01/06/2024
PAMILYA, PAGMAMAGULANG AT PAGLILINGKOD.
Nang matanda na si Samuel, ginawa niyang mga hukom ng Israel ang kanyang mga anak na lalaki. 2 Ang panganay niya ay si Joel at ang pangalawa'y si Abias. Sila'y nagsilbing hukom sa Beer-seba. 3 Ngunit hindi sila sumunod sa halimbawa ng kanilang ama. Naging gahaman sila sa salapi, tumanggap ng suhol, at hindi pinairal ang katarungan.
4 Dahil dito, ang pinuno ng Israel ay sama-samang nagsadya kay Samuel sa Rama at 5 kanilang sinabi, “Matanda na po kayo. Ang mga anak naman ninyo'y hindi sumusunod sa inyong mga yapak. Kaya't ipili ninyo kami ng isang haring mamumuno sa amin tulad ng ibang mga bansa.” 1 Samuel 8:1-4
Walang perpektong leader at pastor. Magkakamali, papalpak, pero hinde maaring pabayaan at hinde mahusay na pamunuan ang pamilya mula sa asawa at mga anak.
Si Samuel ay mahusay, marangal at maka Dios na pinuno. Subalit maging aral na ang pagiging magaling sa church at sa ministry ay hinde sapat na “parangal” sa kabiguan nang pag mamagulang sa ating mga anak.
Ang mabuting pastor na mabuting pinamamahalaan at ginagabayan ang pamilya (kahit maraming hamon) ay napakalaking biyaya at pagpapala sa iglesya.
Our family, like the “church members and workers” we served are also worthy of our servant leadership.
Madaming magaling sa church at hinde papasapaw, i got that. Pero sa pamilya kapag nasira kahit anung husay ng pamumuno sa church ay maaring maging dahilan ng ating pagkasira.