18/08/2021
Mga Paala-ala mula sa Banal na Kasulatan:
MT.24:3- Nang nakaupo na si Hesus sa Bundok ng mga Olibo, at sila-sila na lang, lumapit sa kanya ang mga alagad at nagtanong:" Sabihin mo sa amin kung kailan ito mangyayari. Ano ang magiging palatandaan ng iyong pagdating at ng kaganapan ng kasaysayan?" Lk.21:11-Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa langit. Lk.21:25-Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan, at mga bituin. Sa lupa`y mangangamba ang mga bansa dahil sa ugong at alon ng dagat, at wala silang magagawa. Gw.2:19- Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas at ng mgs tanda sa lupa sa ibaba. Mk.13:19- Sapagkat magiging araw ng pagsubok ang mga araw na iyon; wala pang nangyaring ganoon mula sa simula ng paglikha ng Diyos at di na mangyayari pa. 2-Tim.3:1-Dapat mong malaman na may panahon ng paghihirap sa mga huling araw. Mt.24:6-8; Mababalitaan ninyo ang mga digmaan at mga banta sa digmaan pero huwag mabagabag. Mangyayari muna ang mga ito pero hindi pa ito ang katapusan. Magdidigmaan ang mga bansa at maglaban-laban ang mga kaharian. Magkakaroon din ng taggutom at lindol sa maraming lugar, ngunit simula lamang ng kagipitan ang lahat ng ito. Mt.24:33; Gayundin naman, kapag napansin ninyo ang lahat ng ito,alamin ninyong malapit na, nasa may pintuan na. Rom.1:18; Nakaamba mula sa langit ang p**t ng Diyos laban sa lahat ng kalapastangan at kasamaan ng mga taong sinisiil ang katotohanan sa kanilang kabuktutan. 1-Ped.4:7; Malapit na ang wakas ng lahat.kaya mamuhay nawa kayong mahinahon at mapagtimpi upang makapanalangin kayo.Mt.23:18; Ang sabi ninyo`y walang bisa kung sa altar manunumpa pero may bisa kung sa handog na nasa altar.
At ito ay isang paala-ala lamang at hindi pananakot dahil ito sinasabi at nakasulat sa Banal na kasulatan.