Diocese of Iba - St Joseph Catholic Chapel Bamban Masinloc

Diocese of Iba - St Joseph Catholic Chapel Bamban Masinloc Macu cuni Ama San Jose!

11/02/2026

LIVE: The Wednesday Family Rosary will be prayed from the Our Lady of La Paz Parish, in Makati City. Let us gather as a family and as a community to pray and ask the intercession of the Blessed Virgin Mary.

Malapit na naman ang iyong Dakilang Kapistahan, Ama San Jose, at magwa-walong dekada (80 taong gulang) na ang pagdiriwan...
03/02/2026

Malapit na naman ang iyong Dakilang Kapistahan, Ama San Jose, at magwa-walong dekada (80 taong gulang) na ang pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay. Nawa'y magkaroon ulit ng mga mabubuting loob na boluntaryong mag-aalay sa bahay-dalanginan ng mga bagay na magpapatibay ng pananalig sa iyon ng buong pamayanan ng Barangay Bamban.

San Jose EsposoSan Andres ApostolSan Agustin de Hipono
03/02/2026

San Jose Esposo
San Andres Apostol
San Agustin de Hipono

WHO IS YOUR PATRON SAINT?

Each of us has a patron saint whom we have a special devotion, who inspires us to follow Christ more faithfully. Who is your patron saint walking with you on your journey of faith today?

01/02/2026

Handa ang Ina at Reyna ng Lalawigan ng Zambales Ina Poonbato sa gaganaping Morong Grand Marian Procession.

01/02/2026

✠ PITONG LINGGO KASAMA SI SAN JOSE ✠

IKALAWANG LINGGO: ANG PAGSILANG SA MANUNUBOS

Sa ngalan ng ✠ Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN

Jose na mapalad, tumayong ama at tagapagtanggol ng batang Hesus dito sa Lupa, Kalinis-linisang Esposo ng Mahal na Birheng Maria. Kami’y naririto, lumalapit sa iyo na nawa ay patnubayan mo ako, aking pamilya, kaibiga’t mga mahal sa buhay. gawin mo kaming karapatdapat sa ginagawa naming ito, ang paggunita sa pitong Ligaya at Sakit mo, alang-alang sa iyong mahal na mag-anak, kay Maria at Hesus. Amen.

PAGBASA
Ang Pagsilang sa Manunubos
(Lukas 2:1-7,14)

Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang sensus na ito ay ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria. Kaya't umuwi ang bawat isa sa sari-sariling bayan upang magpatala. Mula sa Nazaret, isang lunsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula sa angkan ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay kabuwanan na. Habang sila'y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan. Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit, "Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!"
- Ang Mabuting Balita ng Panginoon

T./ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Sa kabila ng karangayaan at karangalan na mapabilang sa angkan ni Haring David, nalugmok pa rin sa kahirapan ang buhay ni Jose at kanyang mag-anak. Naranasan ni Jose ang ipagtabuyan at pagsaraduhan ng pintuan. Labag man sa kalooban ni Jose, nagsilbing silungan ng kanyang mag-anak ang isang sabsaban. Masakit sa isang haligi ng tahanan ang hindi maibigay ang maginhawang buhay para sa kanyang mag-iina, ngunit ginapi ng kaluwalhatian ng Diyos ang lungkot na nadarama ni Jose nang maisilang na ang manunubos, si Hesukristo. Tayo di’y minsan nakakaranas ng kahirapan ng buhay, nalulugmok sa gitna ng kalungkutan at napapahandusay sa kadiliman, sa mga panahong ito, huwag nawa tayong manghina at mawalan ng pag-asa, at atin nawang maalaman na may Diyos na handang iahon tayo sa dagat ng kahirapan, at magsilbi nawang sabsaban ang ating mga puso upang sa bawat isa ay isilang ang ating manunubos. Matanto nawa natin na ang Diyos ay dapat nating luwalhatiin, “Papuri sa Diyos sa Kaitaasan!”.

