18/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐
๐จ๐๐๐๐๐ 19, 2026 | ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐ฌ๐๐๐๐๐๐ 34: 1-11
๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐
Sinabi sa akin ng Panginoon: โTao, magpahayag ka laban sa mga pinuno ng Israel. Sabihin mong ipinasasabi ko: Nakatakda na ang parusa sa inyo, mga pinuno ng Israel. Sarili ninyo ang inyong iniintindi at hindi ang mga tupa. Iniinom ninyo ang gatas, nagdaramit kayo ng lana, nagpapatay ng mga pinatabang hayop, ngunit hindi ninyo pinakakain ang mga tupa. Bakit hindi ninyo pinalalakas ang mahihina, ni ginagamot ang mga maysakit, ni hinihilot ang mga pilay? Bakit hindi ninyo hinahanap ang nawawala, ni ibinabalik ang nalalayo? Sa halip ay ginagamitan ninyo sila ng kamay na bakal. Silaโy nangangalat, at nilalapa ng mababangis na hayop pagkat walang pastol. Ang mga tupa koโy nagkalat sa mga bundok, burol at sa lahat ng panig ng daigdig, ngunit walang ibig humanap sa kanila.
โDahil dito, mga pinuno, dinggin ninyo ang aking sinasabi: Ako ang Diyos na buhay. Ang mga tupa koโy pinipinsala at nilalapa ng mababangis na hayop pagkat walang nangangalaga. Hindi hinahanap ng mga pastol ang aking mga tupa. Sa halip na alagaan nila ang mga ito, ang sarili nila ang binubusog. Kaya nga makinig kayo, mga pastol. Pakinggan ninyo itong aking sinasabi: Laban ako sa inyo. Pananagutan ninyo ang nangyayari sa aking mga tupa. Hindi ko na kayo gagawing pastol upang hindi na ninyo mabusog ang inyong sarili. Ilalayo ko sa inyo ang aking mga tupa at hindi na ninyo mapakikinabangan ang mga ito.โ
Ito ang ipinasasabi ng Panginoon: โAko mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking mga tupa.โ
๐จ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐๐.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐บ๐๐๐๐ 22: 1-3๐, 3๐-4, 5: 6
๐ท๐๐๐๐๐ ๐๐'๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐,
๐๐๐๐
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐.
Panginooโy aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Akoโy pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.
๐ท๐๐๐๐๐ ๐๐'๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐,
๐๐๐๐
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐.
At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasiโy doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyoโy tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ikaโy kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.
๐ท๐๐๐๐๐ ๐๐'๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐,
๐๐๐๐
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐.
Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
itoโy iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.
๐ท๐๐๐๐๐ ๐๐'๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐,
๐๐๐๐
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐.
Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaakiโt tataglayin habang akoโy nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.
๐ท๐๐๐๐๐ ๐๐'๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐,
๐๐๐๐
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐ด๐๐๐๐ 20: 1-16๐
๐จ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐บ๐๐ ๐ด๐๐๐๐
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: โAng paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, silaโy pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, โPumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.โ At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayun din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siyaโy lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, โBakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?โ โWala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!โ sagot nila. At sinabi niya, โKung gayun, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.โ
โPagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, โTawagin mo na ang mga manggagawa at silaโy upahan, magmula sa huli hanggang sa buong nagtrabaho.โ Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isaโy tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, โIsang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?โ At sinabi niya sa isa sa kanila, โKaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi baโt nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?โ Kayaโt ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.โ
๐จ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐.