16/11/2023
Maligayang Araw ng mga Bata!!!
Tara, makisaya at makisama kasama ang mga bata, para sa mga bata!
Ang “bata” ay hindi “bata lamang”! Sila’y may mga sariling husay, dignidad, hangad, at pag-tanaw sa mundo. Kaya ang kasulukuyan nila, ay magiging kinabukasan ng lahat.
Sa kasulukuyan, nalalagay sa panganib ang maraming bata dahil sa di makatarungang giyera, kawalan ng disenteng pagkain, at pag-aabuso sa kanilang pagkatao. Kailangan natin tumindig at makiisa sa pagsulong ng kanilang kaligtasan! Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa lahat ng sulok ng mundo. Kaakibat nito, bahagi ng ating kampanya ang panawagan ng hustisya at kapayapaan para sa Palestine.
Inaanyayahan po kayo ng Children’s Rehabilitation Center kasama ang Salinlahi Alliance for Children's Concerns, Salinlahi Youth Philippines, Paeccdi Parent’s Alternative on Early Childhood Care and Development, Children’s Collective, Batibot Early Learning Center, Association for the Rights of Children in South East Asia (ARCSEA), United Church of Christ in the Philippines at iba pang mga institusyong nagsusulong sa karapatan ng mga bata sa aming mga programa tungkol sa sitwasyon ng mga bata at manawagan para sa isang mapagkalingang lipunan, sa 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟖 𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟑 𝐧𝐚 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲𝐨𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐢𝐤𝐚-𝐩𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟐 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥𝐢 (𝟕𝐚𝐦-𝟏𝟐𝐧𝐧).
Bata’y pahalagahan, buhay nila’y ingatan!