PANALANGIN
O Jose, dinanas mo ang hirap ng walang matirhan, ang sakit ng ipagtabuyan ngunit di ka pa rin nawalan ng pag-asa na mahanapan ng masisilungan ang iyong mag-anak. Anong lumbay at sakit ang dinanas mo habang minamasdan mo ang mga ito, ngunit hindi ka pa rin nawalan ng pag-asa at nanalig ka pa rin sa Diyos sa kabila ng mga ito. Tulungan mo nawa kami, aming ginigiliw na pintakasi, nang sa gayon ay kami din ay maging tulad mo, na hindi pinanghihinaan ng loob sa Diyos. Kami nawa’y maging bukas-palad sa mga taong mahihirap, maging laging handang tumulong sa nangangailangan at sa gayon ay sa amin din ay isilang ang Mesiyas. Amen. Hesus, Maria at Jose.

N: Ating banggitin ang mga kahilingan sa araw na ito....

Ama Namin….Aba Ginoong Maria…Luwalhati

Namumuno: O kabanal-banalang Patriarka, maluwalhating San Jose, na hinirang ka sa lahat na maging ama sa turing ng Salitang nagkatawang-tao, ang dakilang sákit na dinamdam ng puso mo nang makita mong ipinanganak ang Sanggol na si Hesus sa lubos na kasalatan ay napawi niyong tuwang-langit na kinamtan mo sa pakikinig ng pag-aawitan ng mga anghel at sa pagkakita ng mga kahima-himalang nangyari noong gabing yaon na lubhang maliwanag.

Lahat: Alang-alang sa ikalawang sákit mo’t tuwa, idinudulog namin sa iyo na kung matapos itong paglalakbay dito sa lupa, ay mapakinggan namin ang maluwalhating pag-aawitan ng mga anghel at makamtan ang kaligayahan ng langit.

Namumuno: O San Jose, anak ni David, at kabiyak ng puso ni Maria, pinararangalan ka namin, tagapangalaga ng Manunubos, at sinasamba namin ang batang pinangalanan mong Hesus.

Lahat: San Jose, pintakasi ng banal na Simbahan, ipanalangin mo kami, upang katulad mo ay makapamuhay kaming may lubos na paglalaan ng sarili alang-alang sa mga kapakanan ng Tagapagligtas. Amen.

Namumuno: O, San Jose, Mahal na Pintakasi:
Lahat: Ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.

Antipona:
Sa pag-ako ng itinalagang misyon ni Hesus, ay ipinakilala Niyang Siya’y anak ni Jose.

LITANIYA KAY POONG SAN JOSE
*Panginoon, maawa ka sa amin.
*Hesukristo, maawa ka sa amin.
*Panginoon, maawa ka sa amin,
*Kristo, pakinggan mo kami.
*Kristo, pakapakinggan mo kami.

Diyos, Ama sa langit *Maawa ka sa Amin
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan*
Diyos Espiritu Santo*
Kabanal-banalang Tatlong Persona na iisang Diyos*

Santa Maria, *Ipanalangin mo kami.
San Jose, *
Bunying Anak ni David, *
Tanglaw ng mga Patriarka, *
Kabiyak ng puso ng Ina ng Diyos, *
Tagapagtanod ng Manunubos, *
Kalinis-linisang tagapangalaga ng Mahal na Birhen, *
Inaring Ama ng Anak ng Diyos, *
Mapagkalingang Tagapangalaga ni Kristo, *
Lingkod ni Kristo, *
Lingkod ng Kaligtasan, *
Púno ng Banal na Mag-anak, *
Kabanal-banalang Jose, *
Kalinis-linisang San Jose, *
Mahinahong San Jose, *
Magiting na San Jose, *
Pinakamasunuring San Jose, *
Pinakamatapat na San Jose, *
Salamin ng katiyagaan, *
Maibigin sa karukhaan, *
Uliran ng mga manggagawa, *
Karangalan ng búhay mag-anak, *
Tagapangalaga ng mga birhen, *
Haligi ng mga angkan, *
Sandigan sa Kahirapan, *
Aliw ng namimighati, *
Pag-asa ng mga maysakit, *
Pintakasi ng mga ipinatapon sa ibang bansa, *
Pintakasi ng mga nagdurusa, *
Pintakasi ng mga dukha, *
Pintakasi ng mga naghihingalo, *
Sindak ng mga demonyo, *
Tagapagtanggol ng Banal na Simbahan. *

