Saint Augustine Parish, Mendez-Nuñez, Cavite

Saint Augustine Parish, Mendez-Nuñez, Cavite The Official page of Saint Augustine Parish, Mendez-Nuñez, Cavite

𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟕 | 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋-𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐖𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐃𝐔𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍 (𝐂𝐎𝐑𝐏𝐔𝐒 𝐂𝐇𝐑𝐈𝐒𝐓𝐈)Ngayong Linggo, tayo ay na...
06/06/2026

𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟕 | 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋-𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐖𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐃𝐔𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍 (𝐂𝐎𝐑𝐏𝐔𝐒 𝐂𝐇𝐑𝐈𝐒𝐓𝐈)

Ngayong Linggo, tayo ay nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos sa pagkakaloob Niya ng dakilang biyaya ng kaligtasan sa buong sanlibutan sa pamamagitan ng Banal na Katawan at Dugo ni Hesus. Ang dakilang biyayang ito ay patuloy nating tinatanggap at tinatamasa sa Banal na Eukaristiya kung saan si Hesus ay naghahandog ng Kanyang sarili sa bawat isa sa atin. Ito ay matibay na patotoo ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin na handa tayong tanggapin at iligtas tuwina lalo na sa pamamagitan ng Banal na Misa.

𝑨𝑵𝑰𝑴𝑨 𝑪𝑯𝑹𝑰𝑺𝑻𝑰:
𝘒𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘸𝘢 𝘯𝘪 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘱𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘔𝘰 𝘢𝘬𝘰
𝘒𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘔𝘰 𝘢𝘬𝘰
𝘋𝘶𝘨𝘰 𝘯𝘪 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘵𝘪𝘨𝘮𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘔𝘰 𝘢𝘬𝘰
𝘛𝘶𝘣𝘪𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘪𝘭𝘪𝘳𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘩𝘶𝘨𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘔𝘰 𝘢𝘬𝘰
𝘗𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘯𝘪 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘱𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘪𝘯 𝘔𝘰 𝘢𝘬𝘰
𝘉𝘶𝘵𝘪𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘏𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘥𝘪𝘯𝘨𝘨𝘪𝘯 𝘔𝘰 𝘢𝘬𝘰
𝘚𝘢 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘨𝘢𝘵 𝘔𝘰, 𝘢𝘬𝘰’𝘺 𝘪𝘵𝘢𝘨𝘰 𝘔𝘰
𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘔𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘵𝘶𝘭𝘰𝘵, 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘐𝘺𝘰
𝘚𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘩𝘢𝘮𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢𝘺, 𝘢𝘬𝘰’𝘺 𝘪𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘰
𝘚𝘢 𝘴𝘢𝘯𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘯𝘢𝘸, 𝘢𝘬𝘰’𝘺 𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨𝘪𝘯 𝘔𝘰
𝘈𝘵 𝘐𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘵𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘐𝘺𝘰
𝘜𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢 𝘯𝘨 𝘐𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭, 𝘢𝘬𝘰’𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘱𝘶𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘐𝘺𝘰
𝘚𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯
𝘈𝘮𝘦𝘯.



𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐅𝐑. 𝐎𝐌𝐄𝐑!Sa araw na ito, buong-pusong nagpapasalamat ang sambayanan sa iyong walang sawang paggabay...
02/06/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐅𝐑. 𝐎𝐌𝐄𝐑!

Sa araw na ito, buong-pusong nagpapasalamat ang sambayanan sa iyong walang sawang paggabay, pagkalinga, at pag-akay sa amin palapit sa Panginoon. Ang iyong buhay-paglilingkod ay patuloy na nagiging inspirasyon at biyaya sa bawat isa sa amin.

Ipinapanalangin po namin ang iyong mabuting kalusugan, kalakasan ng katawan at kaisipan, at higit pang mga pagpapala sa iyong ministeryo. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal sa pagiging mabuting pastol sa ating parokya.

Muli, isang maligaya at mapagpalang kaarawan, Fr. Omer! 🎂


𝐌𝐀𝐘 𝟑𝟏 | 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒Ngayong Linggo ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapist...
30/05/2026

𝐌𝐀𝐘 𝟑𝟏 | 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒

Ngayong Linggo ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Banal na Santisima Trinidad na isa sa mga dakilang misteryo ng ating pananampalataya bilang mga Katoliko.

