ACTS - JIA Mexico

ACTS - JIA Mexico Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ACTS - JIA Mexico, Religious organisation, Barangay Pandacaqui, Mexico.

Isang Mapagpalang Martes! 🙌Normal lang sa buhay na makaramdam tayo ng matinding pagod at mawalan ng lakas dahil sa mga m...
26/05/2026

Isang Mapagpalang Martes! 🙌

Normal lang sa buhay na makaramdam tayo ng matinding pagod at mawalan ng lakas dahil sa mga mabibigat na problema, ngunit ipinapaalala sa atin ng mensahe na ito na ang ating sariling kahinaan ang mismong nagiging daan para mas makita natin ang kamangha-manghang lakas at kabutihan ng Diyos.

Hindi natin kailangang maging perpekto o laging malakas, dahil kung saan nagtatapos ang ating kakayahan, doon naman nagsisimula ang Kanyang sapat na biyaya. Kapag pakiramdam mo ay hindi mo na kaya at gusto mo nang sumuko, doon mo mas mararanasan na ang yakap at tulong ng Diyos ay higit pa sa sapat para itaguyod ka.


Isang Mapagpalang Lunes! 🙌Ito ay paalala sa ating lahat na kailangan maging dahan-dahan tayo sa pananalita at palaging m...
25/05/2026

Isang Mapagpalang Lunes! 🙌

Ito ay paalala sa ating lahat na kailangan maging dahan-dahan tayo sa pananalita at palaging makinig, dapat din natin ikalma ang ating mga sarili bago sumagot at ipanalangin ng mabuti kung ano ba ang dapat at tamang sagot na puno ng habag at pagmamahal.

Dahil ang galit ng tao ay hindi nagbubunga ng kabanalan na nakalulugod sa ating Panginoon.

Kaya palagi tayong manalangin na magkaroon ng pusong dalisay na tanging mga salita na itinanim ng Diyos sa ating puso ang pumuno sa atin upang ito din ang mga salitang lalabas sa ating mga bibig.

Tayo ay inaanyayahan na makinig sa ating Panginoon at sa iba na may pagpapakumbaba at pagpapahalaga sa kaisipan ng ibang tao.

Magsalita na iniiwasan ang mga masasakit na salita, dahil ang mga mananampalataya ay umiiwas sa hindi pagkakaunawaan at kaguluhan. At iwasan ang galit na maaaring makasira sa pag-uugali ng tao.


God's Design for Churches and His Spiritual Family ❤️Key Text: Efeso 2:18-19Hindi kalang basta miyembro sa simbahan - ku...
24/05/2026

God's Design for Churches and His Spiritual Family ❤️

Key Text: Efeso 2:18-19
Hindi kalang basta miyembro sa simbahan - kundi isa ka sa pamilya ng Diyos.

- Rick Warren
“The greatest privilege in life is to be part of God's family.”

Part 1
I. Importante ang makasama sa pamilya ng Diyos dahil: Dito lalago ang iyong pananampalataya sa Diyos. Makakatulong ang simbahan sa patuloy na pagbabago ng iyong pamumuhay.
- 2 Timothy 3:16

II. Sa simbahan: Sama-sama tayong nakaka-awit at mag puri sa Diyos. Ngunit sinasabi sa Biblia na hindi lang sa pag awit tayo nakakapag-puri sa Diyos, kundi ang patuloy na pagsunod sa Kaniyang kalooban sa araw-araw.
- Psalms 150:6
- John 4:24

III. Sa simbahan lalong mahuhubog ang iyong pagkatawag at layunin sa kalooban ng Diyos.
Proverbs 27:17

IV. Sa church magkakaroon ka ng leader na makakatulong sa iyong pamumuhay bilang kristiyano. Dahil dito gagaan ang iyong mga pangamba at magkakaroon ng kapayapaan sa isip at sa iyong buhay.
James 5:16

V. Tutulungan ka ng mga kapatid sa Diyos sa iyong mga problema at pagsubok.
Mateo 11:28

VI. May oportunidad kang makapaglingkod sa Diyos sa simbahan.
Galatians 6:9-10

Part 2. "The importance of having a growing family in church"

