BUHAY

ILAWAN ANG LANDAS NG BUHAY
Awit 119:105
"Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan iwanag na tumatanglaw.

LUMAPIT SA LIWANAG
1 Juan 1:7
"Nguniț kung namumuhay tayo sa liwanag, gaya niya n1 nasa liwanag, tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak.

ALISIN ANG KADILIMAN SA PUSO
Efeso 5:8
"Dati, kayo'y nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag.

WALANG TAKOT SA DILIM
Awit 27:1
"Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang akina kasisindakan?

Kayo ay malugod naming inaanyayahan na dumalo sa NHBBUMC Sunday School tuwing Linggo, 8:15 ng umaga. Ito ay bukas sa lahat lalong higit sa pamayanan ng Barangay Caingin.
Panalangin at Pagpapala.

“Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, a...
26/03/2026

“Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail. Kaya't huwag kayong makisama sa kanila. Dati, kayo'y nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag. Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng namumuhay sa liwanag. Sikapin ninyong matutunan kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon.”
‭‭Mga Taga-Efeso‬ ‭5‬:‭6‬-‭10‬

Malugod namin kayong inaanyayahan sa gawaing ito(KaFellowship) tuwing Sabado , 7pm. Ito ay bukas sa lahat ng mga kalalakihan at mga kabataang lalaki na nasa wastong gulang, lalong higit sa mga kalalakihan sa pamayanan ng Barangay Caingin.

Halina't tayo'y humigop ng mainit na kape at magkwentuhan sa kung paano kumilos ang Panginoon sa ating buhay at pamilya.

Address

Kanluran Caingin
Meycauayan
3020

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Hill Burning Bush United Methodist Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share