Isang katotohanan na ang Diyos na ating sinasampalatayanan ay iisa ngunit may tatlong persona: Ang Diyos Ama na bukal ng buhay at lumikha sa lahat ng bagay; ang Diyos Anak na nagkatawang tao at nagligtas sa buong sanlibutan; at ang Diyos Espiritu Santo na siyang presensya ng Diyos at lakas ng bawat mananampalataya.

𝑳𝒖𝒘𝒂𝒍𝒉𝒂𝒕𝒊 𝒔𝒂 𝑨𝒎𝒂, 𝒔𝒂 𝑨𝒏𝒂𝒌 𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝑬𝒔𝒑𝒊𝒓𝒊𝒕𝒖 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒐. 𝑲𝒂𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒏𝒈 𝒖𝒏𝒂𝒏𝒈-𝒖𝒏𝒂, 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒂𝒔𝒂𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏. 𝑨𝒎𝒆𝒏.



𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐘𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔Malugod pong inaanyayahan ang lahat sa pagdiriwang natin ng Banal na Misa sa darating na Sabado sa ga...
28/05/2026

𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐘𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔

Malugod pong inaanyayahan ang lahat sa pagdiriwang natin ng Banal na Misa sa darating na Sabado sa ganap na ika-8 ng umaga bilang bahagi ng patuloy nating pagdiriwang ng Flores de Mayo na atin ding iniaalay sa Mahal na Birhen.

Ito ay isang pag-alaala na si Maria gaya ng isang bulaklak ay may natatanging ganda at halimuyak na nagmumula sa mabuti at busilak niyang puso na handang paglingkuran at mahalin ang Diyos.

Ilapit nawa natin sa Mahal na Birhen ang ating mga puso upang akayin niya tayo tungo kay Kristo.

MAHAL NA BIRHENG MARIA, IPANALANGIN MO KAMI.



𝐓𝐀𝐈𝐙É 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 🕯️𝗞𝗔𝗧𝗔𝗛𝗜𝗠𝗜𝗞𝗔𝗡 | 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔𝗔𝗡 | 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗔𝗡Inaanyayahan po ang lahat lalo na ang mga kabataan ng ating Parokya...
24/05/2026

𝐓𝐀𝐈𝐙É 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 🕯️

𝗞𝗔𝗧𝗔𝗛𝗜𝗠𝗜𝗞𝗔𝗡 | 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔𝗔𝗡 | 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗔𝗡

Inaanyayahan po ang lahat lalo na ang mga kabataan ng ating Parokya sa isang taimtim at sama-samang pananalangin sa darating na Miyerkules, sa ganap na ika-6 ng gabi sa ating Parokya.

Ang gaganaping Taizé Prayer ay isang paraan upang mailapit nating lalo sa Diyos ang ating mga sarili lalong higit ang ating bayan na kumakaharap ngayon sa iba't ibang mga krisis. Hayaan nawa natin ang Banal na Espiritu na gabayan at liwanagan tayong lahat bilang isang sambayanan.

Halina't sama-sama tayong magbuklod sa panalangin at katahimikan kung saan si Kristo ay tunay na matatagpuan.




𝐌𝐀𝐘 𝟐𝟒 | 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐍𝐓𝐄𝐊𝐎𝐒𝐓𝐄𝐒Sa araw na ito ginugunita natin ang natatanging kaganapan sa kasaysayan ng ating pananampa...
23/05/2026

𝐌𝐀𝐘 𝟐𝟒 | 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐍𝐓𝐄𝐊𝐎𝐒𝐓𝐄𝐒

Sa araw na ito ginugunita natin ang natatanging kaganapan sa kasaysayan ng ating pananampalataya kung saan limampung araw pagkaraan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa mga Apostol at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ang nagsilbing malinaw na tanda na sa tagumpay ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon, inilaan Niya ang mas malaking biyaya at gantimpala sa lahat ng mga nananalig at nanininiwala.

Sa mabiyayang araw ding ito ay ipinagdiriwang at ginugunita natin ang pagsilang ng buong Simbahang Katolika. Ang pagbaba ng Banal na Espiritu ang siya ring tanda na matapos mangaral ni Hesus at tuparin ang pangako ng Diyos sa sangkatauhan, tayo naman ang Kanyang isinusugo upang ipagpatuloy ang Kanyang misyon na ihayag sa lahat ng mga bansa ang Mabuting Balita.

