04/09/2026
Unang Sabado ng Pagdedebosyon sa
NUESTRA SEÑORA DE LA INMACULADA CONCEPCION
ANG BIRHEN NG MATAASNAKAHOY
Ina, Reyna, at Patrona ng Bayan ng Mataasnakahoy
Panalangin sa Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion
O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, taglay mo ang grasya ng Panginoon sa simula pa lamang ng kalinis-linisang paglilihi sa iyo.
Dakila ang karangalang ito na ipinagkaloob sa iyo ng Ama upang maging marapat na Ina ng aming Panginoong Hesukristo at kabanal-banalang esposa ng Espiritu Santo.
Sa pamamagitan mo ay buong puso naming iniaalay kay Hesus ang aming sarili, mga panalangin, mga gawain, tuwa at mga tiisin sa araw-araw naming pamumuhay ng buo naming puso at kaluluwa.
Tulungan mo kami, O Inang kalinis-linisan, na manatiling buhay sa grasya ng Panginoon. Matularan nawa namin ang iyong kalinisan at kabanalan sa ikararangal ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.
Amen.
Nuestra Señora de la Inmaculada Concepcion, aming Ina, Reyna, at Patrona, Ang Birhen ng Mataasnakahoy, ipanalangin mo kami.
Ave Inmaculada!
Ave Maria!
VIVA LA VIRGEN!