I. Matutulungan kang magkaroon ng mas malalim na relasyon sa Diyos.
Colosas 3:16

II. Matibay ang pagmamahalan at pagkakaisa sa simbahan kaya sila'y nananatili sa simbahan. Kailangan ang isa't isa dahil may kaniya kaniyang kakayahan at talento tayo na ibinigay ng Diyos.
Juan 13:35

III. Sa church mas mapapatibay ang iyong marriage at relasyon mo sa iyong pamilya.
Mark 10:9

IV. Sa chruch - matutulungan kang magkaroon ng kasiyahan sa paglilingkod sa Diyos at sa ating kapwa.
Mga Awit 100:2

V. Sa church - matutulungan ka na magkaroon ng lakas ng loob upang maibahagi ang Salita ng Diyos.
Roma 1:16

VI. The Great Commission
- Genesis 1
Be fruitful and multiply
Fill the earth
Subdue it
- Matthew 28
Make disciples
Of all nations
Teach them to obey everything I have commanded you.




✨ Laging Bukas ang Pinto ng Simbahan! ✨ Anuman ang iyong pinagmulan o pinagdaanan, may lugar ka sa tahanan ng Diyos. Hal...
23/05/2026

✨ Laging Bukas ang Pinto ng Simbahan! ✨

Anuman ang iyong pinagmulan o pinagdaanan, may lugar ka sa tahanan ng Diyos.

Halika at dalhin mo ang iyong mga pasanin dahil sa Diyos may pag-asa.

Sa presensya Niya mararanasan ang kapayapaan. Tutulungan ka ng simbahan na malalaman mo ang tunay mong layunin sa mundo.

Sa simbahan ka magkakaroon ng pamilya sa presensya ng Diyos.

Sabay-sabay tayong sumamba, lumago sa pananampalataya, at ipagdiwang ang pag-ibig ni Hesus na walang hanggan. 🙌❤️

Inaanyayahan ka namin ngayong Linggo 9:30AM 🕤
— may nakalaan na upuan para sa iyo! 😊

Mga Awit 122:1
Ako ay nagalak nang sabihin nila:
“Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”



Alam mo ba na nakiusap si Josue sa Diyos na pahintuin ang paglubog nang araw? - Josue 10:12-14 📖Noong araw na ang mga Is...
23/05/2026

Alam mo ba na nakiusap si Josue sa Diyos na pahintuin ang paglubog nang araw?

- Josue 10:12-14 📖
Noong araw na ang mga Israelita'y pinagtagumpay ni Yahweh laban sa mga Amoreo, nakipag-usap si Josue kay Yahweh. Ito ang sinabi niya na naririnig ng buong bayan:

“Huminto ka, Araw, sa tapat ng Gibeon,
at ikaw rin, Buwan, sa Libis ng Ayalon.”

Tumigil nga ang araw at hindi gumalaw ang buwan hanggang sa matalo ng mga Israelita ang kanilang mga kaaway. Hindi ba't nasusulat ito sa Aklat ni Jasher? Tumigil ang araw sa gitna ng langit at hindi lumubog sa buong maghapon. Kailanma'y hindi pa nangyari at hindi na muling mangyayari na si Yahweh ay sumunod sa isang tao at nakipaglaban sa panig ng Israel.

🙌Isang Mapagpalang Sabado!🙌
Makikita natin sa verse na ito na tunay na kontrol ng Diyos ang nature, dahil Siya ang may likha ng lahat.

Kaya kung nasa sitwasyon ka ng buhay mo na para bang wala ng itong solusyon. Kung sa tingin mo ay sirang-sira na ang buhay mo, WALANG IMPOSIBLE SA KAPANGYARIHAN NI YAHWEH!

Patuloy tayong manalangin sa Kaniya dahil ito ang nais Niya. Gusto ng Diyos na magtiwala tayo sa Kaniya katulad ng pagtitiwala ni Josue na kahit na imposible ay kayang gawin ito ng Panginoon.

Hindi man matupad ang mga plano mo sa buhay. May mas maganda at malaking inilaan ang Diyos sa buhay mo. Kaya tayo patuloy na makakapaglingkod sa Kaniya dahil ang Diyos ay tapat sa Kaniyang mga pangako.