Higit sa sagradong gusali o simbahang bato, tayo ang templo ng Banal na Espiritu at sa araw na ito hilingin nawa natin sa Diyos ang patuloy Niyang patnubay upang patuloy na mapangalagaan at mapalago ang Kanyang Simbahan—tayo bilang isang kawang tinipon Niya.

𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗧𝗨 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢:
Halina Espiritu Santo, Punuin mo ang mga puso ng mga nananalig sa iyo at pag-alabin sa kanila ang apoy ng iyong banal na pag-ibig.

Isugo mo ang Iyong Espiritu at sila'y malilikha, at sa gayo'y mapapanibago ang mukha ng mundo.

𝐌𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐭𝐚𝐲𝐨: O Diyos, na sa liwanag ng Espiritu Santo ay tinuruan ang mga puso ng mga mananampalataya, ipagkaloob mo na sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, ay ibigin namin kung ano ang wasto at makatarungan at sa tuwina’y magalak sa kanyang pagkilos na nakapagdudulot ng ginhawa sa aming loob. Sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.



𝐌𝐀𝐘𝐎 𝟏𝟓 | 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐈𝐒𝐈𝐃𝐑𝐎 𝐋𝐀𝐁𝐑𝐀𝐃𝐎𝐑 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐎𝐂𝐏𝐎𝐂 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆Sa pagdiriwang natin ngayon ng kapistahan ni San Isidr...
15/05/2026

𝐌𝐀𝐘𝐎 𝟏𝟓 | 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐈𝐒𝐈𝐃𝐑𝐎 𝐋𝐀𝐁𝐑𝐀𝐃𝐎𝐑 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐎𝐂𝐏𝐎𝐂 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆

Sa pagdiriwang natin ngayon ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ating inaalaala ang kanyang huwarang halimbawa bilang isang simple at tapat na mananampalataya. Ang kanyang buhay ay tunay at lubos na nakaugat sa pananampalataya sa Diyos. Mula sa araw-araw na pagdalo sa Banal na Misa bago siya tumungo sa kanyang trabaho bilang magsasaka naiaalay niya ang kanyang araw-araw na buhay at paggawa sa Diyos. Hindi naging hadlang sa kanya ang maghapo't magdamag na pagsasaka upang makatagpo ang Diyos sa araw-araw.

Sundan nawa natin ang halimbawang ito ni San Isidro upang tayo ay lalong mapalapit sa Diyos at maging banal sa bawat pagkilos. Buksan nawa natin ang ating mga puso sa Panginoon na siyang puno kung saan tayo nakaugat bilang mga sanga, nang sa gayon tayo din ay tuluyang makapamunga. Sa huli, ang Banal na Espiritu ang kikilos kasama natin at para sa atin kung gaya ni San Isidro ay ipupunla natin ang kabutihan at kabanalan sa bawat gawain. Kung kaya pag-ibig at kapayapaan nawang lagi ang ating itanim upang kabutihan at kabanalan din ang ating anihin.

𝗦𝗔𝗡 𝗜𝗦𝗜𝗗𝗥𝗢 𝗟𝗔𝗕𝗥𝗔𝗗𝗢𝗥, 𝗜𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗠𝗢 𝗞𝗔𝗠𝗜.



𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐆𝐔𝐒𝐓𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍Bilang isang sambayanang nakatalaga sa Diyos, tayo ay nagbubuny...
05/05/2026

𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐆𝐔𝐒𝐓𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍

Bilang isang sambayanang nakatalaga sa Diyos, tayo ay nagbubunyi sapagkat sa Kanyang kabutihan ay tinawag niya ang mahal nating patrong si San Agustin upang maging banal at tapat Niyang lingkod. Ang pagbabagong buhay ni San Agustin ay naging instrumento upang ang isa sa pinaka-magandang plano ng Diyos ay lubusang mapangyari. Iba't ibang uri ng tukso at pagsubok ang naglayo noon kay San Agustin ngunit hindi naging huli ang lahat upang matagpuan niya ang Diyos. Isa itong paalala na walang imposible sa Panginoon hangga't buo at handa ang ating puso na tanggapin at sundin ang Kanyang kalooban.

Sa kwento ng pagbabagong buhay at pagbabalik loob ni San Agustin, naroon ang kanyang ina na si Santa Monica na walang humpay ang pagdarasal at paghahangad na mapabuti si San Agustin. Isang halimbawa na tayo bilang mga mananampalataya ay mayroon ding magagawa para sa ating kapwa lalo na sa mga kapatid nating unti-unting nalalayo sa Diyos.