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng Sanlibutan
Patawarin mo kami.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng Sandaigdigan
Pakinggan mo kami.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng santinakpang langit;
Kaawan mo kami.

Namumuno: Ginawa siyang panginoon ng kanyang bahay.
Lahat: At tagapamahala ng lahat niyang mga pag-aari.

Namumuno: Ipanalangin mo kami, Mahal na Poong San Jose.
Lahat: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mg pangako ni Hesukristong Panginoon.

Namumuno: Manalangin tayo.
Lahat: Panginoong Diyos, na sa isang tanging dimasayod na pamamahala mo ay hinirang mo si San Jose, na maging Esposo ng Iyong Ina, ang kabanal-banalang Birheng Maria, maawa ka’t ipagkaloob mo sa amin, na yayamang siya’y iginagalang naming Pintakasi dito sa lupa, ay siya rin naming bukod na kumalara sa amin sa kaharian ng langit. Na nabubuhay ka’t naghahari magpasawalang-hanggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Sa iyo po, maluwalhating San Jose, nagsasakdal kami sa aming mga kapighatian; at pagkahingi naming ng saklolo sa iyong kabanal-banalang esposa, idinadalangin din naming ang iyong saklolo, taglay ang buong pananalig, alang-alang sa dalisay na pag-ibig na ipinakisama mo sa kalinislinisang Birheng Mariang Ina ng Diyos, at sa pagsintang Ama na iniyakap mo sa Banal na Sanggol na si Hesus, ay isinasamo naming sa iyo ng lubos na kapakumbabaan ng loob, na ilingap mo ang mat among maawain sa manang kinamtan ni Hesukristo ng kanyang mahalagang dugo, at ampunin mo ang aming mga pangangailangan ng iyong tulong at kapangyarihan.

O lubhang maingat na tagapagtangkilik ng mag-ina ni Hesus, ampunin mo ang hirang na lipi ni Hesukristo; ilayo mo sa amin ang tanang karungisan ng maling aral o masamang ugali. O makapangyayari’t maawaing Pintakasi, tulungan mo kami buhat sa langit sa pakikilaban naming sa demonyo, ipagtanggol mo ngayon ang Santa Iglesia ng Diyos sa kalupitan at sa mga silo ng kanyang mga kaaway at sa dilang hilahil, gaya ng pagliligtas mo nang unang araw, sa mahal na sanggol na si Hesus sa panganib na kninalagyan ng kanyang buhay; at kupkupin mo naman kaming lahat ng lagi mong saklolo, upang sa pamamagitan ng iyong pag-aampon at tulad sa iyo ay matuto rin kaming mabuhay at mamatay sa kabanalan at makamtan naming ang kapalarang walang-hanggan sa langit. Siya nawa.

San Jose, Ipanalangin mo kami.

Sa Ngalan ng ✠ Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen



01/02/2026
Mabuhay ang Reyna at Patron ng Lalawigan ng Zambales!
01/02/2026

Mabuhay ang Reyna at Patron ng Lalawigan ng Zambales!

Address

National Road
Masinloc
2211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocese of Iba - St Joseph Catholic Chapel Bamban Masinloc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Diocese of Iba - St Joseph Catholic Chapel Bamban Masinloc:

Share