Anak Francisco.

Anak Francisco. LINGKOD NG SERAPIKONG AMA

24/03/2026
Maligayang Pagbati ng Dakilang Kapistahan ni San Jose ng Panungyan! Sa araw na ito, buong galak nating ipinagdiriwang an...
18/03/2026

Maligayang Pagbati ng Dakilang Kapistahan ni San Jose ng Panungyan!

Sa araw na ito, buong galak nating ipinagdiriwang ang buhay at kabanalan ng ating mahal na patron—isang huwaran ng kababaang-loob, katahimikan, katapatan, at ganap na pagtitiwala sa Diyos. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili siyang matatag at masunurin sa banal na kalooban, ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang haligi ng Banal na Pamilya.

Nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa bawat isa sa atin—lalo na sa mga ama, kabataan, at bawat miyembro ng komunidad—na mamuhay nang may pananampalataya, sipag, at malasakit sa kapwa.

Katulad ni San Jose, nawa’y matutunan nating yakapin ang mga hamon ng buhay nang may tapang at pananalig. Katulad niya, maging tahimik man ang ating mga sakripisyo, ito’y maging handog ng pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa. At katulad niya, nawa’y maging ilaw tayo sa ating pamilya at komunidad, naglilingkod nang may buong puso at kababaang-loob.

Patuloy nawa tayong gabayan at pagpalain ni San Jose sa ating araw-araw na pamumuhay. Mabuhay ang Panungyan!

Viva San Jose! Viva!



Enero 27, 2026San Francisco de Asis ChapelMendez-Nuñez, CaviteNgayong gabi ay isinagawa ang pagpupulong ng Anak Francisc...
27/01/2026

Enero 27, 2026
San Francisco de Asis Chapel
Mendez-Nuñez, Cavite

Ngayong gabi ay isinagawa ang pagpupulong ng Anak Francisco, na dinaluhan ng mga kabataan mula sa aming samahan.

Sa pagpupulong na ito ay tinalakay ang mga sumusunod:

• Election of Officers – Isinagawa ang halalan para sa mga bagong opisyal ng samahan.
• Tungkulin ng mga nahalal na opisyal – Mas pinalawak at ipinaliwanag nang malinaw sa bawat miyembro ang mga responsibilidad at inaasahang gampanin ng bawat posisyon.
• Code of Conduct – Tinalakay ang mga alituntunin at pamantayan ng asal na inaasahang susundin ng lahat ng kasapi.
• By-Laws – Inilahad at sinuri ang mga patakaran ng samahan na binubuo ng labing-tatlong (13) artikulo.

Lubos kaming nagpapasalamat sa aktibong pakikilahok ng bawat kabataan sa pagpupulong na ito bilang bahagi ng aming patuloy na paglilingkod sa simbahan at pamayanan. 🙏

Address

Asis Mendez Cavite
Mendez
4121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anak Francisco. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share