Sa pagdiriwang natin ng kapistahang ito, hilingin at pagsumikapan nating matularan ang mabuting halimbawa ni Amang San Agustin upang tayo din ay tunay na makatagpo ng kapanatagan ng puso sa ating Panginoon nating Diyos.

Tema: Sa Pakikinig, may Maypagbabalik-loob: Landas ni San Agustin para sa Simbahang nakikinig

AMANG SAN AGUSTIN, IPANALANGIN MO KAMI.



📢 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗔 📢Ang Ministri ng Lingkod ng Dambana ng ating Parokya ay nagbubukas...
03/05/2026

📢 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗔 📢

Ang Ministri ng Lingkod ng Dambana ng ating Parokya ay nagbubukas ngayon para sa mga kabataang lalaki na nagnanais maging isang Lingkod.

Ito ay isang pagkakataon para sa mga kabataan na tunay na mahubog at mapalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng paglilingkod sa Kanya at sa Kanyang Sumbahan.

Para sa ibang detalye, bisitahin lamang ang page ng Ministry of Altar Servers.

Salamat po!



𝗔𝗹𝘁𝗮𝗿 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗿 𝗥𝗲𝗰𝗿𝘂𝗶𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲

𝗡𝗮𝗶𝘀 𝗺𝗼 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗮?

𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗛𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮'𝘁 𝘁𝘂𝗺𝘂𝗴𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀!

Aming Inaanyayahan Ang mga Kabataang lalaki na maglingkod sa ating 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 bilang isang 𝗔𝗹𝘁𝗮𝗿 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗿. Ito ay isang hakbang upang tayo ay matulugan na lumago at lumalim Ang pananampalataya sa 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀. Dedikasyon nating tuparin Ang tungkulin na ibinigay saatin dahil ito ay isang malaking biyaya Mula sa 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.

𝗤𝘂𝗮𝗹𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀:
Male
Baptized Roman Catholic
Received First Holy Communion
Willing to attend formation and practices
Honest and responsible
Ready and able to do the duties
Dedicated to serve the lord

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗻𝗮𝗻𝗮𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝘆, 𝗺𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗼 𝗶-𝗰𝗼𝗻𝘁𝗮𝗰𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗳𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸 𝗽𝗮𝗴𝗲: 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗢𝗳 𝗔𝗹𝘁𝗮𝗿 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗿𝘀 - 𝗦𝗮𝗶𝗻𝘁 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵, 𝗠𝗲𝗻𝗱𝗲𝘇-𝗡𝘂ñ𝗲𝘇, 𝗖𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲

𝗕𝗘 𝗢𝗡𝗘 𝗢𝗙 𝗨𝗦, 𝗕𝗘 𝗔𝗡 𝗔𝗟𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘𝗥!

𝐌𝐀𝐘 𝟏 | 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀Ngayong unang araw ng Mayo, ginugunita natin ang pagiging huwarang manggagawa n...
01/05/2026

𝐌𝐀𝐘 𝟏 | 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀

Ngayong unang araw ng Mayo, ginugunita natin ang pagiging huwarang manggagawa ni San Jose—isang halimbawa na ang bawat paggawa at pagkilos ay maaaring maging pagpupuri sa Diyos. Sa bawat sakripisyo at trabaho, naroon ang tahimik at banayad na pagkilos na walang ibang hangad kundi ang mabunga at mabuting gawa. Bilang isang ama, handa niyang ialay at gawin ang lahat nang may kalakip na pag-ibig upang maitaguyod sina Jesus at Maria—ang kanyang pamilya.

Isang mabuting halimbawa na ang bawat pagpapagal ay maaaring maging banal. Ang trabaho at ang bawat paggawa ng tao ay isang biyayang kaloob sa atin ng Diyos kung kaya lagi nawa nating sikapin na ang lahat ng ito'y maialay din sa Kanya. Ang bawat pagkilos na may kalakip na pag-ibig at kabutihang loob ay laging pabalik sa Diyos.

𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗦𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔, 𝗜𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗠𝗢 𝗞𝗔𝗠𝗜.



Address

J. P. Rizal Street , Poblacion II
Mendez
4121

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+63464130249

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Augustine Parish, Mendez-Nuñez, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Saint Augustine Parish, Mendez-Nuñez, Cavite:

Share