12/03/2026
ANO ANG PREX? Ang PREX ay ang pinaikling Parish Renewal Experience. Ito ay isang pang-katolikong pagtitipon na naglalayong palalimin ang pagkilala kay Hesus at ang Simbahan na iniwan niya sa atin, at buhayin muli ang pananampalataya, pati na rin ang ating relasyon sa Diyos, pamilya, at kapwa.
Para maintindihan ito, inaaanyayahan kayo na dumalo at magsailalim nito. Maaari kayong makipag-ugnayan sa inyong Parokya na iyong kinabibilingan o kaya magpadala ng mensahe sa BALITANG SIMBAHAN sa numerong 09563675051
Kung kayo naman ay tapos na, maging PROUD at mag-comment kung saan kayo parokya kabilang, Diocese at Class No. Samahan mo na rin ng maikling salita sa naranasan mo sa pagdalo sa PREX para mahikayat natin ang nais maranasan ito. (Halimbawa: "Proud PREX family member, Santuario di San Paolo, Diocese of Novaliches, Class 11. dahil muling nagbukas sa akin ng pagkakataon para mas lumalim pa ang ugnayan ko kay Kristo, sa kanyang simbahan at mga kapwa ko mananampalataya" )
Makakatulong din kung ang post na ito ng panghihikayat ay maging bahagi ka sa pamamagitan ng repost | share sa inyong sariling social media account.