THE POWER OF GOD✨1 Corinto 2:12Ang tinanggap natin ay hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diy...
22/05/2026

THE POWER OF GOD✨

1 Corinto 2:12
Ang tinanggap natin ay hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan natin ang mga kaloob niya sa atin.

*Paano mo malalaman kung ang bagay na meron ka ay galing sa mundo or sa Diyos?
- Galing ito sa Diyos kung ito ay nakapag papalapit lalo sa Kaniya at hindi ka ilalayo sa presensya Niya.

Hindi rin naman natin dapat kalimutan ang pagbibigay ng panahon sa Diyos kapag nakatanggap ng pag-papala. Kailangan natin itaas ang Diyos sa lahat ng mga bagay na meron tayo dahil sa Kaniya nag mula ang lahat ng ito.

Patuloy nating isuko ang ating puso sa Diyos at magtiwala sa Kaniyang Salita. Nawa'y gamitin natin ang mga biyayang binigay ng Diyos sa atin para sa Kaniyang kapurihan.



Isang Mapagpalang Huwebes! 🙌Kailangan natin ang gabay ng Banal na Espiritu sa ating buhay, dahil Siya ang tunay na nakak...
21/05/2026

Isang Mapagpalang Huwebes! 🙌

Kailangan natin ang gabay ng Banal na Espiritu sa ating buhay, dahil Siya ang tunay na nakakaalam ng kalooban at ninanais ng ating Panginoong Diyos para sa atin. Siya ang ipinagkaloob ng Ama at ng ating Panginoong Hesus upang samahan tayo rito sa mundo.

Makakamtan natin ang gabay at tulong ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagtitiwala ng ating buhay sa Kanya. Siya ang gagabay at tutulong sa atin sa ating pananalangin at pagbabasa ng Salita ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ang magiging daan upang mas mapalalim pa ang ating relasyon sa ating Panginoong Hesus.



Isang Mapagpalang Miyerkules! 🙌Isaias 43:1-2Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo,“Huwag kang matatakot s...
20/05/2026

Isang Mapagpalang Miyerkules! 🙌

Isaias 43:1-2
Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo,
“Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita.
Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita;
tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod;
dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog,
hindi ka matutupok.”

Ang verse na ito na Salita ng Diyos ay nagpapatunay na kasama natin si Hesus sa kahit anong problema ang dumating.

Hindi ka Niya iiwan at kahit na sa tingin mo ay wala ng solution ang problema mo, makakaasa ka sa ating Diyos na makapangyarihan na matutulungan ka.



Isang Mapagpalang Martes! 🙌Minsan, kapag gulo-gulo ang buhay, ang daling ma-overwhelm sa dami ng iniisip natin. Kaya nam...
19/05/2026

Isang Mapagpalang Martes! 🙌

Minsan, kapag gulo-gulo ang buhay, ang daling ma-overwhelm sa dami ng iniisip natin.

Kaya naman napakaganda ng mensaheng ito dahil ibinabalik tayo nito sa pinakasimpleng katotohanan: magpasalamat tayo, hindi dahil perpekto ang araw natin, kundi dahil mabuti ang Diyos.

Ang mensaheng ito ay isang paalala na kapag hindi mo na alam kung paano magpapasalamat sa mga nangyayari sa paligid mo, pwede kang bumalik sa katotohanang mahal ka ng Diyos at hinding-hindi magbabago ang kabutihan Niya.

Hindi mo kailangang intindihin ang lahat ng problema; sapat nang malaman mo na sa kabila ng lahat, may isang Diyos na tapat at nagmamahal sa iyo nang walang katapusan, at sapat na sapat na iyon para magpasalamat ka ngayon.



Isang Mapagpalang Lunes! 🙌Hebreo 6:10 - “Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmama...
18/05/2026

Isang Mapagpalang Lunes! 🙌

Hebreo 6:10 - “Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos.”

Ang verse na ito ay may katiyakan na ang ating Panginoon ay makatarungan.

Ipinadala Niya si Jesus upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan. Ipinangako sa atin ng Diyos na kung Siya ay hahanapin natin matatagpuan natin Siya.

