Angels of the Altar

Angels of the Altar Ang Angels of the Altar po ay ang mga kabataang babae na naglilingkod tuwing misa upang magkaron ng kaayusan at disiplina habang nagmimisa.

Ang Angels of the Altar ay isang samahan ng mga kabataang babae na nagsisilbing ushers ng simbahan sa Parokya ni San Fra...
13/10/2021

Ang Angels of the Altar ay isang samahan ng mga kabataang babae na nagsisilbing ushers ng simbahan sa Parokya ni San Francisco ng Assisi. Layunin ng samahang ito na makatulong sa kaayusan at disiplina sa loob ng mga Banal na Misa.

Kaugnay nito, malugod po kaming nag-aanyaya ng mgakabataang babae, may edad labinglima (15) pataas-nakatanggap na ng mga sakramento ng binyag, kumpil at unang komunyon - na sumali at makiisa sa aming mga layunin.

Maaari po kayong makipag-ugnayan sa opisina ng parokya, o sa mga kasapi ng samahan kung nais sumali. Maaari din po kayong magpadala ng mensahe sa Facebook Group ng Angels of the Altar.

https://www.facebook.com/angelspsfa

30/10/2020

Mainit na pagbati sa ating Minamahal na Kura Paroko, Msgr. Adalberto Vergara na nagdiriwang ngayong araw ng kanyang ika-38 Anibersaryo ng Ordenasyon sa Pagkapari.

Ad multos annos Mons. Ady!

20/08/2020

PAGBATI BISHOP DENNIS

08/04/2020

Narito po ang mga gawain kaugnay ng paggunita sa Huwebes Santo sa ating parokya:

5:00 PM - Banal na Misa sa Pagtatakipsilim
sa Paghahapunan ng Panginoon
6:00 PM - Isang oras na pagtatanod
sa Santisimo Sacramento

Dahil ang mga gawaing ito ay isasagawa nang pribado, inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pamamagitan ng panonood sa Facebook Live Streaming ng FB Fanpage ng Parokya. Maging kaisa nawa namin kayo sa paggunita ng Banal na Triduo ng Paggunita sa Pagpapakasakit, Pagkamatay at Pagkabuhay ng ating Panginoon kahit na kayo ay nasa inyong mga tahanan.

10/03/2020

Ang lahat po ay inaanyayahan na makiisa sa mga gampanin bilang pag-oobserba ng Panahon ng Kuwaresma sa ating paroya. Maraming salamat po.

10/03/2020

ORATIO IMPERATA
Kaugnay ng COVID-19 Virus

Amang Makapangyarihan
Lumalapit kami sa Iyo sa aming pangangailangan
Ingatan Mo kami laban sa COVID-19 Virus
Na lumalaganap sa kasalukuyan at
Nagiging sanhi ng kamatayan.
Tulungan Mo ang mga nagsisipag-aral sa kalikasan
At pinagmumulan ng virus na ito at kung paano
Masusugpo ang paglaganap ng sakit na dulot nito.

Gabayan Mo ang mga kamay at isipan
Ng mga eksperto sa medisina
Nang mapaglingkuran nila
Na may puso at kakayahan
Ang mga may karamdaman,
At sa mga sangay ng pamahalaan
At mga pribadong ahensya na makatagpo
Ng lunas at solusyon sa salot na ito.

Isinasamo naming ang mga dinapuan ng sakit na ito
Ay mabalik sa kalusugan sa madaling panahon.
Kumilos nawa kami sa ikabubuti ng lahat
At matulungan ang lahat ng nangangailangan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristo,
Kasama ng Espiritu Santo, Magpasawalang hanggan.

Amen.

Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos,
Takbuhan ng mga Kristiyano, Ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, Ipanalangin mo kami.
San Roque, Ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami.




27/11/2019

Dakilang Kapistahan ng Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan

November 24, 2019
Misa Cantada - 8:00 ng umaga
(Bancal Extension SPPC)

Pagtatanghal ng Santisimo Sakramento 10:00 ng unaga

Prusisyon ng Kamahal-mahalang Santisimo Sakramento
3:00 ng hapon

Banal na Misa - 5:00 ng hapon

First Investiture 2019
08/09/2019

First Investiture 2019

Banal na Misa at Pagtatalaga sa mga kasapi ng Angel of the Altar ng Parokya ni San Francisco ng Assisi
Ika-8 ng Setyembre, 2019
10:00 n. u.

27/07/2019

Pasasalamat sa Lift a Heart Foundation Inc.

17/04/2019

Sa kandila naming tangan
Sampu ng pagsamong mahal
Ama, sa Iyo’y aming dasal
Ang awa Mo’t pagkahabag
Dito sa prusisyong banal.

Halina at makiisa sa prusisyon ng Miyerkules Santo sa ganap na ikapito ng gabi.

Thank you po sa lahat ng bumili sa A.V.E FRUIT COOLER. See you again next week!📷: Ma Cristina Encinas
01/04/2019

Thank you po sa lahat ng bumili sa A.V.E FRUIT COOLER. See you again next week!

📷: Ma Cristina Encinas

Address

Meycauayan
3020

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angels of the Altar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share