Aki ni Amang Hinulid

Aki ni Amang Hinulid Mark 9:23

27/10/2025

‘DRESS AS SAINTS, NOT AS DEMONS’

: As the nation prepares to mark All Saints’ Day and All Souls’ Day, Cebu Archbishop Alberto Uy has urged the faithful to reclaim the true Christian meaning of Halloween by celebrating holiness instead of “horror.”

READ MORE: https://inqnews.net/shunhorrorthemes

25/09/2025

BUKAS PO ANG ATING SIMBAHAN, PAROKYA NG SAN NICOLAS DE TOLENTINO, BILANG EVACUATION CENTER PARA SA MGA NAIS LUMIKAS DAHIL SA PAPARATING NA BAGYONG OPONG.

Pinapaalalahanan din ang lahat na:
• Maging maingat at maghanda ng mga pangunahing gamit tulad ng pagkain, tubig, gamot, flashlight, damit, at mahahalagang dokumento.
• Siguruhing ligtas ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
• Sumunod sa mga tagubilin ng barangay at lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat.

Sama-sama tayong magdasal at magtulungan upang malampasan ang bagyong ito.

Mula sa Parokya ng San Nicolas de Tolentino

20/09/2025

Sa ating lipunan ngayon, laganap ang katiwalian sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Maraming namumuno ang inuuna ang pansariling kapakanan kaysa sa kapakanan ng bayan. Bilang mga mamamayan at mananampalataya, hindi tayo dapat tumahimik o manood lamang. Tayo ay tinawag upang maging ilaw at asin ng sanlibutan, mga tagapagdala ng katotohanan at katarungan.

“Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang Kanyang kalooban, kung ano ang mabuti, kalugud-lugod, at ganap na kalooban Niya.” -Roma 12:2

Ang katiwalian ay isang kasalanang hindi lamang lumalason sa gobyerno kundi sa buong sambayanan. Sa tuwing may magnanakaw sa kaban ng bayan, ang mahihirap ang unang naaapektuhan, nagugutom, hindi makapag-aral, walang maayos na serbisyong medikal.

Subalit ang Diyos ay makatarungan. Hindi Siya nalulugod sa katiwalian, at inaanyayahan Niya tayong kumilos para sa katuwiran.

“Ang gumagawa ng matuwid ay kalugud-lugod sa Diyos, ngunit ang masama ay Kanyang kinamumuhian.” -Kawikaan 11:20

Hindi madali ang tumindig laban sa katiwalian. Maaaring tayo’y pagtawanan, pagtakpan, o pagtakot-takutin. Ngunit tandaan natin: ang pananahimik sa harap ng kasamaan ay isang uri ng pakikiisa rito. Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos para sa bayan?

“Ang sinumang nakakaalam ng mabuti na dapat gawin ngunit hindi ito ginagawa, siya’y nagkakasala.” -Santiago 4:17

Sa gitna ng dilim, maging ilaw tayo. Sa gitna ng takot, maging matapang. At sa gitna ng katiwalian, tayo nawa ay maging tinig ng katotohanan at pag-asa.

“Mapalad ang mga nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila’y bubusugin.” -Mateo 5:6

Panalangin: Aming Diyos, Ikaw na makatarungan at banal, bigyan Mo kami ng lakas ng loob na tumindig laban sa katiwalian. Huwag Mong hayaang kami’y manahimik sa harap ng kasamaan. Gamitin Mo kami upang maging instrumento ng katotohanan, katarungan, at pagbabago. Sa Ngalan ni Hesus. Amen. 🙏

20/09/2025

Magsuot ng puti sa Misa. Magsuot ng puti sa protesta. Sa harap ng Diyos at ng bayan, tayo’y maninindigan!

10/09/2025

Maligayang Kapistahan sa ating Dakilang Patron, San Nicolas de Tolentino!

03/09/2025
15/08/2025

August 16 | VIVA SAN ROQUE! Happy Fiesta! 🙌

13/08/2025

Address

Tarum
Mercedes
4601

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aki ni Amang Hinulid posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share