Hindi makakalimutan ng Panginoon ang mga mabubuti nating gawa at ang pagmamahal natin sa iba.

Sabi nga sa Kaniyang salita ang ating mga gawa ay may kabuluhan sa ating Diyos.

Inalis Niya ang kasalanan na mayroon ang bawat isa. Tayo ay tinuring na mga anak Niya.

Nakakamangha na inaalala ng Diyos ang mabubuti nating gawa habang patuloy tayong pinapatawad at kinalimutan ang ating mga pagkakasala.

Nawa’y magsilbi itong motivation sa atin upang tayo ay mamuhay na naayon sa plano at nais ni Jesus.



LOVE FOR THE COUNTRY🇵🇭✊Mahal mo ba ang bansa natin?Pinili ito ng Diyos upang maging tahanan mo bilang Pilipino.Why we sh...
17/05/2026

LOVE FOR THE COUNTRY🇵🇭✊

Mahal mo ba ang bansa natin?
Pinili ito ng Diyos upang maging tahanan mo bilang Pilipino.

Why we should love our country?
- Ito ay ang lugar na ibinigay sa atin upang dito tumira, upang lumawak ang kaalaman at nagrerepresenta kung sino tayo.
Ito ay pagkakakilanlan na dito tayo kabilang.

KEY TEXT📖: Deuteronomio 28:1-2
“Kung susundin lamang ninyo si Yahweh na inyong Diyos at tutuparin ang kanyang mga utos, gagawin niya kayong pinakadakila sa lahat ng mga bansa sa balat ng lupa. Mapapasa-inyo ang lahat ng mga pagpapalang ito kung susundin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh.”

I. Why Do Some Nations Fail?
1. Selfish Leaders
-Exodus 23:8 📖
Huwag kayong tatanggap ng suhol sapagkat ang suhol ay bumubulag sa tao sa katuwiran at ikinaaapi naman ng mga walang sala.

2. Lack of Wisdom
-Hosea 4:6 📖
Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan; sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan, itinatakwil ko rin kayo bilang pari. At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos, kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.
-Proverbs 29:12 📖
Kapag nakinig ang hari sa kasinungalingan, lahat ng lingkod niya'y mabubuyo sa kasamaan.

3. Walang Pagkakaisa (Lack of UNITY)
-Efeso 4:3-6 📖
Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo. May iisang katawan at iisang Espiritu, kung paanong may iisang pag-asa na para doon kayo'y tinawag ng Diyos. May iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.

II. What is God's Greatest Commandment
-Mateo 22:36-40 📖
36 “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya.
37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo.
38 Ito ang pinakamahalagang utos.
39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”

- Paano natin mamahalin ang ating kapwa?
(Luke 10:25-37) Ito ang Talinghaga ng Mabuting Samaritano.
Itinuturo nito na ang tunay na pagsunod sa Diyos ay nakikita sa ating pag-ibig at malasakit sa kapwa, kahit pa sila ay naiiba o itinuturing na kaaway. Ang pagiging “kapwa” ay hindi limitado sa relihiyon, lahi, o estado, kundi sa sinumang nangangailangan ng tulong.

III. Ano ang maaari nating maiambag sa ating bansa?
- Ang Pagbabago ay magsisimula sa ating sarili.
- Baguhin ang iyong: Maling Kaisipan, Maling nakagawian, Maling Gawain.

Nagsisimula din ang Pagbabago sa ating TAHANAN: Proverbs 22:6
1.Bring your Family closer to God.
2.Teach your child to respect others.
3.Teach them how to be responsible.
4.Teach them how to be compassionate just like Jesus did.
5.Teach how to be honest
6.Teach how to be a giver.

Conclusion:
Maging Masunurin tayo sa mga batas ng ating bansa.
Hindi natin mahal ang ating bansa kung hindi mo kayang mahalin ang iyong kapwa.

Tayo ay tinatawag ng Diyos upang makinig sa Kaniya at sumunod upang ang Kaniyang biyaya ay dumaloy sa ating buhay at ibahagi ang Kaniyang ginawa na tayo ay niligtas Niya sa kamandag ng kasalanan.

Address

Barangay Pandacaqui
Mexico

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ACTS - JIA Mexico posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share